Chapter Seven

373 26 2
                                    

Suspicious Husband

Nang magising ako ay wala na si Reagen pero nakapulupot pa din ako sa kumot. Muntik na kong mawalan ng hininga dahil sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya kagabi pero maganda naman ang naging tulog ko.

Matapos kong mag-ayos at kumain ay dumiretso ako sa kagubatan para mangaso gamit gamit ang palaso ng aking ama na kung tawagin ay Bow of La Vida o Bow of Life.

Kasama ko si David at iba pang mga sundalo sa pangangaso para daw proteksyonan ako. Hindi nila alam ay mula sa milya milyang kilometro ay may mga nakaprotekta na sa akin. They're spying on their own.

Tsk. Those brats.

I'm riding my horse backwards—

Charot.

I'm riding my horse Oro because she is given by my father. I sighed. Wala akong mahanap na kahit anong usa o itim na baboy man lang sa kakahuyan para sana sa gaganaping handaan itong mangangaso ko.

Meron din kasing gaganapin na kasal at isa ako sa mga imbitado. Hindi sila mayaman na tao, tanging hamak na magsasaka sa probinsiya ng Barcelona na inanyayahan ako at ikinagagalak ko naman iyon.

Nangako akong ako mismo ang papatay at maghahanap ng pwedeng ipang pulutan sa inuman kaso wala talaga akong mahanap. Sinenyasan ko sila David na hihiwalay ako at lalayo para makahanap ng hayop.

Ngunit iba ang aking natunton at nakita. And if you're thinking that it's my husband then you are right. Bumaba ako kay Oro at itinali siya sa may puno. Nagtago ako sa puno ng narra at sinilip siya.

"Nakita namin ang ibang kawal malapit dito kamahalan. Kailangan na nating umalis" saad ng lalaking kasama niya.

I saw him nod but he stayed.

Nagulat ako nang lumingon siya bigla sa gawi ko. Buti na lang at nakapagtago ako ng mabilis sa puno "Vai tu per primo" You go first.

Nakarinig ako nang pag-alis ng kabayo kasunod nito ang mga yabag ng paa. Huminga ako ng malalim bago maingat na lumabas sa likod ng narra.

Akmang sasaksakin niya ako ng espadang dala nang tumigil siya. Pumikit ako dahil akala ko ay katapusan ko na. Bakit ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong niya pa at nilagay ang espada sa lalagyan nito.

Humarap ako sa kaniya at halos mahulog ang puso ko sa sobrang kinis ng mukha niya "Anong skin care product ang gamit mo?" Wala sa sariling tanong ko.

"Are you toying with me?" Tanong pa niya kasabay ng pagkunot ng noo niya.

Hayss ang pogi.

"I mean, bakit ka nandito" Sabi ko naman at tumingala. Tinitignan ang mga puno at halaman.

"Ako ang naunang magtanong"

"Babae ako"

"Hindi na uso ang ladies first"

"Sinong may sabi?"

Napaatras naman ako ng bigla siyang lumapit sa akin "Sabi ng..." Binaba niya ang mukha niya at inilapit sa akin "Bibig ko."

"Pakialam ko sa bibig mo" tinulak ko siya ng tama lang, hindi malakas para naman mapaghiwalay kami. Kinapos ako ng hangin para huminga sa sobrang lapit ng mga mukha namin.

"Just tell me. Ano nga ang ginagawa mo dito?"

Matatalim na mga mata akong tumingin sa kaniya "Are you commanding me?!"

"Yes and who cares?"

Hinapit niya bigla ang bewang ko. Kung ano ano ang lumabas sa isipan kong mga dapat hindi malaman ng bata nang biglang kunin niya ang pana ko at narinig ko na lang umasinta siya mula sa likod ko.

"Dapat sinabi mo saking mangangaso ka para sinamahan kita"

Mukha ka namang hayop eh. Hehe.

Agad akong lumingon sa pinana niya at laking tuwa ng aking mga mata nang makitang nakapana siya ng isang malaking itim na baboy ramo.

Walang pasabi akong tumakbo para lumapit sa baboy ramo. Malapit na ako nang biglang sumulpot ang isa sa mga kawal ko na naka kabayo, dahil doom ay nagulat ako at natisod.

Tanga.

Grabe siya.

"Katangahan nga naman... Arayyy~" mahina ko pang bulong. This is so embarrassing as hell!!

"¡¡¿Estás bien mi Reina?!!" 
Are you okay my Queen?!

"¡Por supuesto que no! ¡Ayúdame a ponerme de pie!" Of course not! Help me stand up!

Singhal ko pa. Bakit ba kasi bigla bigla ka na lang sumusulpot?! Buti na lang at hindi ako natamaan ng kabayo, natalisod nga lang.

"Oh, Vostra Altezza" Your Highness.

Mahina ngunit gulat na sabi ng aking kawal. So ano? Magtititigan kayo ganon?!

"You speak Italian?"

"Mia madre è italiana, vostra altezza" My mother is Italian, your highness.

"Would you two please stop talking and help me get up?!!" Singhal ko pa sa kanilang dalawa. Unang lumapit ang aking kawal kaya naman umangkla na ako sa braso niya.

"Dapat tinulungan mo ko tumayo muna ih, panget mo kabonding" mahina kong saad na ikinakunot ng noo niya. I sighed. "Let's head first to the castle and get the pig"

Kung mamarapatin mo nga naman. Bigla akong hinablot ni Reagen at binuhat nang pa bridal style. Dahil sa mataas ang pride ko ay tinuhod ko ang ano niya at dahan dahang bumaba.

"Fanculo" Fvck!

"May paa ako okay? You don't need to buhat me. Shems baka ma issue pa tayo"

Hinila niya ang braso ko. He looks at me with that raging eye "Mag-asawa na tayo at may karapatan ako bilang asawa mo" gigil niyang saad at binitawan na ang kamay.

Dumating na sina David kasama pa ang ibang kawal. Halos lumuwa na ang mata ni David nang makita si Reagen sa tabi ko. Sinenyasan ko siya na wag ng mag-alala at wala lang ang katangahan ko.

"Cosa hai fatto alla Mia Regina?" What did you do to My Queen. Galit na saad ni David. Napaupo na lang ako sa may malaking ugat ng puno.

"Non ho fatto niente" I did nothing.

"I'm not buying it"

"I didn't sell"

Halos muntik ko ng mabuga ang tubig na inabot sa akin ng kawal. Pinigilan kong matawa kaso wala na eh, natawa na ako.

"Don't laugh at me, My Queen?!!"

"I didn't!" Itinaas ko pa sa ere ang dalawang kamay ko. I grinned when he blush at the sudden embarrassment. I will tsismis this to anyone.

Bago pa man ako makalakad ay may para bang tumusok na kung ano sa bewang ko, nang tignan ko iyon, bloods are streaming down my belly.

I feel...

Dizzy, all of a sudden my sight turned black.






II MAFIAQUEEN : COMPLETED IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon