When you're alone with someone

165 13 15
                                    

May 8, XXXX | 12:08 ng tanghali | 1st day

Bianca's POV

Andito ako ngayon sa kotse bumabyahe patungo sa kung saan. Hindi ko naman kasi alam kung saan kami pupunta. Oo, kami. Sino pa ba ang kasama ko? ang kulit kasi nitong si Miguel e. gusto niya daw kasi akong makasama bayad daw to sa pagworry ko sa kanya. Kinikilig ako kasi nagwoworry pala siya sakin. Pero ang mas ikinakabahala ko ay...baka...alam na niya ang tungkol sa sakit ko? or worst, yung sa taning ng buhay ko? natauhan naman ako sa pagiisip ko...

"A-ah? Ano yun? May sinasabi ka ba?" gulat at natataranta kong tanong sa kanya.

"Ui, Bianca? Are you okay? Kanina pa kita kinakausap pero parang hindi ka naman nakikinig... ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sakin.

"A-ah, o-oo. Okay lang ako. ano nga ulit yung sinasabi mo? Pasensya ka na, may iniisip lang" sabi ko sa kanya sabay tingin kong muli sa labas ng bintana.

"sabi ko naman kasi sayo wag mo na ako isipin kasi kasama mo naman na ako ngayon e."sabi niya na hindi ko gaanong naintindihan kaya lumingon ako sa kanya.

"Anong sabi mo? May sinasabi ka ba?" tanong ko sa kanya pero natawa lang siya sa sinabi ko. anong nakakatawa dun?

"Wala sabi ko ang ganda mo kaso bingi ka. Hahahaha" natatawa niyang sabi sakin. Hinampas ko siya sa braso niya. "Ui, wag mo ako hampasin, baka mabangga tayo." Pero aminin ko kinilig din ako kasi sabi niya maganda ako. okay na sana e, kaso nilait pa ako. Hmpf!

"Nakakainis ka talaga Miguel! Hilig mo akong inaasar noh? Bahala ka na nga jan" sabay cross arm at tingin sa labas ng bintana. Hindi ko siya pinapansin. Bahala siya jan sa buhay niya.

"Ui, Bianca...sorry na...hindi na kita aasarin promise. Bati na tayo...please? Sorry na..." sabi niya sakin. Magsasalita na sana ako ng bigla pa ulit siyang nagsalita. "Maganda ka naman talaga kita e. hindi naman kita inaasar. Totoo yun, ang ganda mo nga...walang halong bola at biro." Sabi niya nung makatingin na ako sa kanya. Pakiramdam ko nagiinit ang mukha ko at nararamdaman kong nagblush ata ako?

"Andito na tayo." Sabi niya sabay baba ng kotse para pag buksan ako ng pinto. Ang gentleman talaga niya kahit kailan. Plus pogi points nanaman yun para sa kanya.

"Thank You. Asan nga pala tayo?" hindi ko kasi alam kung anong lugar to e. pero maganda naman dito. tingin ko isang private beach to e. kasi wala akong nakikitang ibang tao maliban saming dalawa ni Miguel.

Hinila niya lang ako papasok dun sa magarang bahay. Hindi ko alam kung kanila ba ito o pinareserve niya lang.

"Ah, Miguel...kanino tong bahay?" tanong ko sa kanya. Nginitian niya lang ako bilang sagot niya. Abay loko to ah. Tsaka pwede ba wag ka nga ngumingiti jan. mas lalo akong naiinlove sayo e.

"Good morning sir. Nakahanda na po ang kwarto sa taas." Sabi nung tagapangalaga siguro ng bahay na ito.

"Ah, sige po salamat. Tara Bianca, akyat muna tayo dun para makapagpalit ka muna at makapagpahinga." Sabi niya sabay kuha ng isang kamay ko at hinatak paakyat sa taas.

Hindi ko maiwasan ang mamangha dahil kitang kita mula sa kwartong ito ang ganda ng dagat sa labas. Mahingin din. Ang sarap sa pakiramdam. Lumabas ako sa may balkonahe at doon naupo at patuloy na nilalasap ang sarap ng hangin. Pwede bang dito nalang ako magstay bago man lang ako mamatay? Ngayon ko lang naeexperience ang ganitong pakiramdam e.

Nagulat ako kasi biglang may tumabi sakin. At nakasuot siya ng puting vneck na mapapansin mong bumabakat ang katawan niya at ang HOT NIYA PO TIGNAN. naka board shorts din siya para siguro handa magswimming? haha. Nginitian niya ako. hindi ko alam pero parang ang sarap sa pakiramdam pag nakikita ko siyang nakangiti...parang... gumagaan yung bigat na nararamdaman ko.

I'll never forget you [On the shelf]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon