CHAPTER 41

14.8K 442 50
                                    

CHAPTER 41


"I DON'T KNOW, I can't even understand." Tugon ko habang kausap si Joanna sa cellphone.


Magka-video call kami gabi-gabi simula nang makalabas ako ng hospital dalawang buwan na ang nakakalipas.


Umuwi na sila kuya Cassius ng Pilipinas ngunit ako ay nanatili dito sa Japan.


Si Caspian naman ay hindi umuwi dahil parang may pinagtataguan sa Pilipinas, sa tuwing tatanungin ko naman siya ay wala siyang ibang sinasagot sa akin kung hindi kagaguhan.


"Of course you wouldn't, because you're not trying. I told you, you should consider consulting a Psychiatrist there. I can recommend you to Mrs. Cruz. Isa siya sa mga professor ko noon sa Italy at nagba-bakasyon ngayon dyan sa Japan." Aniya.


"Ayoko." Mabilis na tugon ko.


"Edi umuwi ka dito nang ako mismo ang tumingin sa'yo." Segunda niya.


"Hindi ko pa sure, pag-iisipan ko." Tugon ko, napatango-tango siya.


"Alam mo bang stressed na stressed na ako dito sa Pilipinas..." Pagrereklamo niya.


"Halata nga," sagot ko. Kitang-kita ko yung malaki at maitim na eye bags niya sa ilalim ng kanyang mata at sa boses pa lang niya ay halatang pagod na pagod.


"Ayan, anak pa ng tatlo." Pang-aasar ko.


"Gago, malay ko bang pagkabiyak ng tyan ko tatlo lumabas." Wika niya.


"So bakit ka nga nai-istress?" Pag-uusisa ko, sasagot pa lang sana siya nang biglang sumali sa video call namin si Andrea.


"Anong chismis?" Bungad niya.


"Gago, kukwento ko lang sa kanya yung tungkol kay Lucia." Sagot ni Joanna. Agad na nagbago yung ekspresyon ni Yang nang marinig ang sinabi ni Joanna.


"Hindi mo pa nga pala alam." Wika ni Yang.


"Alin? Nagkausap kami ni Ishay nung nakaraang linggo wala naman siyang nakukwento tungkol kay Lucia." Sambit ko.


Bahagyang tumahimik si Yang at hinintay na si Joanna ang magpaliwanag sa akin, "Pumunta si Ishay dito sa bahay nung nakaraang araw, umiiyak dahil may nangyari raw kay Lucia." Paliwanag ni Joanna.


Agad akong nabigla, "Anong nangyari?" Tanong ko.


"Hindi raw makatulog at laging binabangungot, kapag naman tinatanong nila Drishti at ng asawa niya lagi namang umiiyak at hindi umiimik." Dugtong niya.


"May nangyari raw ba? Baka naman may nangyari na hindi nila alam, ipatanong mo, kawawa naman yung bata." Suwestyon ko.


"Yon nga ang unang naisip nila Drishti, baka kako binu-bully ng mga kalaro niya o may nangyaring hindi maganda. Ang naiisip naman nila Nads, imposibleng ma-bully 'yon dahil hindi magpapa-bully 'yon." Paliwanag ni Yang.


"Natignan mo na ba, Jo?" Tanong ko.


"Oo, nakausap ko kahapon si Lucia. Talagang bumagsak yung pangangatawan nung bata, kung kayo lang ang makakakita ay talagang maaawa kayo." Tila talagang awang-awa na wika ni Joanna habang may sinusulat na kung ano.




Magsasalita pa sana ako nang biglang may kumatok sa pintuan ko, "Grace, there's a package for you." Rinig kong boses ni Caspian.




"Sige na, magpapahinga na rin ako dahil stressed na stressed ako sa inyong lahat." Paalam ni Joanna.




Nagpaalam lang ako saglit sa kanila pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto.




PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon