Chapter 17

2.6K 77 24
                                    

ZANE POV 

Papunta kami sa party na inorganize ng A Network para sa bagong tagumpay ng isa nanamang episode ng The Talented Elites, sinundo ako ni Skye at Sean at sakanila na ako sumabay papunta sa event dahil may meeting pa si Cyrus. Pinayagan din kaming mag invite ng mga kaibigan kaya pupunta din si Rara at Kristina, hindi naman makakarating si Max dahil babantayan daw nya si Reatha, hindi ko naman ininvte si Reaker dahil sa ala-ala ko kunwari hindi ko pa sya kilala, hindi na din naman sya nagawang ipakilala kunwari ni Max sa akin dahil nag hiwalay na sila. Hindi din makakasama si ZIggy at Sarah dahil may out of town sila nila Zion. Sigurado naman ako na iinvite ni Thomas si Quinn, kahit na alam ko na ang totoong namamagitan sa dalawa hindi parin maalis sa akin na hindi maingit sa kanila.

Pag kadating namin sa isang bar and grill kung saan gaganapin ang party kinawayan agad kami ni Kristina na nakaupo sa bandang harap kasama si Rara. Agad naman namin silang nilapitan ni Skye dahil nag paalam si Sean na pupunta at kakausapin muna yung ilan sa mga staffs.

"Ang tagal nyo naman, nag order na kami" sabi ni Kristina pag kaupong pag kaupo palang namin. Nitong mga nakaraang araw madalas kong nakakasama si Rara at Kristina dahil madalas silang bumisita sa bahay. Kwinekwento sakin ni Kristina na dati babaeng brand new ang tawag ko sakanya tapos sila Thomas naman daw ngangabu ang tawag sakanya. Pilit lang nyang pinapaalala yung mga ala-ala sa nakaraan na akala nya nakalimutan ko na. 

"Medyo traffic kasi" tanging sagot ni Skye

Tinawag naman ni Rara yung waiter para maka order na din kami ni Skye. Matapos maka order ay agad naman dumating ang tonic na order ko at martini naman kay Skye

"Tingin nyo dadating pa si Thomas?" tanong ni Kristina samin

"Bakit naman hindi?" tanong ni Skye 

"Edi kung dadating sya, kasama nya nun si Quinn?" balik na tanong ni Kristina. Hindi alam ni Kristina na wala talagang relasyon si Quinn at Thomas, maski kila Skye at Max ay hindi ko pa din nababangit ang naging usapan namin ni Quinn.

"Siguro, kasi diba couple sila? Saka wala naman ibang iinvite si Thomas si Quinn lang naman" sagot naman ni Skye

"E bakit kasama pa yun" bugnot na sagot naman ni Kristina

"Bakit? Insecure ka?" nang aasar na tanong ni Skye, tinaasan naman sya ng kilay ni Kristina

"Bakit naman ako ma iinsecure dun?" depensang sagot ni Kristina saka naman sya kumawit sa braso ni rara, habang si rara nakikinig lang habang umiinom ng beer nya

"Eh kasi friend affected ka masyado kung dadating sya, porket ba ex sya ni Rara? Girl! Ikaw na ang latest wag kana ma insecure dyan" sabi naman ni Skye

"Bhie affected ka pa ba? Limang taon na nakakaraan" singit na sagot naman ni Rara

"If i know nag seselos pa yan!" gatong pa ni SKye

"Bakit naman sya mag seselos?" takang tanong ni Rara

"Nature na ng babae yan! Kahit tapos na at wala ng ugnayan yun mag ex, nag seselos parin!" sagot naman ni Skye, nakikinig lang ako sakanila habang iniinom ang tonic ko

"Hindi naman ako nag seselos, irita lang ng very very light!" sagot naman ni Kristina

"Omg! so totoo nga? affected ka parin sa past relationship ni Rara?" tanong ni Skye, at nanlaki ang mga mata nya at tumingin sakin "So, pati kay Zane affected ka?" 

"H-hindi ah" agad na sagot ni Kristina

"Nauutal ka friend!" sabay turo ni Skye kay Kristina na may halong pang aakusa.

That Crazy Ex Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon