Over Protective
Nagising ako sa pagkalam ng tiyan ko. Oo nga pala at hindi pa ako nag-aalmusal. Nakita kong maayos na ulit ang kwarto ko. Ang first aid kit na nasa sahig kanina ay wala na doon. Agad kong inalis ang kumot ko para tingnan ang sugat kong malinis na din. Sino kayang naglinis nito? Is it Mama? Malabo kasing yung dalawa eh galit na galit sa akin yon.
Lumabas ako sa aking kwarto para bumaba at pumunta sa aming kusina. Wala si Mama doon. Baka nasa kwarto nila. Si Papa naman siguro ay umalis na at pumasok sa trabaho. Si Zach siguro ay nagkulong na naman sa kwarto niya. Galit at nagsusuplado na naman.
May katulong naman kami pero si Mama palagi ang nagluluto sa amin. Minsan lang ang mga katulong kapag wala si Mama para ipagluto kami. May nakita akong isang katulong na papasok sana sa kusina ay bumalik dahil nakita ako roon. Tinawag ko iyon bago pa ito makalayo.
"Nasaan sila?" tanong ko dito bago umupo sa silya na naroon sa aming lamesa.
"Ang Mama niyo po ay nasa kwarto. Ganoon po rin ang kapatid niyong si Sir Zach. Ang Papa niyo po ay nasa opisina niya sa taas. Ang bunso niyo naman pong kapatid na si Sir Zion ay nasa garden po at naglalaro." mahabang paliwanag nito.
"Nakakain na ba silang lahat?"
"Opo Ma'am Zoey. Tahimik nga lang po silang kumakain kanina." sagot nito.
"Ipaghahayin ko na po kayo para makakain na kayo ng almusal." dugtong pa nito. Agad naman itong kumilos para mailapag ang kanin at ulam na niluto ni Mama. Mainit pa ang iyon. Lalagyan niya na sana ako ng pagkain sa plato pero agad ko itong pinigilan.
"Ako na. Kaya ko naman. Bumalik ka na lang sa ginagawa mo. Salamat." simpleng wika ko bago ito tumango at tumalikod sa akin.
Nagsimula na akong kumain. Habang kumakain, inisip ko kung paano ko susuyuin ang aking kapatid. Inisip ko rin kung paano ako hihingi ng tawad kay Papa. Alam ko naman na hindi sila gaanong galit sa akin pero ayaw ko sa lahat na may samaan kami ng loob. Patapos na akong kumain nang biglang pumasok si Zion sa kusina.
"Good Morning Ate. Late ka na nagising." simpleng bati nito bago lumapit sa akin. Tumingkayad ito para mahalikan ako sa pisngi. Hinalikan ko rin ito sa pisngi bago siya tumalikod sa akin. Pilit niyang binuksan ang ref namin para siguro kumuha ng maiinom.
"Morning. What do you want ba? Do you want to drink water?" tanong ko dito at inilagay ang aking pinagkainan sa sink. Nakita ko ang pagtango niyo. Binuksan ko ang ref para kumuha ng malamig na tubig. Nagsalin ako sa isang baso at inabot kay Zion. Nagsalin ulit ako sa isa pang baso para naman sa akin. Binalik ko na ulit iyon sa ref.
Agad itong umalis sa aming kusina para ipagpatuloy siguro ang paglalaro. Hinugasan ko naman ang aking pinagkainan. Nilinis ko na rin ang lamesa. Ibinalik ko ang sobrang ulam at kanin. Nagpupunas na ako ng kamay ng pumasok si Mama sa aming kusina.
"Kumain ka na ba Zoey?" tanong agad nito bago ako hinalikan sa pisngi.
"Yes, Ma." simpleng sagot ko bago pinagmasdan ang aking ina na naghahanda na siguro para sa aming tanghalian. She looks natural. Parang walang away na naganap sa kanilang dalawa ni Papa. Kung ako ang tatanungin, alam kong nag-away sila.
"M-Ma sorry. Hindi ko naman gustong matumba habang nagbabike. Nadisappoint ulit sa akin sina Papa. Galit sila sa akin and they don't like me na." paiyak kong bigkas dito. Sabihin niyo ng iyakin ako pero kapag pamilya na yung usapan ang bilis tumulo ng mga luha ko. Para sa iba ang babaw lang nito pero para sa akin sobrang sakit na.
"Shhh... Zoey..." pag-aalo sa akin ni Mama. Niyakap niya ako ng mahigpit bago nagsalita.
"Hindi ibig sabihin na galit sila ay ayaw na nila sayo. Hindi mo kasalanan kung bakit natumba ka, okay? Medyo o.a lang sila pero sadyang ganon ang Papa at kapatid mo." wika nito.
YOU ARE READING
Rules of Heart (Montierro Series #1)
General FictionZoey Iesha Montierro is the only daughter of her parents. He has a twin brother and a younger brother. Ang kaunting bangas at sugat niya ay ikinagagalit na ng mga ito. She grew up in a happy family. What if an unexpected event happens? Will she be a...