CHAPTER 2

24.1K 591 98
                                    

CHAPTER 2

"GAGO, seryoso. Si manang nga yung nakausap ko," Wika ko pagkalabas ko ng kusina ng apartment ni Andea. Nauna akong makarating at malapit na raw si Joanna. 

Dapat ay magkikita kaming lahat ngunit dahil may kanya-kanya silang schedule ngayong araw ay kaming tatlo lamang ang makakapunta. Si Drishti naman ay hindi maiwan ang dalawang anak niya dahil nag-out of town ang asawa niya dahil sa negosyo. 

"Buhay pa 'yon?" Tanong ni Andrea. Natawa ako at binato siya ng tuwalyang ginamit ko pamunas ng puwetan ng saingan kanina. 

Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Joanna habang may hawak na pagong sa kaliwang kamay at bag niya sa kanan. Otomatikong kumunot ang aking noo. 

"Tanginang 'to, tingin mo sa apartment ko, Manila Zoo?" Wika ni Andrea sa kanya. Inirapan lamang siya ni Joanna at dumiretso sa sofa. Inilapag niya si Monti sa center table at huminga ng malalim. 

"Penge ngang tubig, tanginang elevator na 'yan, display lang." Natawa ako sa sinabi niya. Naalala kong sira nga pala ang elevator at nasa fourteenth floor ang apartment ni Yang. 

Binigay ko ang hawak kong baso na may lamang orange juice sa kanya at kinuha lamesa si  Monti, may kabigatan rin 'yon kaya lalo akong natawa habang iniimagine pa lang mukha ni Joanna habang paakyat ng hagdan. 

"Ano, tara na. Ready na 'ko." Ani Yang. Sinamaan siya ng tingin ni Joanna. 

"Tangina mo, mamaya na. Pagpahingahin mo naman ako." Aniya. 

Sumentro sa akin ang paningin ni Joanna, "Alam mo kinakabahan ako kapag tahimik ka. Feeling ko kase may kademonyohan kang iniisip e." Wika niya. "Totoo 'yan." Segunda naman ni Yang. 

"Gago, masakit lang ulo ko." Wika ko. 

Tumawa ng sarkastiko si Joanna, "Gago ka rin, kahit mamamatay ka na maingay ka pa rin." Tugon niya. 

"Lagi kang may sagot." Umirap ako sa kanya. 

"Tara na, gusto ko nang magpa-ayos ng buhok." Wika ni Yang at pagkatapos ay sinukbit ang kanyang bag sa balikat niya. 

Umalis na kami sa Apartment ni Yang at habang nasa sasakyan ay nasa akin pa rin si Monti. 

"Ba't dala mo si Monti?" Tanong ko. Si Joanna ang Driver at katabi niya ako samantalang si Yang ay nasa likod namin. 

"Walang mag-aalalaga sa kanya sa bahay. Yung tatlo nakila Nana ta's si Ashtar nasa kampo." Tugon niya. 

Napansin kong busy sa pagtipa sa kanyang cellphone si Yang kaya naisipan kong tanungin. 

"Sino na naman 'yan, Yang?" Tanong ko. 

"May bago na namang kalandian 'tong gago na 'to oh." Wika ni Joanna habang nagmamaneho. 

Tumikhim si yang bago tinago ang cellphone niya sa kanyang bag, "Gago, kliyente ko 'yon." Palusot niya. 

"Gago, teacher ka. Pano ka magkaka-kliyente?" Tanong ko. 

"Uhm, a-ano, basta. Hindi ko nga kalandian 'yon." tugon niya. 

"Okay. Sabi mo e." sabay naming wika ni Joanna. Hindi namin siya pinipilit na magkwento dahil sa aming tatlo, si Yang ang pinaka indenial.

Hangga't hindi siya ang kusang magkukwento ay hindi kami nangungulit dahil kahit kaibigan namin siya ay alam namin ang ibig sabihin ng privacy. 

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa Merchels. Napag-planuhan namin na magpaka-relax dahil ikakasal si Karen next month. Ang akala nga namin ay sila na ni Lorenz ang magkakatuluyan ngunit hindi.

PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon