Simula

17 5 3
                                    

Simula

"Mama" tawag ko dito habang busy sa pagluluto. Wala pang ala sais ng umaga pero nagluluto na agad ito. Ganoon talaga si Mama sa araw-araw. Maaga kasing umaalis si Papa para pumasok sa kaniyang trabaho.

"Good morning Princess... Maaga ka atang nagising?" sabi ni Mama sabay halik sa aking pisngi ng makalapit ako dito. Bumalik naman agad ito sa pagluluto.

"Ma, labas lang ako. Magbabike lang ako diyan sa labas. Balik ako kaagad." pagpapaalam ko dito. Agad itong lumingon sa akin bago ako binigyan ng isang tipid na ngiti.

"Sige basta bumalik ka agad. Mag-ingat ka."

"Sure, Ma. I love you." bungisngis ko bago hinalikan ito sa pisngi. Agad naman siyang natawa.

"Kapag may kailangan ka lang talaga naglalambing." kunwari'y nagtatampong saad nito.

"Hala si Mama nagtatampo. Sorry na Ma, babawi ako sayo. I promise." paglalambing ko dito.

"O siya sige na. Bumalik ka agad, ha. Dalaga na ang aming prinsesa." She said while laughing.

   Isang back hug ang binigay ko kay Mama bago umalis doon sa aming kusina. Pumunta agad ako sa aming grahe. Hindi na ako nagpaalam kay Zach kasi sinabi ko na sa kaniya kagabi ang balak kong paglabas. Hindi ko nga lang sinabi na ngayon yon.

  Agad naman akong pinagbuksan ng guard namin. Ang sarap ng simoy ng hangin. Mabagal lang ang pagpapatakbo ko para masilayan ko ng maayos kung gaano kaganda ang umagang ito.

  Pumikit ako bago dinama ang lamig ng simoy ng hangin. Pero kapag nga naman minamalas ka, may batong maliit sa daan kung saan doon dumaan yung gulong ng bisekleta ko. Agad akong natumba at sumengplang sa daan.

"Aray... " daing ko habang pinapagpagan ang damit ko. Agad akong nanlamig ng makita ko ang sugat sa aking tuhod. Patay ako nito kay Papa at sa kakambal ko. Bakit kasi ang lampa ko.

"Hey! Okay ka lang ba?" biglang saad ng kung sino na siyang nagpalundag sa akin sa kaba.

Napalinga tuloy ako at doon ko nakita ang isang lalaking papalapit sa akin. Sa itsura pa lang niya ay halatang nagjo-jogging ito. Basa ng pawis ang kaniyang damit.

"Who are you?" tanong ko dito. Hindi ko siya kilala sa mukha. Siguro bagong lipat ito.

"Nice. Natumba ka na nga't lahat, pangalan ko pa rin ang gusto mong makuha." bungisngis niyang saad sa akin. Nagulat ako sa kakapalan ng mukha nito. Really!? Sa tingin niya ba ay gusto ko siya? Hindi ba pwedeng curious lang ako?

"Ang kapal naman ng mukha mo. Hindi kita namumukhaan kaya tinanong ko kung ano ang pangalan mo. Huwag kang feeling!" medyo inis na sagot ko dito.

"Ito naman, binibiro lang." natatawang sagot niya sa akin.

"Masakit ba? Sugat lang ba ang natamo mo? Baka naman nabalian ka niyan?" dugtong pa nito.

"I'm fine but my brother will kill me for this. Magagalit yon sa akin kasi nagkasugat na naman ako." nag-aalala kong sabi.

"Will kill me for this, talaga!? Hindi ba pwedeng pagalitan ka lang. Hindi ka o.a." natatawang sagot nito.

Sinubukan niyang hawakan yung tuhod ko pero agad kong iniiwas. Walang sinuman ang nakakahawak sa akin bukod sa aking pamilya. Hindi ako conservative pero hindi lang talaga ako kumportable.

"I'm sorry." hinging paumanhin nito na maramdaman niya sigurong naiilang ako kapag may humahawak sa akin.

"I think umuwi ka na para malinisan yan. Yung bahay kasi namin nasa kabilang subdivision pa. Kung doon pa kita dadalhin para gamutin ay napakalayo naman." medyo nag-aalalang sabi pa nito.

Rules of Heart (Montierro Series #1)Where stories live. Discover now