EPISODE THREE - THE ACCUSED

2 3 0
                                    

EPISODE THREE - THE ACCUSED

     "So ganun pala ang nangyari?" tanong ng pulis sa kaniya. "Yes, ganun nga ang nangyari. But it doesn't mean I did that shit," depensa niya sa mga paratang sa kaniya. "Why not ask Yui Jean? She did something bad with Nadine."

     Agad namang dumating sina Yui Jean at Akari nang marinig niya iyon. "Anong ako?!" sigaw ni Yui Jean. "Well, here come's the bitch." Agad siyang ngumiti. "Anong nginingiti-ngiti mo d'yan, Archer?" naiiritang tanong ni Yui Jean. "Stop talking nonsense, liar."

     "Wag mo ibalik ang tanong, Archer. I said, why me? I didn't do something bad with Nadine!"

     Napabuntong-hininga na lamang ang mga pulis. "Iho,  iha, 'wag kayo dito mag-away," sambit ng General ng Police Station. "Bruh, natural lang na mag-away kami dito. Dinala niyo si Archer dito, hindi ba? Tsaka I asked him, hindi naman normal ang sagot. Wag ako, Chief."

     Ilang saglit pa ay may dumating na Investigator para tanungin si Yui Jean. "Hey, hey. Why me? Bakit hindi si Archer?" tanong ni Yui Jean. Hindi maipinta ang mmukha ni Yui Jean dahil sa inis. Bakit nga ba kasi nadamay siya kahit wala naman siya sa crime scene?

     "Iha, alam naman natin na kabilang ka sa mga kaibigan ni Nadine," sambit ng imbestigador. "Correction, hindi kami friends ni Nadine. She's a bitch, indeed." Napakamot na lamang sa ulo ang imbestigador nang marinig niya iyon. "Okay, let's just say friends kami ng bitchesang 'yon," dagdag nito. Natawa ng mahina si Archer dahil sa narinig niya. Marahil napahiya ang kanyang kaibigan.

     Huminga muna ng malalim si Yui Jean kasi hindi niya alam paano sisimulan kahit wala naman siyang alam. Bigla nalang na sumagi sa kanyang isipan ang nangyari sa kanya 10 years ago. May nangyari sa kanilang mag-ina.

FLASHBACK.

     Ulila na sa kaniyang ama si Yui Jean. Tanging ina na lamang niya ang natitira sa kanya. Pero parang iba ang pagtrato sa kanya ng kanyang ina. She's being accused by her mother that she did something. To make it shorter,  pinapalabas ng kaniyang ina na para bang may ginawa siyang mali.

     "Ma, gusto ko sa paglaki ko, gusto ko maging pulis," sabi ng walang kamuwang-muwang na Yui Jean. "That's impossible, Yui Jean. Hindi mo kaya yan," sambit ng uncle ni Yui Jean. "Bakit po uncle? Mamamatay po ba ako ng maaga pag nag-pulis po ako?" Tumawa naman sila at i Yui Jean naman ay walang kamuwang-muwang na sumali sa pagtawa.

     "Anak, hindi ka mamamatay ng maaga pag nag-pulis ka," sambit ng Mama ni Yui Jean. "Madedestino ka naman sa opisina pag nagpulis ka," dagdag nito. Tuwang-tuwa si Yui Jean nang marinig niya iyon. Para siyang isang batang tuwang-tuwa sa kanyang nilalaro. Kahit na 7 taong gulang pa si Yui Jean, tinuturuan naman ng kaniyang ina kahit papaano ng paggalang.

     Isang araw, narinig ni Yui Jean na nagtatalo ang kaniyang ina at ang kaniyang uncle. Parang pinagtatalunan nila si  Yui Jean kung ano ang kukunin niyang propesyon sa paglaki niya. "Ayokong mag-pulis  ang anak natin!" sigaw ng kanyang uncle. "At bakit naman, aber? Yan ang gusto ng anak natin! Bakit ayaw mong maging pulis anak natin?" sigaw naman ng kaniyang ina. "Tanga! Pulis? Babae? Mag-isip ka naman!"

      Sinampal ng ina ni Yui Jean ang kaniyang tiyuhin. Marahil ayaw na ayaw ng ina niya na maalala ulit niya ang lahat-lahat ng ginawa sa kanya ng kapatid ng asawa niya. "Tangina mo naman, kababaeng tao, kukuning propesyon, Pulis? Mag-isip ka nga!" Sinampal ulit ng ina niya ang tiyuhin niya. Nang di siya makapagpigil ay sinuntok na niya ang tiyan ng kaawa-awa niyang ina. Nagulat na lamang sila nang may lumabas na dugo sa pagitan ng dalawang hita. Nakunan na pala ang ina ni Yui Jean. "Tignan mo, may dinadala ka na namang bata! Dagdag gastusin na naman yan!"

     Napabuntong-hininga na lamang ang kaniyang ina nang marinig niya iyon. Nagulat na naman sila nang biglang nagpakita si Yui Jean na may hawak-hawak na baril at nakatutok iyon sa tiyuhin niya. "Wag mong awayin si Mama! Kung hindi gagamitin ko ito!" sigaw ni Yui Jean. "A-anak, s-s-saan mo n-nat-t-tutunan y-yan?" gulat na bulalas ng kaniyang ina. Her uncle could not even speak when Yui Jean shot him.

     Gulat na gulat ang kaniyang ina nang magawa niya iyon. "Saan mo natutunan iyan?" tanong ng kanyang ina. "Hindi mo na kailangan yun malaman, ma. Basta ang importante, hindi ka na niya sasaktan kasi wala na po siya."

     Napangiti na lamang si Yui Jean marahil na wala na ang tiyuhin niya. Lingid sa kaalaman ni Yui Jean ay may sakit pala ang kanyang ina. Hindi niya alam na nagkaka-dementia o Alzheimer's Disease ang kanyang ina marahil bata pa ito at walang alam.

     "Anak, anong nangyari sa uncle mo?" biglaang tanong ng ina ni Yui Jean. Biglang umiyak ito nang makita niya ang duguang katawan ng kanyang bayaw. "Ronaldo! Bakit?! Anong nangyari sayo?"

     Nakatitig lang si Yui sa bangkay. Akala n'ya ay sisigawan s'ya ng kan'yang ina, ngunit niyakap lang nito ang malamig na katawan at humagulhol. "Masamang tao si tiyo kaya't kailangan na n'yang mamatay," bulong n'ya sa kan'yang sarili habang nakatitig sa litrato ng ama n'ya.

END OF FLASHBACK.

     "Ano na? Isisiwalat mo na ba kung kaano-ano mo ang biktima?" pagpupumilit ng pulis sa kaniya. "Can you just wait? I just remembered something," bulalas ni Yui Jean. Napakamot na lang sa ulo ang pulis nang sinabi ni Yui Jean iyon. "Nadine is my 'so called friend'. She's a poorita na wala namang kaalam-alam sa mundo ng mayayaman," panimula nito. "But  since she's dead, I think I have the opportunity to say this to her," dagdag ni Yui Jean. "Ano 'yon, iha?"

     "Eew, don't call me like that. Iha? Ano ako, inihaw?"

     Napabuntong hininga si Jean. "So as what I've said,  I have this opportunity to say this to her. Nadine, if you're here, ang sad naman ng life mo. Buti nga sayo nagkaganyan ka. Well anyways, how dare you napunta ako sa ganitong part ng life ko? You're such an eew. Simula nung nireveal mo yung secret ni Felix sa girlfriend niya, I hated you that much. You've hurt his feelings. Ay wait, mali. Wrong grammar. Basta! Sinaktan mo bestfriends ko!"

     Natawa nang bahagya si Archer nang magsabi si Yui Jean ng hinanakit niya. Wrong grammar nga daw kasi, ika nga ni Archer. Aside from that, dumating ang isang officer na may dala-dalang gamit. Nagulat ang dalawa nang nakita nila ang mga bagay na matagal nang nawala sa kanila.

     "Oh my gosh! how did you get my purse?!" tanong ni Ash. "Geez, how did you all find my Rolex watch? Did you just snatch it?" bulalas naman ni Archer. "Nakuha ito sa crime scene. It is confirmed na both of you are the primary and secondary suspect dahil kumpirmado na sa inyo itong gamit na ito."

     Napabuntong hininga na lamang ang dalawa dahil sa narinig nila. "Gosh! It's impossible that I'm the suspect. Sa ganda kong 'to, suspect? You all accused me!" Natawa si Archer sa narinig niya galing kay Yui Jean.  "Ikaw? Maganda? Dream on." Nanggagalaiti ang mukha ni Yui Jean nang marinig niya iyon kay Archer.


>-------------------------------------------------<

The Murder Incident in Class 4-BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon