--3--

4 0 0
                                    

''Ano na?''

Naiinis na ko. Kanina pa kami dito sa Jollibee at nakaubos na din ako ng isang N3 at Large fries.

''Teka lang naman. Malapit na daw sya dito e.'' Sagot nya at nagkamot sa ulo.

May kuto ba tong isang to? Tingnan mo tong babaeng to. Akala ko pa naman boys hunting. Di naman pala.

Yea, I sounded like I do like her plan to hunt boys. As if namang may pakialam ako. Ang akin lang, kanina pa kami dito. For Petes sake! 1pm ang uwian namen at 3pm na. Kanina pa talaga kami. Grabeng lalaki naman yung inaantay ni Ita. Kung sino mang poncio pilatong yun. Sya pa ang may lakas ng loob magpaantay. Nako nakaka badtrip!

''Malapit na?! Eh kanina pa yang malapit ng yan e! Alas tres na oh, kanina pa tayong ala una dito!''

''Can you just please shut up? Naiinip na din naman ako kaso kelangan lang talaga to. Sagot ko na nga lunch mo ng two weeks eh. Nagrereklamo ka pa jan.''

Nauubos na pasensya ko. Pagkain nga na masustanya nauubos, pasensya pa kaya?

I mentally cursed.

''Ano pa nga ba?'' Irap ko at kinain ko nalang yung fries nya.

Haynako. Kung di lang ako mabubusog dahil sa pagsama dito sa babaeng to di talaga ko sasama. Nakakainis na kaya. Kanina pa kame palingon lingon sa paligid. Eh di ko naman kilala kung sinong inaantay namen dito. Basta ang sabe nya, naka red na shirt at black pants.

Sino naman kaya yon? Wala naman syang nai ikwento na bago nyang boyfriend.

Baka bagong fling na naman?

Hmmm. Na cu curious tuloy ako kung sinong inaantay namen dito.

''Sino ba kase talaga yan?'' Naiirita kong tanong.

''Si Nathan.'' Sagot nya, nakangiti sya pero di umabot sa tenga nya ang ngiting yon.

Like what the? Si Nathan na naman! Lagi nalang Nathan, Nathan. Wala ng iba kundi si Nathan. Si Nathan Mercado. Ang lalaking kinababaliwan ng babaeng to. Di ko nga alam kung bakit baliw na baliw to don eh marami namang nagkakagusto sa kanya. Ang ganda nya lang para magpakatanga tapos pinaninindigan nya pa.

"Sya parin ba talaga?" Tanong ko.

Matagal na din naman nung nagbreak yung dalawa e. Mga 3months na yata yon, pero hanggang ngayon di paren nakaka move on tong babaeng to. Madami pa namang lalaki sa mundo. Di ko talaga makuha yung logic kung bakit kailangan nyang magpakatanga sa isang tao.

"Oo eh. Mahal ko talaga kahit na ganon ang ginawa nya sakin. Ang manhid kasi nya." Si Natasha.

I sighed. Kelan nya kaya matatanggap sa sarili nya na ayaw na nung tao sa kanya? Paulit ulit nalang syang nasasaktan sa paulit ulit ding dahilan. Parang ako pa yung napapagod sa nangyayare sa kanya.

"Noon minahal ka niya. Diba?" Tanong ko dito.

Ngumiti naman sya, "Oo."

"Ayon, minahal ka nya noon. NOON yon." I nemphasize ko pa yung word na noon. "Akala mo forever pero iniwan ka rin niya. Pinipilit mong ibalik ang noon pero hindi mo kaya. Sino ngayon ang manhid? Siya dahil hindi niya maramdamang mahal mo siya? O ikaw kasi hindi mo matanggap na ayaw na niya?" Tanong ko.

Nakakainis lang. Ayokong makita syang ganyan. Kahit naman malakas ang topak nitong babaeng' to concern ako sa kanya at mahal ko to.

"Alam mo kase.'' Sabi nya sabay hingang malalim.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unforgettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon