when you lose someone

388 16 7
                                    

April 24, XXXX | 5:15 ng hapon

                3 days nadin ang nakalipas ng nakalabas na ako ng hospital. Napagalaman ko din na 1 week pala akong walang malay dahil sa pagkakatama ng ulo ko sa sahig nung araw na nakakita ako ng liwanag. Minor bali nalang ng buto ang meron ako. Ilang araw lang pwede na ulit tanggalin tong benda ko sab inti at braso. Nakwento din sakin na nabunggo pala ako ng humaharurot na sasakyan nung gabing nilayasan ko si dad sa restaurant. Speaking of… ilang araw ko nadin hindi nakikita si Dad. San naman kaya yun? Ahhh… baka busy nanaman sa business niya at nasa business trip siguro abroad. Pumunta ako sa room ni mommy para tanungin kung nasan at kailan siya babalik.

“Mom, ahm… asan po si Dad? Kailan po siya babalik? Gusto ko po kasi magsorry sa kanya e. nagkatampuhan po kasi kami bago ako maaksidente.” I asked her.

“Bianca, your Dad is not coming back.” Sabi niya sakin ng medyo naluluha.

“WHAT?! WHY?! Hiniwalayan ba kayo ni Daddy dahil sakin? Dahil ba sa nasabi at ginawa ko sa kanya? Mom! Tell me! Is that it?!?!” galit at nalilito kong tanong kay mommy.

“Hindi niya ako hiniwalayan sweetie. Iniwan niya lang ako, Tayo.” Sabi niya sakin.

“What are you trying to say?! I don’t understand a thing! Will you please explain to me everything?!” sabi ko ng may halong inis.

“Come on sweetie, we’ll go somewhere. I think this is the time.” Sabi niya at naglakad papunta sa walk in closet nila ni dad to change her clothes.

Pagtapos naming magpalit ng damit pang alis, hinatid kami ng driver sa isang lugar na hindi ko mawari kung bakit ba kami nandito.

“Mom, anong ginagawa natin dito?” I asked her but she didn’t say a word. She just continued to walk until she stopped. And she just staring at it and started to cry. And I got confused what is she looking at and then I looked at it and shocked of what I saw.

In Memory of

Ricardo Aquino

~June 21, XXXX - April 11, XXXX~

Loving father, husband, son, brother and a friend.

 

Nung nabasa ko ang pangalan, hindi ko na napigilan ang pagtakip sa bibig ko at napaiyak. Hindi ko akalain na mangyayari to sa kanya. Hindi ko man lang nasabi sa kanya kung gaano ako ka-sorry sa mga sinabi ko na pagsuway sa kanya nung gabing iyon. Hindi ko nasabi sa kanya ang salitang salamat dahil sa pagpapalaki nila sakin ng matino at pagaalaga kahit na magkasakit pa ako. Hindi ko man lang nasabi sa kanya na mahal na mahal ko siya. Hindi ko man lang siya nayakap sa huling pagkakataon. Hindi ko nasabi sa kanya na masaya ako kahit na may sakit ako dahil andyan sila ni mommy para sakin. Hindi ko na masasabi ang lahat ng yon dahil wala na si Daddy. Nahuli ako ng pag gising. Hindi ko man lang siya nakitang ilibing. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya sa huling pagkakataon. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na alam, sobrang sakit. Para akong mamatay na. hindi ko na namalayan ang nangyari at bigla na lamang nagdilim ang paningin ko at wala na akong naalala pa.

April 25, XXXX | 4:56 ng madaling araw

 I woke up and again, all I can see is white walls, white ceiling, white bed sheet and I am also wearing white clothes. Where am I? Am I in heaven already? Because if I am, I would be happy for I know that I can finally be with daddy and say to him all the things I wanted him to know.  Pero napansin ko na meron akong katabi sa kaliwa ko na hawak-hawak ang kamay ko. Tinignan ko at pinatong ko ang kamay ko sa ulo niya. And I just woke her up, I think?

“Mmmm. Sweetie, are you feeling okay? You made me worried about you again.” Mom said to me.

“Sorry mom, what happened po ba? Ang naalala ko lang pumunta tayo sa cemetery and I saw…” napatigil ako nung maalala ko kung ano yung nakita ko, I just started to cry. Bigla naman akong niyakap ni mommy para patahanin but I just kept on crying.

“Tahan na anak. Wag ka ng umiyak, makakasama yan sayo eh. Please… I don’t want to lose you too. Please stop crying na.” mom said while trying to calm me down.

Hindi ko alam pero parang sobrang sakit kasi talaga. Iyak ako ng iyak hanggang sa sumisikip na ang dibdib ko at nahihirapan na akong huminga.

“Sweetie are you okay?!?!,” natatarantang tanong ni mom then she ran to the door and I heard her say this:  “Nurse! Nurse! Yung anak ko! Doc! Help us! Please!!!” pero tuloy-tuloy padin ako sa pag-iyak kahit na hirap na hirap na ako makahinga. Agad naman dumating yung mga nurse at doctor na sinusubukan akong pakalmahin hanggang sa may itinurok sila saking pampakalmang gamot.

I'll never forget you [On the shelf]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon