PROLOGO

20 0 0
                                    

Sahara

Malakas na napabuntong hininga ako ng tawagin ang pangalan ko ni Mama. Alam ko na kasi muli niya akong uutosan, diko na ata mabilang kung ilang beses niya na ako inutosan ngayong araw. Pagbaba ko ay nakalatag na sa hapag kainan ang aming tanghalian.

"Pumunta ka sa tindahan at ibili mo'ko ng tatlong yelo, sobrang init ng panahon ngayon diyos ko po" usal niya at inabot saakin ang bayad.

Nakasimangot ako hanggang sa makalabas ako ng bahay eh pano ba naman napakalayo ng mga tindahan dito.

Nakarating ako sa tindahan ilang minuto ang nakalipas, hinihingal akong nagtawag ng tao like "Ate pabili nga po" pero lumipas ang ilang segundo ay wala pang lumalabas na tao muli akong nagtawag pero wala paring lumalabas na kahit sino mang tao kaya mas lalo kong nilakasan ang pagtatawag ko ngunit umabot ito ng hanggang limang beses ng may biglang lumabas na lalaki na lumabas sa isang maliit lang na pintoan.

Naka damit ito ng orange na kulay na lalong bumagay sa makinis at maputi niyang balat, nang titigan ko ang kaniyang kayumangging mata ay kuminang ito, nagpababa ang tingin ko hanggang sa mapupula niyang labi kasabay noon ang pagngiti niya kaya naman nakita ko ang mapuputi niyang ngipin.

"Ano iyon?" Bumalik ako sa wisyo at sinabi ang aking bibilhin. "Ubos na, sa kabila ka nalang bumili" ngumiti pa ang hayop. Nanguyom ang magkabilaang palad ko at nanlisik ang mga mata ko.

"Nagtinda ka pa? Sana nagsara ka nalang buwesit naman oh ang init init lalo mo pang pinalayo 'yung lalakarin ko" reklamo ko at tinalikoran ko na siya. Napahinto ako ng marinig ko ang mahinang tawa niya na nakakadagdag init ng ulo ko. "Anong nakakatawa?!" Inis na sinigawan ko siya ngunit magandang babae ang aking nakita na may edad na. Nanlaki ang mga mata ko at napakagat ako sa ibabang labi ko, namumula ang mukha kong sinambit ang ang "Sorry po." 

Nagmamadali akong naglakad at pumuntang kabilang tindahan, pawis na pawis na'ko sa sobrang init dahil hindi ba naman ako nagdala ng payong diba? Kabobohan ko 'to.  Nang makabili na'ko ng yelo ay naglakad na'ko ulit pauwi sa bahay.

Ito ang problema ng lugar namin dito bihira lang ang nagtitinda dahil malalayo rin ang mga palengke dito. Sa katunayan ay ngayon ko lang nakita ang lalaki na iyon. Magdadalawang buwan na kami dito ni Mama, lumipat kami upang medyo lumapit ang lalakarin ko patungo sa iskuwelahan.

Sa unang upahan namin ay sinubukan kong lakarin lang ang daan papunta sa iskuwelahan namin ngunit wala akong napala na late kaya ako noong araw na iyon atyaka masyadong maaksaya sa pera ang pagpapamasahe ko papunta roon.  Sumasakto lang ng dalawang linggo ang sahod ng Papa ko kaya naman doble tipid kami upang umabot ito hanggang tatlong linggo, minsan kasi ay mababa ang sahod ng aking Papa at minsan naman ay delay delay.

Actually ay Educ ang kinuha kong kurso dahil ito lang ang kaya ng aking mga magulang, hindi na ako magpipili dahil gusto ko rin naman makatapos ng kolehiyo ayos lang kahit anong kurso basta hindi masyadong mahal. Nung sinabi ng aking mga magulang na mag Educ nalang ako ay nagustohan ko naman dahil gusto ko rin naman maging isang guro.

Ilang minuto pa ay may motorsiklo na huminto saaking tabi kaya naman napatingin ako rito. Nakita ko ang lalaking walang kuwenta ang tindahan dahil wala naman siyang yelo.

"Sumakay kana, ihahatid kita sainyo. Nakakahiya naman kasi diba? Nagsara na'ko ng tindahan, tindahan naman iyon ng Tita ko. Walang ice eh" nagkibit balikat pa siya. Napakagat labi ako sa inis dahil pakiramdam ko ay namimilosopo siya.

"Ay hindi na kailangan, may magsusundo saakin may sarili kaming eroplano na lalanding sa pagmumukha mo!" Inis na sabi ko at nagpaunang maglakad ngunit sumunod parin ang loko.

"Biro lang e. Sumakay kana andami mo pang arte di ka pa kasi nanguha ng payong mo tss"

"Hindi ako nag iinarte medyo lang. Umalis kana at umuwi gumawa ka ng ice para naman may mapala ka!" Tinuro ko pa ang kung saan na para bang andoon ang sinasabi ko.

"Tara na andami mo pang sinasabi e tunaw na yang ice mo pag uwi mo sa bahay niyo." bumaba siya sa kaniyang motor at hinila niya ako at pinaupo sa motor niya at sumakay na ulit siya at muling pinaandar ang kaniyang makina.

Nakasimangot akong nakauwi ng bahay. At naiinis na iniabot kay Mama ang yelo. Pumasok ako sa kuwarto ko at humiga.

"Sahara! Kakain na!" Malakas na tawag ni Mama. Napabangon ako at tumingin sa paligid ko. Akala ko... Akala ko ba bumili ako ng ice tapos? Ha?.

"Panaginip 'yon? Aywow parang totoo unfairness" usal ko at bumaba na ako.

Nakatulog pala ako dahil puyat ako kagabi. Nang makababa ako ay nakita ko si Mama na naghahanda ng aming tanghalian.

"Ma, alam mo ba napaginipan ko pinabili mo daw ako ng ice" sambit ko habang hihikab hikab ako paderetso sa lababo upang maghilamos.

"Sakto, oh bumili ka ng yelo. Bilisan mo ng makakain na tayo. "

"Putek" pabulong na sabi ko.



The Guy In My DreamWhere stories live. Discover now