--1--

20 0 0
                                    

People always said na masaya daw kapag may minamahal ka. May nag aalaga sayo. May nag papaalala na mag iingat ka palagi. May nag aalala at syempre may nagmamahal sayo.

Sa mga broken hearted at heart broken. Meron pang mga tanong na: Bakit kailangan makilala mo ang taong magpapatibok ulit ng puso mo pero hindi naman pala para sayo? Para saan pa ba sya? Tagahilom ng sugat ng nakaraan o tagadagdag ng sakit na nararamdaman?

Sabi ko naman. Sus, wala akong alam jan dahil kakagising ko lang!

It's friday and I'm happy. Masayang masaya ako. Naka perfect ako sa attendance this week! Wala nakakatuwa lang. 3rd quarter na ng schooling pero ngayon lang ako naka kumpleto. Hindi naman ako sakitin, hindi din naman ako mahirap para mawalan ng baon. Pero kasi tinatamad ako pumasok. Nagkakaron ako ng Sickness everyday. Kung ang iba ay tuwing byernes lang nagkakasakit sakitan o may sakit na katam (katamaran) at may sakit sa bato (batogan). Ako naman ay kung kelan matapatan ng katamaran. Minsan nagkakaron ako ng Monday Sickness, o kaya Tuesday Sickness, Wednesday Sickness at Thursday Sickness. Pero mas madalas talaga ang Friday Sickness. Bakit? Kase masarap gumala ng byernes. Walang iisipin na pasok bukas. Walang mataray na adviser. Walang makulit na kaklase. Walang mabahong katabi. At kapag Friday umatake ang ''Sickness'' ko, mas matagal ang pahinga ko. At kapag di ako pumasok ng friday, mas masaya kase walang assignment na gagawin.

Napaka walang kwentang dahilan. Tsk.

Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin at pumasok na sa school.

Nakapangalumbaba ako ng may kumuhit sa braso ko.

''Oy Iza congrats! Sabi ni Che naka kumpleto ka daw ng attendance ah.'' Sabi ni Iya. Close friend ko. Larae ang totoong pangalan nya.

''Oo nga e. Ganun talaga. Sinipag pumasok e.'' Sagot ko na medyo natatawa.

Napakatamad ko kasi talagang pumasok. Mas gusto ko pang matulog nalang. Mas masarap naman talagang matulog kesa mag aral!

''Anong nakain mo aber?'' Tanong nya.

Pag sinipag may nakain agad? Hindi ba pwedeng trip lang muna? Wala nga din pala kong nakain kaya ayan! Nagugutom na nga ako.

''Wala. Wala kasi akong magawa sa bahay e. Wala akong mapagtripan.'' Sabay apir sa kanya.

''Libre mo ko. Tara. Nagugutom na ko.'' Sabi ko. Kung ano ano lang sasabihin neto e. Gutom na talaga ko.

''Tara sa Canteen. Wala pa naman si Mam e.'' Aya nya sakin at lumabas ng room. Sumunod naman ako.

Pagdating namin sa canteen ay bumili agad sya ng pagkain para saming dalawa. Dalawang burger, isang platong spaghetti, isang carbonara, dalawang piatos, dalawang tubig, vcut, nova at puro chocolates at sweets. Water at softdrinks. Galante to e. Matakaw kasi.

Umupo kame sa bakanteng upuan malapit sa may pinto ng Canteen para makita agad namin kung paparating na si Mam. Para makatakbo agad kami.

''Nabalitaan mo na ba?'' Tanong nya habang ngumunguya ng burger.

''Alin naman?'' Kinuha ko ang Vcut at binuksan.

''Oy akin yan!'' Inagaw nya at binato sakin yung isa.

''Itong Nova ang sayo!'' Irap nya.

''Tsk.''

''Ano? Nabalitaan mo na nga?'' Ulit nya.

''Alin nga?'' Naiinis kong tanong. Gusto ko ng Vcut eh.

''Kala ko ba pumapasok ka? Bat di mo alam yung usap usapan?'' Nagtatakang tanong nya.

Unforgettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon