--2--

6 0 0
                                    

This day was a blast. After naming kumaen sa Canteen ay bumalik na kami sa room. Dumating si mam tapos nagturo. Wala din namang masyadong nangyare, nagturo lang yung teacher tapos tapos na. Ganun naman dito, walang pakialamanan. Kahit pa sabihing public school ay di ka papakialaman ng teacher pag di mo sya papakialaman. Dinaig pa ang private school na pera pera lang ang labanan e.

Katabe ko si Larae, na katabi si Lorien tapos katabi si Natasha.

Lagi naman ata kaming magkaka tabi. What do you expect? Eh ayaw maghiwa hiwalay nitong mga kasama ko.

''Ita, lamok ka ba?'' Natatawang wika ni Ina.

At nausuhan ng pick up line ang gaga. San naman kaya nila nakuha yon?

''Lamok? As in Mosquito?'' Natasha asked.

''Hinde. Hinde. Lamok as in frog!'' Pabalang na sabat ni Larae.

Di naman sya kasali sa usapan nilang dalawa. Nakikisali na naman. Mang aasar lang na naman to. For sure tatawa lang yan ng tatawa mamaya. Ganyan naman kasi yan. Malakas ang topak.

''Ano dali, Lamok ka ba?'' Tanong ulit ni Ina.

Mukang pagti tripan na naman nitong si Lorien si Natasha. Parang lagi din naman. Haha

''Do I look like a mosquito on you?! My god! Sa ganda kong to!'' Naiiritang sagot ni Natasha.

Yung totoo, hindi nya ba alam ang pick up lines? Simpleng ''bakit'' lang di nya pa maitanong.

''Pick up line yon gaga.'' Naiiling nalang si Larae sa tabi ko.

Ang ingay nila sa room. Usap dito, usap don. Kung ano ano ng topic nila. Pareng palengke lang.

Naglagay ako ng earphones sa tenga ko. Tapos kinuha ko ang phone ko at nagtext. Kunware may sounds yung earphone pero wala talaga para marinig ko pa din sila. That's the best technique of eavesdropping. Mehehe. I'm so brilliant!

"Oy yan nagsariling buhay na naman tong isa oh." Sabe ni Larae sabay turo sakin.

''What?" Tinanggal ko ang isa na nakapasak sa tenga ko at painosente kong tanong sa kanya, kunware ulit ay di ko narinig. Mehehe

"Wala, wala.'' Sagot naman nito at nagkibit balikat nalang ako saka ko ulit nilagay ang earplug sa tenga ko.

Ang mga kaklase ko naman ay patuloy pa din sa pag iingay. Iba na kasi ang teacher namin sa subject na ito at mukang hindi na dadating dahil 10 minutes na syang late.

''Ahhh. Pick up line pala. Sige, bakit?'' Tango tango nyang sabi.

Seriously? Di nya talaga alam na pick up line yon?

''Kase sa sobrang tanga mo, ang sarap mong hampasin!'' Sabi ni Ina.

Humagalpak naman ng tawa si Larae sa tabi ko. As in, tawa sya ng tawa. Sabe na e. Tatawa lang to ng tatawa.

''Ikaw yelo ka naman! Ang sarap mong ihampas sa pader!'' Natasha smirked.

''Akala ko nga kamote ka e!'' Si Ina.

''And why?'' Nakataas ang kilay na sagot tanong ni Natasha.

''Muka ka kasing lamang lupa!'' Natatawang sagot ni Lorien.

Umuusok naman sa galit ang ilong ni Natasha at pulang pula na dahil siguro sa sobrang inis na din.

''Para ka namang billard! Ang sarap sarguhin ng muka mo!''

Nakaisip agad ng pambalik ah. Lakas ng babaeng to.

''Anong sarguhin?'' Nagtatakang tanong ni Lorien.

Unforgettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon