EPISODE ONE - THE LIE DETECTOR

6 4 0
                                    

EPISODE ONE - THE LIE DETECTOR

Third Person's POV

     Masayang pumasok si Archer sa Ledford High dahil nga kabilang siya sa Top 6 Students ng Ledford High. Hindi lang naman grades ang gusto niyang makamit. Kundi ang mga privilege din na matatanggap nila. Para kay Archer, ang pagkamit ng pagiging isang top student sa isang tanyag na paaralan ay malaking bagay na maprotektahan ang kaniyang reputasyon.

     Lingid sa kanyang kaalaman, may naganap na palang nakapagpabago sa lahat-lahat. Pati na rin sa reputasyon niya. Nakita ng binata ang isang katawan na duguan sa isang bakanteng lote malapit sa paaralang pinapasukan niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin nang makita niya ang duguang katawan ng babae. Sinubukan niya itong kunin at dalhin sa hospital nang nakita siya ng isang matandang babae na medyo may ka-edaran na. Kung tutuusin, mga nasa 50's na ang matanda.

     "A-anong gi-ginawa m-mo s-sa kanya?" sabi ng matandang babae kay Archer. "Siguro pinatay mo ang walang kamuwang-muwang na babaeng iyan, ano?" dagdag nito. Hindi makapagsalita si Archer dahil wala siyang maisabing dahilan sa kaniya. "Tulong!! Tulungan niyo ako!! May isang estudyanteng mamamatay tao dito!"

     Hindi malaman kung anong gagawin ni Archer nang bumalik sa kanyang alaala ang nangyari sa kaniya nakaraang taon ang nakallipas...

FLASHBACK...

     Pala-aral noon si Archer sa dati niyang paaralan. Wala siyang kaibigan kundi ang libro lang at notebooks niya. Nerdy, ika nga nila. Ayaw niyang makipagkaibigan kasi alam niya sa sarili niya na iiwanan lang siya ng mga kaibigang makakasalamuha niya. Mabuti na lang at may libro at notebooks siyang mapagsandalan, hindi pa siya iiwan.

     Ayaw na ayaw niya sa mga taong sinungaling. Lalo na kung kaibigan niya ang nagsisinungaling. Magaling siyang mangilatis ng tao. Pero mismong mga taong nakapalibot sa kaniya, alam niya na nagsisinungaling sila. 

     Isang araw, dumating ang taong pinakaayaw niya sa lahat. Ang kaniyang number one bully. Ang taong pinakaiinisan niya. Bayolente kasi siya kaya naiinis siya. "Uy hello sayo, Mr. Lie Detector. Kamusta kana?" sabi ni Andre. "Wag mo 'ko guluhin. Di kita ginugulo kaya umalis kana."

     "Aww, nakakatakot ka naman. Siguro magiging bayolente ka na rin kung malalaman mong papatayin ko ang pamilya mo." Ngumisi si Andre na ara bang may masamang binabalak sa kanya at sa Pamilya niya. "Sinungaling! Hindi mo kayang gawin yan kasi natatakot kang mapunta sa kulungan!" Nagulat si Andre sa nasabi ni Archer spagkat alam niya na natatakot si Andre na mapunta sa kulungan. "H-hindi t-totoo y-yan!" Napatawa nalang si Archer sa nasabi ng binatang takot na mapunta sa kulungan. "So totoo nga ang haka-haka ng mga kaibigan mo? Haha, nakakatawa ka naman. At the same time, nakakaawa."

     Lalakad na sana papalayo si Archer nang sinunggaban siya ng suntok ni Andre sa mukha. Malakas ang pagkakasuntok ni Andre sa mukha ni Archer dahilan na mapahawak ang binata sa pisngi niya. "Yan ang napapala ng mga pakialamero," sabi niya. "Hindi ako pakialamero. Ginagawa ko lang kung ano ang tama at hindi ang mali," matapang na sabi ni Archer. "Kasalanan ko ba na ang tanga mo?" dagdag pa n'ya.

     Sinuntok na naman ni Andre si Archer nang marinig niya ang sinabi ng binata. "Geez, ang duwag mo naman. Kalalake mong tao, takot ka sa presinto? Hanep. Iba ka talaga." nanggigil pa ng husto si Andre nang sinabi iyon ni Archer. "Huwag puro dada, lumaban ka naman!" sigaw ni Andre. 

     "Only a low class like you would return violence with violence."

     Napatigil naman at para bang naninigas ang katawan ni Andre nang marinig niya iyon. Agad na lumayo si Archer sa gulo para na din di na siya masaktan ulit ni Andre. Ayaw na ayaw niya ng gulo pero napasok siya sa gulo dahil lang kay Andre.

     Makalipas ang ilang araw, gustong maghiganti si Andre kay Archer dahil sa kahihiyang ginawa niya sa kaniya sa Cafeteria. Gagawa siya ng paraan para makapaghiganti siya kay Archer. Ang tanging magagawa niya lang ay ang PATAYIN SI ARCHER.

     Nasa school library si Archer ngayon, nag-aaral. As usual, dala na naman niya ang libro at notebooks niya. Nakita ni Andre ang binata kaya naman napag-isipan niyang dito nalang niya isasagawa ang mga plano niya.

     Saktong-sakto kasi na wala ang librarian kaya maayos na maisasagawa ang plano niya. Hindi alam ni Archer na nasa likod na pala niya si Andre na may hawak na kutsilyo at nakatutok pa ito sa leeg ni Archer. "You're done, Mr. Archer Delos Reyes. Kailangang mabura ka na sa mundong ito," sabi ni Andre. Napatawa na lamang ang binata nang marinig niya ang sinabi ni Andre. "So you think you can do it? Bruh, I'm done with your useless and not-so-scary death threats, Andre." Nagulat si Andre nang may binunot siyang baril sa kanyang bulsa. 

     "At akala mo rin mapapatay mo 'ko? Nagkakamali ka." Ngumisi ito at tinutok ang baril kay Andre. "Hindi ako natatakot! Patayin mo ako, if you dare." Ngumisi din si Andre nang sabihin niya iyon. Pero ang totoo, natatakot siya sa maaring mangyari sa kanya. "You're scared."

     "I'm not!"

     "Liar! Your eyes can't lie, Andre. You're lying. Any last words?"

     Napalunok naman si Andre dahil sa kaba. "Oo na! Gusto kitang patayin dahil gusto kita!  Ayokong mahulog ako sayo dahil naiinis at nag-iinit ulo ko pag nakikita kita!" Archer triggered the gun ng walang pag-aalinlangan. "Andre is a liar, indeed," sabi ni Archer sa kaniyang sarili. Ilang saglit pa'y natauhan siya at bigla nalang umalis sa lugar nila. To make it short, tumakas siya dahil sa takot na mapunta siya sa presinto.

END OF FLASHBACK.

     "Hindi ako mamamatay tao! Ang katunayan ay tutulungan ko siya mapunta sa hospital!" pagpupumilit na sabi ni Archer. Dahil sa takot ay bigla nalang itong kumaripas ng takbo.

     Hingal nang hingal ang binata dahil sa pagtakbo niya sa matandang babae at dun sa bangkay na duguan doon sa bakanteng lote.


>------------------------------<

The Murder Incident in Class 4-BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon