2. Who is back?

0 0 0
                                        


Vianca Airen Pontilla

It's good to be back.

"I'm back everyone!" Sigaw ko kaya napukol sa akin ang atensiyon ng lahat.

Masigla akong ngumiti at naglakad papuntang clubroom habang ninanamnam ang nakukuha kong atensiyon.

I just stayed in our clubroom,waiting for the class to finish. Wala talaga sa pagkatao ko ang umattend ng mga klase kaya sorry na kung bad influence ako, Hahahahaha.

I sat on my throne elegantly and started to read the reports and the requests. While reading the reports someone came in without knocking, the nerve!

Tinaasan ko ng kilay ang babaeng pumasok, "Who are you?" I asked while looking at her from head to toe, based on her uniform she's one of the student here but this is the first time I saw her, she must be the transferee that they are talking about.

"And sino ka rin? Bakit ka naka-upo diyan eh hindi ka naman member ng club!" Maangas niya na sagot at tinuro pa ako.

"I am the PRESIDENT of this club,Vianca Pontilla." I proudly said while emphasizing the word "President".

Ngayong ko lang napansin na may hawak pala akong papel, oh! Yung form niya pala ito, so she wants to join my club.

"No need to introduce your self. Let's start the training." Walang pasintabi kong anunsiyo at nabakasan nang gulat ang kaniyang maangas na mukha.

Mikee Sampiano

Arghh!!! Nakakainis yung babaeng yun! At anong training? training pa ba ito? Mantakin mo namang palinisin ako ng cr ng boys. Arghh!!!

"You're so slow, kahit ako kaya kong linisin yan within an hour or two." Daldal niya pa, nakakainis na siya ah! Puro sya reklamo.

"Edi ikaw maglinis dito!" Sigaw ko, nasa dulong cubicle ako at siya naman ay nasa labas ng cr ng boys, mahigit 3 hours na ako dito sa cr ng boys at medyo patapos na ako. Recess nung pumunta ako sa Clubroom ng Odd Jobs Club at ngayon Lunch na. Mukhang walang balak na pakainin ako.

"Buti naman at tapos na ako." Naghilamos lang ako at lumabas na sa cr ng boys.

"Catch!" Bigla na lang may lumilipad na sandwich ang papunta sa direksiyon ko at huli na para saluhin ko ito sa ere dahil tumama na ito sa mukha ko. Bago pa man mahulog ay nakuha ko na yung sandwich sa mukha ko. Inis akong lumapit kay Vianca at itinapat sa mukha niya yung sandwich na hinagis niya sa akin.

"Anong gagawin ko rito?"

"Kainin mo malamang, alangan namang ililinis mo sa kubeta. Tss." Pabalang niyang sagot at nagsimula nang naglakad paalis. Tingnan niyo, ang bastos niya kausap.

Kinuha ko yung wrist watch ko sa loob ng bulsa ng uniform ko. 2:30 pm na at sakto,pwede pa akong umabot sa last class ko. Pumasok ulit ako sa cr dala ang warning sign at inilagay iyon sa gilid saka ko inayusan ang sarili ko. Paglabas ko ay didiretso sana ako sa Clubroom nang makita kong nandoon na sa lapag ang bag ko. Kinuha ko ito at dumiretso na sa classroom kung saan gaganapin ang last subject.

Pagdating ko sa room ay wala pang teacher kaya agad akong pumasok at pumunta sa seat ko which is sa tabi ni Heil. Bago pa ako naka-upo ay may naka-agaw ng atensiyon ko, Yung bagay na nakabalot sa tela at nakalagay sa ibabaw ng desk ko. Dahan-dahan akong umupo sa upuan para hindi iyon magalaw.

"Sa iyo ba ito?" Tanong ko kay Heil pero umiling lang siya at nagpakita ng kakaibang ngiti.

"Para sa iyo yan, may nagpapabigay raw sabi ni Drake." *Eekkk!*
At kinilig pa siya. Tss. Sinong Drake kaya yun?

"Wait, Drake as in Drake Sanchez na galing sa Odd Jobs club?!" Naninigurado kong tanong at ngumiti siya na parang tanga at tumitili habang nakayakap sa bag niya.

Since wala pa ang teacher ay binuksan ko yun. Lunchbox yung nasa loob ng tela at may note na nakapatong doon.

Huwag kang mag-alala hindi namin yan nilagyan ng lason.

P.s: Good job on your first job!

Yan lang ang naka-sulat at may smiley face pang nakalagay. Binuksan ko Yung lunchbox at bumungad sa akin ang mabangong amoy ng pagkain. Ang cute! Naka-octupus sha yung hotdog at pati na rin yung kanin ay may ibang color at shape, parang yung nakikita ko sa pinapanood na anime ng kapatid ko. Pinicturan ko muna yung pagkain bago ko ito sinimulang kainin, nakakaano siya kainin kasi sobrang cute pero gutom na ako eh. Sorry pagkain.

"Grabe! Hindi ko kinaya yung Vianca na yun!" Reklamo ko kay Heil. By the way, tapos na po akong kumain at vacant kami ngayon dahil may biglaang meeting daw yung mga teacher.

"Why? Anong ginawa sayo?" Curious na tanong ni Heil, nilapit niya pa yung mukha niya sa akin to the point na naamoy ko na ang matamis na amoy ng hininga niya.

Bahagya kong tinulak papalayo yung mukha niya sa akin, "Sasabihin ko kapag sinabi mo sa akin yung talent mo. Mag-trade tayo." Nakangisi kong alok sa kaniya. As if naman na ibibigay ko sa kaniya yung gusto niyang malaman.

"Malalaman ko rin 'yon. Para saan pa't kasama ako sa Detective Club diba." Nagyayabang niyang deklara na nginisihan ko lang.

"Mikee Sampiano! Nandito ba si Mikee Sampiano?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa unahang pintuan ng classroom namin. Nasa likod ako kaya bahagya akong tumayo at sinilip kung sino ang tumatawag sa pangalan ko.

Si Yuri?

Kahit malayo ako ay kitang-kita ko kung gaano siya kabasa ng pawis, malakas din ang paghinga niya to the point na mas lalo ko itong naririnig habang papalapit ako sa kaniya. Siguro dahil na rin sa pagtakbo at sa pawis pero hindi maitatanggi ang kinang niya at ang charisma niya habang nakababa ang buhok niya at pawisan siya, isama mo pa na nasisinagan siya ng araw mula sa labas.

"Anong meron?" Nagtatatay kong tanong at magc-cross arms pa sana ako nang bigla niyang hawakan ang isa kong kamay at sinimulan akong hilalin palabas.

"Teka! Teka! YUUURRRIIII!!!!" Tili ko na nakapagpatigil sa kaniya.

Tumigil siya at nilingon ako, he has this apologetic look on his face, nakaka-guilty tingnan. Bakit ang amo ng mukha niya ngayon?

"Sorry, we forgot to inform you that our club need to attend an assembly and we only have–" panandalian siyang lumingon sa relo niya bago binalik ang tingin sa akin, "about an hour to prepare."

"Ano? Anong assembly? At bakit niyo ako nakalimutan i-inform? Saan yung assembly gaganapin? Wala akong masusuot? Aggh! Yuri!!" Hindi ko pa tapos sabihin lahat ng gusto ko itanong nang bigla niya akong buhatin at simulang itakbo, ginawa ba naman akong sako ng bigas sa paraan ng pagbuhat niya.

Hindi niya ako sinagot at feeling ko ay masusuka ako, pinapalo ko na siya sa may pwetan niya pero wala pa rin siyang pakialam, in fairness malambot, peroo!! Nasusuka na ako!

I gave Yuri one look before I let everything out, bahala na siya maglinis ng sarili niya. Dala na rin siguro ng pagkahilo ay unti-unting nandilim ang paningin ko, pero bago tuluyang lamunin ng kadiliman ang kamalayan ko ay narinig ko ang sunod-sunod at malulutong na mura ni Yuri, naramdaman ko rin na binaba niya na ako kaya inangat ko ang isa kong kamay at pinakita sa kaniya ang middle finger ko sabay sabing "Fuck you."

Wether nakita o narinig niya ang sinabi ko, bahala na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Odd Jobs ClubWhere stories live. Discover now