EPISODE FIVE: THE SASSY AMBASSADOR
Naiwan sina Edmund at Akari sa apartment ni Archer marahil ang kupad nilang kumilos at halos napag-iwanan na sila papuntang police station kasama nina Archer, Felix, Yui Jean at Vernon. "Akari, bakit nga ba ang likot mong matulog kagabi? Nagreklamo si Yui Jean kanina sakin. Ano ba talaga kinain mo?"
"Shut up, Edmund. Hindi ako yung malikot, si Yui 'yon. Tsaka, I didn't eat something bad kagabi, 'no!"
Napataas naman ng kaliwang kilay si Edmund dahil alam na alam niyang nag-midnight snack si Akari. "Ang takaw, nagsisinungaling ka. Akala mo hindi ko malalaman? Nagmi-midnight snack ka gabi-gabi. Dahil may insomnia ako kagabi, napansin kitang naglalakad papuntang kusina." Nanliit ang mata ni Akari dahil sa inis. Pakialamero, ika nga nito. "So what?"
"You ate Archer's food, right? In that case, inubos mo lahat ng pagkain ni Archer sa refrigerator niya," sambit nito. Naiinis parin si Akari sa kaniya nang mapalitan yun ng ngiti nung sinabihan siya ni Edmund ng, "Ang ganda mo kung palagi kang ganyan."
Napangiwi si Edmund kay Akari na ngumingiti na para bang abot-langit ang kaniyang ngiti. Maganda naman kasi talaga si Akari para kay Edmund dahil nga sa kambal, may natagumpayan siyang isang achievement sa buhay niya. At ang achievement na iyon ay ang pagiging isang tanyag na SASSY AMBASSADOR OF LEDFORD HIGH.
FLASHBACK.
Every year, ginaganap ang THE NEXT LEDFORD HIGH SASSY AMBASSADOR. Hinahanap kasi nila ang pinakamataray na student sa buong Class 4. Nagaganap ito sa kasagsagan ng School Intramurals every July. Para na ngang hindi na importante ang Nutrition Month sa kanila kasi for the whole month nagaganap ang School Intramurals.
Pinapapili sila ng dalawang representative every class nang sa ganon pagpipilian sila ng Dean. "Who will be your representative, Mr. Leandro Alcaraz?" sabi ng Assistant Dean ng Ledford High. Dapat kasi gawain ito ng Dean pero wala ang Dean sa school. Umatend kasi ito ng seminar sa buong rehiyon sa kanila.
"Well, I have two representatives na pagpipilian mo, Ms. Assistant Dean. Let me introduce them to you," sambit ni Mr. Leandro, adviser ng Class 4B. "Okay, I expect they're sassier than the previous Sassy Ambassador, Leandro. The two representatives, you know the drill." Umupo ang Assistant Dean kung saan umuupo si Mr. Leandro.
Tumayo si Nadine at pumunta sa harapan. "Tabi ka nga," pag-aarteng sabi ni Nadine. "You guys know me. Right? Okay bye." sambit nito. "What kind of Aspiring Sassy Ambassador is that?" nagtatakang tanong ng Assistant Dean. "You some kind of bitch, hindi na ba sapat ang pagiging sassy ko?" tanong ni Nadine na para bang nang-iinsulto. Napabuntong-hininga na lamang ang Assistant Dean at napatingin ito ng masama kay Mr. Leandro.
"Hindi ganyan ang hanap ko, Mr. Leandro. Ang hanap ko, mataray, sassy! Not that insulting bitch I see here in your room."
Napatango na lamang si Mr. Leandro na naghihiwatig na si Akari na ang susunod. "Pfft. Ayan kasi, umaarte. Hindi na niya alam, nang-i-insulto na pala." Napatawa si Akari ng bahagya at pumunta na siya sa harapan.
"Hello everyone. I guess everyone knows me." Ngumiti siya at muling nagsalita. "I'm Akari Fernandez, the prettiest, the sassiest, and the brainy student here in Class 4B. You have no right to teach me something because aside from being brainy, I know that I can handle you... and your dumbass mindset."
Nagpalakpakan naman ang lahat ng kaniyang mga kaklase pati na rin ang kanilang Assistant Dean. "Bravo! Magnifico! That's what I have been searching for! She's majestic as I expected! She's so sassy to the point that I want her to be the next Sassy Ambassador!"
Ngumiti si Akari na siya ang pinili ng Assistant Dean na maging representative ng Class 4B. Masaya silang lahat lalo na sina Archer, Yui Jean, Felix, Edmund at Vernon. Masaya sila para sa kaibigan nila.
Araw ng competition, sa kasamaang palad, hindi pinalad si Akari na manalo sa Q&A ng Sassy Ambassador. Nakasagot naman si Akari pero hindi parin siya ang napili. Nagulat si Akari at ang lahat ng contestants pati na rin ang host at ang judges nang may biglang nagplay na audio clip. Everything was rigged.
Pumunta si Vernon at Edmund sa stage para magsalita. "Narinig niyo naman ang narinig niyo, hindi ba?" sambit ni Edmund. "Everything was rigged, why won't you ask the mastermind of this rigged audition?" sabi ni Vernon. Natawa ang lahat ng judges at isa sa kanila ang biglang nagsalita. "So you mean binayaran kami ni Alyssa para manalo siya?"
Si Alyssa ay ang natatanging pinsan ni Nadine. Nabibilang si Alyssa sa middle ones pero mismong pinsan niya, nabibilang sa poor ones. Nagulat ulit sila nang nagplay ang video ng conversation ni Nadine at Alyssa. Sinabihan ni Nadine kay Alyssa na bayaran ang mga judges para mapatumba niya si Akari.
"See? Binayaran na nga niya kayo. Anong say n'yo?" Natawa si Edmund sa nangyayaring kahihiyan ginagawa ng mga judges. Nagbulung-bulungan ang mga audience ng auditiong nagaganap at may isang audience ang biglang sumigaw ng, "Deserve ni Akari ang manalo!"
Dahil sa nangyari, itinanghal si Akari Fernandez ng Class 4B ang Sassy Ambassador ng taong ito. At alam ng kambal na nagpapasalamat si Akari sa kanila kahit na minsan ay mataray ito sa kanila.
END OF FLASHBACK.
Napapangiti parin si Edmund nang maiisip niya iyon. Marahil ay may gusto ito kay Akari nang di nalalaman ni Akari dahil sa katarayan niya. "Maganda ako? I know right!" Natawa si Edmund nang marinig niya iyon galing kay Akari. "...at ang pangit mo nga pag nagpapa-cute ka o nagpapa-ganda!"
Sinapak ni Akari si Edmund at sabing, "Humanda ka! Walang hiya kang demonyito ka!" Kumaripas ng takbo si Edmund papunta sa kanila ni Archer. Walang kaalam-alam ang lahat nang may mangyayari sa kanilang masama. May malalaman ba silang sikreto?
>----------------------------------------------------------------------<
BINABASA MO ANG
The Murder Incident in Class 4-B
Misterio / SuspensoSix students involved in a murder incident in Ledford High. An incident caused by hatred, anger, jealousy and annoyance. What will happen to their future? How are they related to the victim? Who's the culprit among them? Let's find out.