Kabanata 2

7 2 0
                                    

Vin

  Kinabukasan maaga akong nagising. Hindi agad ako makabangon dahil sa mga braso at binting nakadantay sa akin. Ang braso ni Zach ay nakayakap sa aking baywang. Samantalang si Zion naman ay nakadantay ang binti sa aking hita.

Naalala ko nga palang pilit nilang gustong matulog dito sa aking kwarto. Hindi naman iyon problema sa akin dahil kasya ang limang tao sa kama ko pero dahil sa likot nilang matulog parang ang sikip na tuloy. Nasa gitna nila akong dalawa kaya ako ang kawawa.

Dahan-dahan kong inalis ang mga braso at binting nakadantay sa akin. Agad naman akong tumayo para makapaghilamos ng mukha. Pagkalabas ko ng CR ay ganoon pa rin ang ayos nila. Tulog na tulog pa rin.

Lumabas ako ng aking kwarto at nagpasyang bumaba na sa aming kusina. Naabutan ko si Mama na nagluluto para sa aming almusal. Nandoon naman si Papa sa kanyang likod at mahigpit na nakayakap sa mga baywang nito.

"Cristoff, ano ba! Bumitaw ka nga. Mamaya pababa na mga anak mo diyan!" rinig kong singhal ni Mama kay Papa. Sa halip na sundin si Mama ay mas lalo lang yumakap ito. Hindi ata nila napansin ang aking pagdating dahil busy sila sarili nilang mundo.

"Sinilip ko sila sa mga kwarto nila kaso hindi pala sila doon natulog kundi sa kwarto ni Zoey. Naabutan ko silang mahimbing pa ang tulog kaya baka mamaya pa ang mga iyon magising." pagpapaliwanag nito.

"Kahit na Cristoff. Hindi ako makakilos ng maayos dahil diyan sa braso mong nakapulupot sa akin!" singhal ni Mama.

Tumikhim agad ako para matigil sila sa pagbabangayan o paglalandian. Agad lumingon sa akin si Papa at Mama.

"Maaga pa para sa mga ganiyan Papa." wika ko.

  Tumawa lang ito pagkatapos ay lumapit sa akin.

"Good morning, Princess" wika nito at saka ako binigyan ng halik sa pisngi.

"Good morning Papa." nakangiti kong sagot dito. Isang ngisi naman ang binigay ko kay Mama bago lumapit dito.

"Morning Mama" sabay halik sa pisngi nito.

"Maaga kang nagising, ah. Nasaan na mga kapatid mo?" tanong nito.

"Nasa kwarto ko pa po. Mga tulog pa."

"Doon natulog sa kwarto mo?"

"Opo. Ewan ko kina Zach at kagabi nagpumilit doong matulog pati si Zion, Ma. Kasya naman kami kaso ang likot nilang mahiga."

"Sus, namiss lang nila lambingan niyong tatlo. Malalaki na kayo. Parang kailan lang, nakikipaghabulan pa kami ng Papa niyo sa inyo." si Mama na tila'y nagbabalik tanaw sa nakaraan.

"Kung gusto mo, pwede pa naman nating sundan si Zion para may hahabulin ka uli." sabi ni Papa kaso kinurot lang ito ni Mama sa tagiliran.

"Tumigil ka nga Cristoff! Yung anak mo nakikinig." bulyaw ni Mama dito pero hindi naman maitago ang ngiti sa kanyang labi. Humalakhak lang si Papa bago muling bumalik sa pagkakayakap kay Mama.

"Ma, ako na bahalang mag-ayos ng lamesa."

  Sinimulan ko ng maglabas ng mga plato, kutsara at baso. Kumuha na din ako ng tubig at iniligay iyon sa gitna ng lamesa. Si Papa naman ang bahalang maglabas ng kanin. Si Mama naman ay isinasalin na sa lalagyan ang adobo niyang niluto. Inayos ko na rin ang iba pang ulam na nasa lamesa. May hotdog at fried egg ang naroon. Maayos na naman kaya umupo na ako sa aking upuan. Ganoon din si Papa.

"Zoey, tawagin mo na nga ang mga kapatid mo. Kakain na tayo ng almusal e' mga tulog pa." si Mama na abala sa paglalagay ng adobo sa lamesa.

Tatayo na sana ako para puntahan ang mga kapatid ko kaso ay rinig ko na ang boses ng mga itong papasok sa kusina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 28, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rules of Heart (Montierro Series #1)Where stories live. Discover now