Naaalala niyo pa ang ang mga all-time favorite na mga movies/stories na ito? Like sa Hollywood, Romeo and Juliet na sinulat ni Shakespeare, tapos yung pinakapinagusapan din ng mga panahon ng 90’s ang Titanic (Rose and Jack). Hindi naman papatalo ang medyo pang teen like movie ni Mandy Moore kung saan sumikat ang kanta niyang Only Hope sa A walk to remember (Jamie and Landon), the Notebook (Noah and Ally) ni Nicholas Sparks, If only (Sam and Ian) na nakakaloko at ang 500 days of Summer (Tom and Summer) na medyo weird. Mapunta tayo sa local, eto ang pinakapaboritong palabas ng kakagaling lang sa hiwalayan at naging brokenhearted, ang One more chance (Basha and Popoy) ni Bea at John Lloyd, ‘Till my heartaches end (Powie and Agnes) ni Kim Chiu at Gerald na hindi sa malamang dahilan ay natapos na lamang ng ganun ganun lang? pero okay lang, yun kasi ang sabi ng director at papahuli pa ba ang Starting over again (Ginny and Marco) ni Tony at Piolo? Ayoko kay Piolo pero dahil kay Tony pinili kong panoorin ang film na ito. Nakikita niyo ba ang common denominator ng lahat ng storyang nabanggit ko? Yes, tama kayo ng iniisip, ang pagkapare-pareho nila is NAKAKAIYAK SILA!!!!!!!! Waahhhh! :’((((( pero seriously, yung similarities nila is yung sad ending or as we all know the TRAGIC Endings. Some of it maybe tragic but some are not but still they didn’t end as a Happy Ending typical kind of Love Story. Hindi naman nga kasi uso ang Happy Ending sa reyalidad na buhay e. pansamantalang kaligayahan lang ang hatid ng buhay natin sa mundong ibabaw kaya siguro tama lang na pati sa mga pelikula ay ginagawa nadin nila na ganun maging sa mga teleserye sana. Pero kasi di ba, ang pelikula nagagawa kasi may touch padin yun ng nararanasan sa buhay ng totoong tao? Ginagawa lang ganun ka OA para mas kumita? Ewan ko, natutuwa ako sa mga Happy Ending stories noon pero ngayon, hindi na ako naniniwala dahil nga sa hindi naman talaga yun totoo e. Basta! Oo na, isipin niyo na isa akong bitter na tao. Bitter na kung bitter pero masisi niyo ba ako? E sa kung sa ganto ang lagay ko ngayon na wala akong pag-ibig at sa kasamaang palad e nasa bingit na ng kamatayan? Sige nga! Sabihin niyong mali ako?! Masasabi ko lang sa mga may bf/gf dyan, lasapin niyo na yang kaligayahan niyo kasi iiwan lang din kayo niyan. Maghihiwalay din kayo niya. Wag ka ng umasa na seryoso siya sayo at papakasalan ka niya. ASA ka pa! hahaha. Malamang baliw na akong maituturing dahil sa negatibo na ang naiisip ko maging sa buhay pag-ibig ng ibang tao. Pero bakit kasi sa dinami-daming tao sa mundo ay ako pa ang nagkaroon ng sakit na ‘to? Kaya siguro ako hindi nagkakaroon ng pag-ibig sa buhay ko dahil baka hindi kayanin ng puso ko. Tama, hindi kakayanin ng puso ko kapag nasaktan ako, kapag nadurog ako, kapag nagging brokenhearted ako. Kasi ngayon may taning na ang buhay ko dahil masyado ng mahina ang puso ko. Kailangan na akong makahanap ng donor para lang maipagpatuloy ko ang buhay ko. Kaso san naman kami makakahanap ng ganun di ba? Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay may namamatay at handang ibigay ng pamilya ang puso ng taong mahal nila sa ibang tao di ba? Haysss… buhay parang life. Ewan. Bahala na. sabi kasi sakin ng doctor ko, meron nalang akong 8 months para mabuhay kung sewertehin pero kapag malasin hanggang 2-3 months nalang talaga.
April 11, XXXX | 3:45 ng hapon
Nandito ulit ako sa ospital para magpacheckup, eto din yung araw na tinaningan na ako ng buhay ng doctor ko dahil kung hindi daw kami makakahanap ng donor, wala na silang magagawa at wala nadin kaming magagawa kundi antayin na lang ang oras kong mawala. Pinayuhan nadin kami ng doctor na kung gusto pa namin na humaba ang buhay ko, kailangan daw hindi ako masyado mastress at madepress. Dapat din hindi na ako mapagod ng husto at laging iinom ng gamot sa tamang oras. Kailangan din hindi ako mapuyat. Wag na masiado magkape at umiwas sa mga usok ng sigarilyo maging ng mga sasakyan. So basically, parang tinanggalan nadin ako ng social life. Ohwell, ganito talaga ang buhay pero gagawin ko padin ang gusto ko since mamamatay nalang din naman ako. I might as well enjoy my remaining days here on earth.
Natapos na ang checkup ko at binabayaran na ng dad ko yung bill sa counter and I stayed here sa isang couch sa lobby ng hospital. After they paid the bill, we headed to the restaurant. We ate there and talked about how I will live my life.
“Dad, gusto ko pong magbakasyon sa iba’t ibang lugar wherein di pa natin napupuntahan” I said to him.
“Eh di ba nga ang bilin ng doctor ay bawal yung masyado kang mapapagod. E ang pag byahe palang natin nakakapagod na, what more pag may ginawa pa tayong activities? You just stay at home” dad said to me.
“Pero dad! Ano ba naman yan?! Magkukulong nalang ba ako sa bahay at antayin ko ang katapusan ng buhay ko?! Gusto kong maging makabuluhan ang buhay ko sa nanalabing mga araw ko dito, kaya po please naman…” Sabi ko ng may pagkagalit at kirot na nararamdaman dahil hindi ba nila gusto na maging masaya ako?
“No buts. My decision is final! You will stay at home young lady!” tumaas na boses na sabi ni dad.
“Okay. But I just wanted to live my life how it’s supposed to be. So I’ll do it my way since it’s my life anyway. I need to go.” I said with a poker face and ran off.
“Bianca! Bianca! Come back here!” I heard dad calling my name. But still, I ran away from him. Running without looking at the road. Napatingin ako sa kanan ko ng patawid ako sa kalsada at nakikita ko na ang liwanag. Hindi sa malamang dahilan ay napapikit na lamang ako at bumagsak sa sahig.
I woke up and all I can see is white walls, white ceiling, white bed sheet and I am also wearing white clothes. Where am I? Am I in heaven already? Did I just die? Just like that? How pathetic my death would be.
“Thank God sweetie, you’re finally awake” mom said to me and hugged me and… is she crying?!?!
“I’m ok na mom. Don’t cry na. I’m still alive and kickin’” sabi ko habang hinahagod ang likod niya.
“You scared me to death! I thought you’ll also leave me. I thought you’re going to die.” She said while still crying. Wait a minute…did she said also?
“Mom, ano bang sinasabi mo? Anong ibig mong sabihin na baka pati ako iwan ka din? What happened ba?” I asked with confusion. Now she cries more, I think she’s weeping or sobbing.
“Mom, can you please explain to me bakit ka ba nagkakaganyan? Ano bang nangyayari? Wala akong naiintindihan!?!?” I asked her again.
“I think this is not yet the right time for you to know. Makakasama daw sayo sabi ng doctor. Magpahinga ka na muna sweetie” she said while wiping her tears and kissed me on my cheeks and walked out the room.
Ano bang nangyayari? Wala akong maintindihan! Ilang araw na ba akong natutulog dito? Ilang araw na ba ako walang malay? Ano ba ang nangyari? Ang huling naaalala ko ay ang may nakita akong liwanag at ang pagbaksag ko sa sahig. After that, wala na. ano ba to?! Ano bang nangyari?!
BINABASA MO ANG
I'll never forget you [On the shelf]
Short StoryHave you fallen in love and separated ways? have you experience the happiness and pain at the same time? Have you ever felt so alive yet in the end feels like dying every single day? Can you forget the one that you loved the most? I'll never forget...