Chapter 1

94 1 0
                                    

♪♪ Baby, in a heart beat
I'll take you with me
I just wanna get to know you
You're throwing me off beat
So I can't breathe,
I just wanna get to show you♪♪

Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng bar habang kumakanta ako tsaka si Boks.

Hindi pangkaraniwang bar itong pinagtatrabahuhan ko. Kung ang bar na alam nyo ay puro SPG ang laman, itong bar na ito, hindi. Kasi pang bagets. Isipin mo ha... Kung hindi pang bagets ito, bakit kulay pink at skyblue ang wallpapers -_- oh diba!

♪♪ If we're falling apart
I will fight for your heart
I can be your shield
I'll fight on the field
Baby, when life gets colder
I'll be your soldie---♪♪

Ay putang*na tong si Boks! Patapos na tsaka pa pumiyok! Walang hiya talaga! Tawanan tuloy yung mga teenagers na nanonood samin!

"Putang*na Boks! Panira ka! Masisira ang pangalan banda natin! Gagu ka talaga kahit kailan" bulong ko kay Boks habang sya... Guess what! Kinakawayan ang grupo ng fans nya na sumisigaw ng ganito

"Miellie, Miellie! Pogi ka parin! Miellie, Miellie! Pogi ka parin!"

Aba, matinde din itong isang to! Habang busy pa syang kumakaway, hinila ko na sya papunta sa backstage at sumunod naman ang bandmates namin.

So bago pa kayo maguluhan dear readers, magpapakilala muna ako.

Ako si Maria Cosmetics. Joke lang! ^_^ Yzza Chanelle Reyes. Buti pa yung pangalan ko, pang mayaman. Pangalan lang -_- sinadya yan ng parents ko para kahit sa pangalan lang, magmukha naman akong mayaman kahit papaano. Hindi naman kami mahirap. Saktong nakakariwasa lang.

Member ako ng bandang Fly for Tomorrow. Kilala bilang FFT. Nagpeperform kami dito sa bar tuwing friday at saturday nights.

"Aray naman Boks! Hindi naman nabawasan yung fans natin eh!"

Yan si Boks, si Miel Mendoza. Bestfriend ko yung kumag na yan! Madaming fans kasi cute sya -_- Kaming dalawa yung vocalist ng FFT.

"Kahit na gagu ka! Pinahiya mo kami don!" Sabi ko sa kanya habang hinihila yung buhok nya

"Tumigil na nga kayong dalawa!" Awat sa amin ni Gil. Manager ng banda namin.

"Ate Gil, guys! Gotta go! Lalabas pa kami ni Mel." Sabi ni Aaron sabay akbay dun kay Mel at lumabas na.

Si Aaron yung guitarist namin. Kung hindi nyo naitatanong... Well itanong nyo narin para hindi ako mapahiya dito... Babaero yan. Every week, iba ibang babae ang kasama.

Si Randell James naman, yung pianist namin, nayuko nanaman dun sa table. Wag na kayong magtaka, tulog yan lagi -_- At si Jester naman, yung drummer namin, as usual, binubulabog ang natutulog na si Randel.

Binitawan ko na si Boks at kinuha ang backpack ko. Pumunta ako ng cr para mag ayos.

Tinanggal ko ang contact lens ko at sinuot yung salamin ko. Well, ganito ako palagi pag may gig kami. Ibang iba sa itsura ko kapag nasa school. Nagsuot ako ng jacket at bumalik sa backstage para magpaalam kay Ate Gil at kina Boks.

"Ate Gil! Uy Jester, Boks! Mauna nako. Late nadin eh. Baka wala akong masakyan pauwi"

"Osige mag ingat ka ha!" Sabi sakin ni ate Gil

"Teka Boks! Sabay na tayo!" Sabi ni Miel sakin. Hindi ko na sya sinagot at tuloy tuloy akong lumabas ng bar.

"Uy boks! Ang sungit mo? Ano ba ngayon? Hmmm" sabi nito at tumingin sa cellphone nya

"18 pa lang naman ah. Sa pagkakaalam ko sa 24 ka pa magkakareg-- aray ko! Bitaw ngaaaa!" Sinabunutan ko kasi sya. Pinalo palo naman nya yung kamay ko para mabitawan ko na sya. Gag*ng to -_- daming alam!

Love Like WoeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon