chapter two | haunted house
"Kaya mo ba?" Tanong agad ni Dahlia, ang kapatid kong sunod sa akin nang malaman nila na magiging tutor ako sa anak ni Mrs. Rosal.
"Bakit naman hindi? Cum Laude iyang ate ninyo sa State University nila. Wala ba kayong tiwala sa kaniya?" Natatawang rebut ni tatay kay Dahlia.
"Hindi naman sa ganoon, itay. Siyempre, proud tayo kay ate. Walang magbabago roon. Ang sa akin lang kasi 'tay, haunted house ang pupuntahan niya araw-araw."
"Anong haunted house?" Tumatawang saad ko sa aking kapatid. "May ganoon pa pala? 2021 na, Dahlia."
"Iyon ang alam ko, ate. Marami na kasi ang nagsasabi na may naririnig silang parang umiiyak tuwing gabi. Saka kahit walang tao sa bahay na iyon, may nga nakakakita ng batang nagtatakbo at naninitsit."
"Oh, ano na namang kabalastugan ang ikinikwento ninyo sa ate ninyo?" Tanong ni nanay nang mailagay niya sa lamesita ang meryendang puto at buko.
"Si nanay, nag-abala ka pa talaga," baling ko sa kaniya.
"Hayaan mo na. Minsan lang naman iyan, saka alam kong matagal mo na iyang hindi natikman." True, mula kasi nang mag-aral ako sa lungsod, hindi ako umuwi rito dahil sayang ang pamasahe. Nagpupunta lamang sila doon kapag mayroon silang kailangang bilhin na wala rito o maghatid ng paninda sa suki nila sa merkado. Mayroon kasi kaming maliit na taniman sa bakuran.
Wala kasi akong mahanap na katulad ng kay nanay, iyong klase ng puto na sobrang chewy.
"Salamat, nay." Nag-abot agad kami ng puto.
"Oo nga po, 'te," sabat naman ni Diwi na bunsong kapatid kong lalaki habang nilalantakan ang puto. "Kung hindi dahil sa pandemya, di ka na makauwi rito sa atin. Marami na pong nagbago. Mam'ya, gagala tayo."
"Anong gagala? Kararating lang ng ate ninyo. Marami pa namang mga araw, pagpahingain ninyo muna si Dia, saka lunukin mo muna iyang kinain mo bago ka magsalita riyan."
"Ang kj talaga ni tatay."
"Tama naman ang tatay ninyo. Kayo nga kada sumama kayo papuntang lungsod, tulog nga kayo sa dyip di pa tayo nakarating dine. Kuu, bata ka."
"Nanay naman po, 13 years old na po ako. Hindi na ako bata. Magbibinata na ho."
"Bata ka pa rin, Diwi. Pero huwag kang mag-aalala, gagala tayo sa Sabado, okay?"
BINABASA MO ANG
Private Tutor
Misteri / ThrillerIsa si Teacher Dia sa mga nawalan ng trabaho sa isang private school na kaniyang pinagtrabahuan dahil sa pandemya. Pinili niya ang umuwi sa kanila at tutulong na lamang sa paghahanap-buhay sa probinsya. Blessing in disguise naman na maituturing dahi...