Miguel's POV
Aamin na ba ako sa kanya? Hindi ko kasi alam kung itutuloy ko pa ang pag amin sa kanya dahil kakakilala lang namin tapos baka mabigla siya tapos bigla nalang niya akong layuan. Ayoko nang lumayo siya sakin, tingin ko kasi hindi ko kaya e. hindi ko na kayang mawala pa siya sakin. Aaminin ko na ba? O itatago ko nalang talaga tong nararamdaman ko para sa kanya? Pero paano kung pareho lang naman pala kami ng nararamdaman para sa isa't isa tapos masayang lang yun dahil hindi ko sinubukan? Lintek naman! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip dito e. hay Bianca, ano bang ginawa mo sakin para mabaliw ako sayo ng ganito? Iba ka talaga sa mga babaeng nakilala ko. hindi ka pangkaraniwan dahil iba yung kaligayahang naidudulot mo sakin kahit sa saglit na panahon palang kita nakilala. Siguro ikaw yung soulmate ko? ang bading ko naman pakinggan dahil naniniwala ako sa soulmate.
Sabi kasi...bago daw tayo mabuhay dito sa mundong ibabaw, nung nasa langit pa tayo may inilaan na para sa atin. Yun ang taong dapat mahanap mo sa mundong to para maging kumpleto ka. Bago maubos ang kandila na nagsisimbolo ng oras ninyo, kailangan mahanap niyo ang isa't isa para hindi mawala ang isa sa inyo. Pag nawala kasi ang taong yun, hindi na ganun kasaya ang mararamdaman mo kahit na magmahal ka pa ng ibang tao kasi hindi naman yun ang soulmate mo na nakalaan para sayo. Ang gay ko bang pakinggan sa kinwento ko? bading na kung bading pero may kanya kanya tayong pinaniniwalaan at isa ito sa mga pinapaniwalaan ko.
Alam kong masyado pang maaga para sabihin ko na siya nga ang soulmate ko o kaya ang taong nakatakda para sakin pero iba kasi ata talaga ang epekto ng pagibig e. parang nakatali kayo sa isa't isa at kahit anong mangyari, babalik at babalik padin kayo sa isa't isa. Siguro kaya din mahiwaga ang love kasi kahit malayo kayo sa isa't isa, gagawa at gagawa ito ng paraan para magkatagpo kayo sa tamang lugar, sa tamang pagkakataon.
Bahala na nga si batman kung ano ang mangyayari kapag sinabi ko na kay Bianca kung bakit ayaw ko siyang lumayo sakin. Bahala na talaga, eto na itetext ko siya.
To: Bianca my love
.......
Sent 12:01 AM, May 1
Bianca's POV
May 1, XXXX | 8:25 ng umaga
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaisip kung ano ba ang magiging decision ko tungkol sa pangyayari samin ni Miguel. Bigla kong naalala na hindi ko pala nireplyan si Miguel kagabi bago ako makatulog. Dali dali kong hinanap ang cellphone ko para tignan kung may kadugtong pa ba yung text niya sakin. Hanap ako ng hanap ng cellphone ko hanggang sa nakita ko ito sa ilalim ng kama, nahulog siguro kagabi. Ano ba naman yan, mamaya nagloko pa to, paano ko nalang makakausap si Miguel? Pagtingin ko ng cellphone ko, may isang text. Siya kaya to? Binuksan ko yung message... si Miguel...nagtext siya ulit...kinakabahan ako kung ano yung sasabihin niya sakin. Huminga ako ng malamim bago ko basahin ang text message niya sakin...
From: Miguel ko
->kasi...Bianca ganto kasi yun e. wag mo sana ako layuan kasi nga...
Ayoko mawalan ng isang kaibigan na tulad mo. Iba ka kasi sa mga nakilala ko at.... mahalaga ka para sakin.
: 12:01 AM, May 1
There is goes! It hit me big time! Yung pinakamasakit na salitang maririnig mo sa taong mahal mo. Hay, kaibigan lang pala talaga ang tingin niya sakin. Ano pa nga ba ang ieexpect ko di ba? Pero bakit kasi niya yun ginawa sakin e? ngayon tuloy ako mas naguguluhan. Ano yun ginamit lang niya ako? natripan lang ganun? Ang sama naman pala kung ganun. Tsaka paano na nga lang kung maging kami? Paano ko sasabihin sa kanya na may taning ang buhay ko? na bilang nalang ang mga araw ko dito sa mundo? Makakaya niya kaya? Makakaya ko bang lumisan habang siya nagluluksa? Siguro tadhana na ang gumagawa ng paraan para hindi kami masaktan. Kaya bakit ko pa ipipilit ang hindi dapat? Pareho lang kaming masasaktan at mas masasaktan siya ng husto kasi hindi naman ganun kadali ang mamatayan ng mahal sa buhay. Natatakot ako na baka pag napalapit pa siya sakin, tuluyan na akong mahirapan at mas masaktan kapag umalis na ako sa mundong ito. Natatakot ako para sa kanya, baka masira ko ang buhay niya dahil lang sa akin. Hindi ko kayang makita siyang mahirapan. Kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. Kailangan kong pigilan na mahulog nang tuluyan sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'll never forget you [On the shelf]
Short StoryHave you fallen in love and separated ways? have you experience the happiness and pain at the same time? Have you ever felt so alive yet in the end feels like dying every single day? Can you forget the one that you loved the most? I'll never forget...