Chapter 12

2.5K 70 9
                                    

ZANE POV

Nasa mall ako and I get bored so I decided to go on Bookstore, para libangin ang sarili ko.

"babe lets buy this book oh!" sabi ng babae sa likod ko na nag hahanap din ng libro kasama ang boyfriend nya. 

"ok babe" sagot naman nung lalakeng kasama nya. sa isip isip ko, edi kayo na ang babe! Mga hampas hangin na hindi manlang mag bigay galang sa mga single na kagaya ko! Babe, babe pang nalalaman! 

"mag brebreak din kayo" pabulong na sabi ko at saka lumipat ng ibang bookshelf, and this time totoong nag hahanap na ako ng libro at binabasa ko na yung nasa likod nila.

Hanap . . . Basa . . . Hanap . . . Abot ng libro

("plook!" insert sound fx here) 

Nakakainis namang libro to! Libro nalang pa hard to get pa! Iritable akong yumuko at pupulutin na sana ang libro pero may nauna sa akin

"ito oh!" sabay abot sa akin ng mala John Lloyd na kumuha ng libro, humarap sya sa akin at napakurap ako ng tatlong beses! Ilang taon nga ako ulit nag pakatanga kay Ziggy? At ilang taon. buwan, linggo, araw, oras, minuto at segundo akong hindi naka move on sakanya at parang ngayon ko lang na realized na hindi lang si Ziggy ang lalake sa mundo? O.A na ba? Pero karapat dapat naman talagang maging OA sa ganitong kahampas lupang gwapong lalake na kaharap ko ngayon! 

"salamat" sagot ko at saka nag smile sakanya, pero hindi natinag ang blankong expression ng muka nya. Walang Hi, Hello o kahit Walang Anuman na sagot mula sakanya basta nalang sya umalis!

Pamilyar ba ang eksenang ito sa inyo? Yes? Dahil nangyari na to  five years ago.

Retrograde amnesia is a form of amnesia resulting from brain injury in which the individual loses memories for the time period just prior to the injury. This time period may stretch from a few minutes to several years, and typically it is worst for event which occurred just before the injury. Yan ang definition ng sakit ko . . . Kunwari

Parang time machine lang, bumalik ako sa nakaraan. 

Mga memoryang nawala sa kasalukuyan, at ala-alang galing sa nakaraan. Sabi ni Cyrus ito daw ang sasabihin namin na sakit ko. Ibig sabihin, ano mang nangyari beyond sa panahon na yun ay kunwari nakalimutan ko.

Hindi nangyari ang pag kikita namin ni Thomas sa Violet Cafe. hindi ko kilala si Kristina, hindi ako aware na okay na kami ni Sarah, hindi nangyari ang Maldives, hindi naging kami ni Thomas at hindi ako nasasaktan sa kasalukuyan. Mag papanggap ako na nabubuhay parin ako sa ala-ala five years ago.  Ibig sabihin, I stopped loving the same person I promised I'd love forever . . . "kunwari"

Nakaalis na ang mga magulang ko papuntang Korea at kararating naman namin ni Cyrus sa bahay. Dito muna mag sstay si Cyrus habang wala pa ang mga magulang ko, habang inaalagaan nya ako. Hindi parin ako ganun maka galaw dahil sa mga fractures na natamo ko dahil medyo makirot parin.

"Zane okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Cyrus sa akin, Nandito kami sa Living Room at tinititigan ko lang sya habang inaayos ang ilan sa mga gamit na dala namin. 

"Iniisip ko lang kung tama ba yung gagawin natin" mahinang sagot ko, pakiramdam ko kasi unfair para sa ibang tao yung gagawin namin, imbis na si Thomas lang ang dapat sakop ng ideya na to pati tuloy sila Kristina, Ziggy at Sarah.

"Prinoprotektahan lang kita" sagot ni Cyrus sa akin

"Bakit? Bakit masyado kang concern sa akin?" seryosong tanong ko sakanya

That Crazy Ex Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon