PROLOGUE

49 6 13
                                    

'I've never known the loving of a man
But it sure felt nice when he was holding my hand'

Here I am. Hinihintay ang bawat pag patak ng oras. Sa wakas dumating na rin yung panahong pinakahihintay ko. Ito na yung araw na kung saan wala na kong kawala. Hindi ko na mabilang kung ilang ulit na kong bumuntong hininga para lang maitaboy ang kaba. Kelan kaya to matatapos?

Naalala ko pa noon. Yung time kung paano ko sya pinagtripan sa hallway ng school namin. Ano nga dala dala niya? Ah yung mini board, yung bag nya tsaka yung laptop. Noon lang ako nakakita ng lalaking teacher na may head band sa ulo haha. Lumapad lalo yung noo nya.

Naalala ko rin kung paanong yung baklang nakilala ko unti unting naging lalaki. Kung paano siya tumapang nung contest namin. Kung paanong ung pakikipag kompetensya sa ibang school ay nauwi sa pakikipag kumpetensiya sa tadhana at sa pag-ibig.

Kung paanong yung lalaki na nagparanas sa akin ng saya siya rin nagparanas ng hapdi.

Nakakatuwang alalahanin lahat. Lahat ng laban naming dalawa.

Nakakatawang alalahanin sa totoo lang. Bakit ko ba to inaalala ngayon? Eh di ba nga wala na kong kawala?

Nakita ko siya! Ngunit hindi niya ako nakikita dahil masyadong tinted ang sasakyan. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang tuxedo. Lalo lang siyang naging gwapo dahil sa ayos niya. Ngayon ko lang siya nakitang supistikado. Bagay sa kanya.

Nagsisimula na silang lumakad papasok sa simbahan. Naiwan ako dito sa loob ng kotse dahil aantayin ko pa ang hudyat ng weeding coordinator kung kelan ako papasok.

"Ready ka na ba?" tanong sa akin ni Marla.

"Ikaw?"balik tanong ko sa kanya.

Kabadong-kabado ako. Hindi mapakali at hindi maiwasan mag- isip. Kinakabahan ako na baka mag back out lang sya. Hindi ko kakayanin. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Muli akong napasulyap sa singsing na nakakabit sa kamay ko. Ang ganda ng diyamante na kumikinang sa gitna.

Nakita kong kumakaway sa akin si Ky. Tinatawag na ako. Agad akong lumabas.

"Okay ka lang ba Tinang?" Nag aalalang tanong nya. Marahil nakita nya ang pamumuo ng butil ng luha sa aking mga mata.

"Kinakailangan kong maging okay. Hindi pwedeng maglakad ako ng hindi okay. Kakayanin ko kahit mahirap." pigil ang luhang sabi ko sa kanya.

Napa buntong hininga na lamang sya at tinapik ang balikat ko. Dumeretso siya sa kotse kung nasaan si Marla.

Ang sikip sikip ng dibdib ko.

Dahan dahan akong sumunod at naglakad paharap sa simbahan. Dahan dahan akong naglakad papunta sa harap.

Ninanamnam ang bawat sandali. Kasabay nang paglalakad ko ay ang pagsilay ng ngiti niya. Hinihintay nya na ako. Makikita mo sa mga mata niya ang saya na hindi mapaliwanag. Yung kislap na hindi ko pa nakikita noon.

'Ikaw lang ang nagpabago sa akin'

'Mahal na mahal kita hindi bilang estudyante kundi bilang babae'

'Handa akong mapagod ng paulit ulit. Wag ka lang bumitaw'

'Sa bawat araw na ibinigay ng Diyos lagi akong handa. Handa ako sa ibabato ng tadhana'

Nanginginig yung kamay ko. Ramdam ko ang matinding tensyon ng pumasok ako. Nakakakaba pala to.

Sumasabay lahat. Sumasabay yung ritmo ng awitin sa damdamin ko.

"At nakita kita sa tagpuan ni Bathala
May kinang sa mata na di maintindihan"

Sa wakas nakarating narin ako sa harap. Agad niya kong nilapitan at sinalubong ng mainit na yakap.

Gusto kong umiyak. Gustong gusto ko. Hindi dahil sa saya kundi sa sakit. Sobrang sakit.

"Salamat sa lahat Tristina. Tandaan mo makakahanap ka rin ng lalaking kagaya ko" bulong niya sa akin bago humiwalay. Matamis ang ngiti niya bago ibinalik sa may pintuan ng simbahan ang tingin.

Oo, yung lalaking matagal ko ng pinangarap ay nasa harap ko. Ikakasal sya? Hindi sa akin kundi sa babaeng nararapat talaga para sa kanya.

Wala na kong kawala. Sa sakit sa pait sa hapdi. Handa na ako. Handa na kong masilayan ang palitan nila ng 'I do'. Handa na ko.

Ito ang pinakamasayang araw para sa kaniya. Ngunit ito ang araw na namatay ang puso ko.....

Who Would Have Thought Forever Could Be Severed By Where stories live. Discover now