Chapter 3: The Game

40 2 2
                                    

Natapos ko nang gawin yung arrangements for tomorrow.

Dumaan muna ako ng gym since dito rin naman yung way papuntang dorm. Di narin ako masyadong pumasok kasi sobrang daming tao. Parang fight of the century hindi nanga magkarinigan yung mga tao dito.

"Go baby Ran!"

"I love you Otake"

"Ang gwapo mo Ran Takahashi!"

"Akin kanalang K. Takahashi!"

Awow daming supporters. Set 5 na nung pagkarating ko, tie yung dalawang team.
Dito mo talaga malalaman kung sino ang uuwing talonan.

"Ran Takahashi will serve" sambit nung commentator.

Bago paman mag serve si Ran kumindat siya sakin, wait sakin ba? tumingin ako sa likod ko at sa tabi ko wala namang tao kasi puno yung andito. Assuming lang siguro ako pero sakin talaga siya nakatingin.

Pag serve niya ng bola pasok naman ang ganda nung rally. Pero ang nagpahinto sakin yung ginawa niyang monster block. Nakangisi pa siya habang ginagawa niya yun halatang may gustong patunayan. He end the game with his Monster block, they win.

Umalis narin ako pagkatapos ng laban baka makita pa ako ni Yuan dito at kung ano pang isipin. 

Naglakad lakad nalang ako sa campus, wala naman na akong gagawin. Puro about sa laro lang naririnig ko mula sa mga estudyante dito.

They are waiting for the loosing team to wear girls uniform.

"Nanuod kaba ng laban kanina?" It's Otake nakakabigla naman to kung saan saan sumusulpot.

"Uhmm... Hindi e dati pa naman hindi ako nanunuod ng mga ganyang laro" well totoo naman kasi I find it boring.

"Wala ba kayong after party? Diba panalo kayo?" Sambit ko.

"Akala koba 'di ka nanunuod bakit alam mong panalo kami? Eyy sabi na nandun ka kanina" sabay sundot niya sa tagiliran ko. Pag di pa siya tumigal babatukan ko talaga to.

Kulit e "narinig ko lang noh, duh syempre malalaman ko, yan kaya topic sa buong campus." sagot ko sa kanya, kung makulit na si Yuan ay naku mas makulit pa 'tong si Otake.

"Gusto mong sumama?" pagaaya niya sakin. So may party nga sila.

"Naku ayoko katamad e" sorry pag tinamad talaga ako, talaga tamad ako hahaha.

"Ano kaba tara na!" abay hindi pa nga ako nag o Oo hinala na ako nitong komag na 'to. Saan naman kaya ako balak dalhin nito.

Sumakay kami sa sasakyan niya palabas ng campus. Aba Otake umayos ka hindi kopa gustong mapalayas sa bahay.

After ten minutes nakarating narin kami pumasok kami sa isang malaking gate, may mga puno sa gilid na may mga ilaw ang ganda napa laki nalang yung mga mata ko. Yung parang sa mga fairytale apaka enchanted ganun.

"Ganda noh?" pambabasag ng moment ni Otake, epal talaga e moment ko 'to chars hahaha. "Yeah sobrang ganda, asan ba tayo? " tanong ko sa kanya.

Hindi na niya sinagot yung tanong ko huminto narin kasi yung sasakyan namin. Binuksan ko yung pinto as if naman mag antay pa akong pagbuksan niya nang pinto. Di niya ugaling gawin yun.

'TAKAHASHI'S DRIFT'

Dito pala after party nila. Napaka yaman naman naman pala nila kung ganun. Kung baga sa isda good catch.

Sinundan kulang si Otake kung saan siya papunta abay siya nag aya alangan pabaya'an niya ako. He opened the door and I saw all the members of Valley volleyball team.

"May kasama ka pala Otake ang unfair ikaw lang may ka date." pang aasar nung matangkad na singkit siguro around 20 years old na siya.

"Shut up Onodera!" pagsasaway ni Otake, bossy niya parin walang pinag bago. Hindi siguro napansin ni Ran na andito ako busy kasi siya kaka cellphone.

"Look ang pangit ni Nimir wahahhahaha" ang bully naman nito, it's Onodera.

Kinuha ko yung cellphone ko at tiningnan kung anong ganap, Omo seriously Ronan Volleyball team wearing girls uniform. Talagang seryoso talaga sila dun sa deal.

"They really need to do this?" tanong ko kay Otake.

"Yan ang mga napapala ng matataas ang tingin sa sarili" singit ni Ran akala ko hindi niya napansing may ibang tao rito.

"Nakakahiya tong pinagagawa niyo sa kanila." sambit ko

"It's none of your business kaya wagkang makialam" banat niya.

Sungit ng komag na 'to kanina lang maypa kindat kindat pa siyang nalalaman tapos magsusungit din pala.

"Just don't mind Ran inis lang talaga yan kay Nimir" pagtatanggol ni K. Takahashi sa kanya. Buti patong si Takahashi ang bait at ang gwapo pa.

"Nga pala 8 a.m klase natin bukas don't be late kailangan kopa kasing kausapim yung buong klase about dun sa merging since alam naman nating hindi in good terms ang South at East" mahabang kung paliwanag sa kanila.

Lahat naman sila nakikinig maliban dun sa Ran, kulang talaga sa bakuna tong komag na 'to.

Mababait naman sila, kaya naman pala maraming may crush sa kanila mga varsity players simula nung high school up to now. Si Otake lang kasi yung alam kung varsity e. Akala panga ni mama noon jowa ko siya. May iba kaya akong gusto but I didn't know him personally.

Nagpaalam na ako sa kanilang aalis na. Ran insisted to take me in the dormitory since hindi pwede yung iba. Tahimik lang kami sa byahe. I want to ask him yung about kanina pero baka mapahiya lang ako.

"Bakit di mo sinabing nanunood ka nung laban kanina?" Out of the niyang tanong, hala ito na ngabang sinasabi ko.

"Ah e, napadaan lang naman ako since pauwi narin naman ako ng dorm" totoo naman e uuwi naman dapat sana ako kung hindi lang ako hinila ni Otake kanina.

"When you want to watch my game siguradohin mong makikita kita" he say those words with a smile.

What are you trying to envy Mr. Takahashi. Hanggang sa makarating kami wala na siyang ibang sinabi kundi yun lang. Ano bang iniisip niya na may gusto ako sa kanya, neknek niya 'di porket complete package na siya ma fufall na ako sa kanya.

But the expression on his face seems his very sincere. Tsk ang sungit kaya niya kanina.

Bago paman ako makalabas ng sasakyan. "Don't wear skirts when you're in school" aba ano ba gusto niyang suotin ko pajama. Hindi kasi ako naka uniform ngayun kasi Saturday naman, kahit nga si mama 'di ako pinakikialaman siya pa kaya.

"Okay" sagot ko sa kanya.

"When you want to watch my game siguradohin mong makikita kita"



冉 *************

Fall For My Game (On Going)Where stories live. Discover now