Chapter Six: Let's Play

32 5 9
                                    

chapter six | let's play

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

chapter six | let's play

Katatapos ko lang mag-discuss kay Riri nang dumating naman si Aling Esther, isa sa mga kasambahay ng mga Rosal na matagal na ring naninilbihan sa pamilyang ito, na may dalang pangmeryenda para sa aming dalawa ni Riri.

"Salamat, ho." Ani ko rito pagkalagay niya sa mesa.

"Teacher, after eating this, can we play?" Tanong sa akin ni Riri habang inabot ang baso niyang may lamang juice kaya napabaling ako rito.

"Sure, ano ba ang gusto mong laruin natin?"

"Can we play hide and seek, teacher?"

"Naku, hindi pwede kasi baka magkasakit ka dahil kakain mo lang tapos magtatakbo ka."

"How about we play the game 'it'?" Nagbabasakaling tanong pa rin nito.

"Mas lalo naman iyan. Ganito nalang, maglalaro nalang tayo ng Spill the Tea."

"What kind of game is that, teacher?" Puno ng kyuryosidad na tanong nito sa akin.

"Gamit ang softdrink bottle na walang laman, paiikutin natin ito. Kung sino ang matamaan sa bibig, siya ang sasagot sa itatanong ng isa dahil dalawa lang naman tayo." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Parang Truth or Dare pala iyan, teacher." Maliwanag ang mukhang saad nito.

"Medyo, kaso puro truth lang ito since hindi tayo pwedeng magtakbuhan o gumawa ng mga bagay-bagay. Isang tanong, isang sagot, okay?"

"Okay po, let's eat and then we will play." Excited na saad nito.

Ngumingiting nakatingin ako rito habang kumakain, sa isip-isip ko, bata pa talaga si Riri. Kawawa lang dahil hindi nito naranasan ang naranasan ko noon bilang bata. Hindi kasi ito halos makalabas ng bahay dahil sa insidenteng nangyari sa buhay nito at bantay-sarado pa ito sa loob mismo ng bahay.

Nakakalungkot kung tutuusin.

Ilang sandali pa at natapos na kaming kumain kaya naman inaya ko na itong umupo sa carpet na nasa gitnang bahagi ng study room.

Dali-dali naman itong naupo at pumalakpak pa.

"Let's play na po!" Sobrang excitement ang naramdaman nito at nakikita ko iyon dahil halos kumikinang ang mga mata nito sa tuwa.

Private TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon