CHAPTER 4

24 11 0
                                    

NAKAKUNOT ang noo ko habang kino-compute ang isang example ni Sir sa lesson namin sa Pre-Calculus. May ganitong subject na kami noong Grade 11 pero wala akong matandaang may ganitong tinuro sa'min.

Gets ko naman na ito noong tinuro ni Sir pero dahil may Long Exam kami sa susunod na araw, kailangan ko ng simulang aralin ulit para hindi ko makalimutan. Mahirap na kung bumagsak ako dahil nakasalalay ang scholarship ko.

Kaya nga dahil may dalawang oras oras pa bago ang susunod na klase namin ay tumambay nalang kami dito sa gagamitin naming room mamaya para magreview. May mga kasama kami dito na may kanya-kanya din namang mundo. May kagaya naming nagre-review, nakikipag-kwentuhan, gumagamit ng cellphone at natutulog.

"Pa'no na nga ba ulit ito?" Ani Rose na nasa tabi ko. Ipinatong niya ang yellow paper niya sa lamesa ko para makita ko ang tinutukoy niya. Itinuro niya gamit ang ballpen niya ang part na hindi niya maintindihan.

Isinulat ko ang next step habang ipinapaliwanag sa kanya kung saan nanggaling ang isinusulat ko. "Gets mo na?"

Itinuro niya ang binilugan kong number, "Final answer?"

Tumango ako. "Depende nalang sa instruction ni Sir."

Tumango-tango ito. "Gets ko na." Kinuha niya ang papel niya at ngumiti sa'kin, "thank you, honeybee!"

Pabirong inikutan ko siya ng mata na ikinatawa niya lang. Kung ano ano nalang ang itinatawag nila sa'kin. Kaninang umaga lang ay tinawag akong 'Honey-ta' ni Dada. Nanonood kasi ito ng Haikyu at iginaya na naman ang pangalan ko kay Shōyō Hinata.

And speaking of that anime lover, nagpa-alam silang pupunta lang ng cr tapos pagbalik may kinakain ng empanada. Kasunod niya si Mavic na may hawak pang supot.

"May tindahan ba ng empanada sa cr?" Tanong ko pagkalapit nila sa'min.

"Wala pero sa COE meron." Hinila niya ang upuan niya paharap sa'min at ipinagpatuloy ang pagkain.

"One for you," ani Mavic at may iniabot na isang empanada kay Rose bago bumaling sa'kin para abutan din ako, "and for you, sweet Honey."

Nai-iling na tinanggap ko ang empanada. See? Lahat sila kung ano-ano ang itinatawag sa'kin. Idagdag mo pa yung tawag ni Aki sa'kin na 'Honeybabes'.

"Sana pumasa ako mamaya."

Napatingin kaming tatlo kay Dada na nakatingala sa kisame. And even without looking at Rose and Mavic, alam kong nakataas na ang mga kilay nila.

"Papasa ka talaga sa lagay na yan, Danielle Laine," sarcastic na sabi ni Rose.

Binalingan siya ni Dada na may masamang tingin. "Magrereview ako, Mary Rose. Nag-pray lang ako." Ngumisi ito.

"Edi wow!"

Kaysa aksayahin ang oras dahil sa bangayan nila ay ipinag-patuloy ko nalang ang pagre-review. Minsan ay nag-uusap kami ni Mavic habang ang dalawa ay nag-aasaran.

Nang tinatamad na akong magsulat ay natulog nalang ako. Ginising ako ni Mavic ng dumating na ang teacher. Buti nalang ay nasa likuran kami kaya hindi niya napansin na kakagising ko lang.

Natapos ang araw na kagaya ng mga nagdaan. Wala namang bago. Papasok sa umaga, mag-titiis sa mga boring na subject, magpapanggap na nakikinig at naiintindihan ang mga equations, makikipag-asaran tapos uuwi.

"May NSTP na pala tayo sa sabado," naka-busangot na sabi ni Dada habang nagtutupi kami ng mga damit namin dahil napaka-gulo na naman ng mga lalagyan ng damit namin. Basta nalang kasi naming hinihila ang mga isusuot namin, nagmamadali man kami o hindi.

May mga Sabado kasing hindi nila kami pinapa-pasok sa NSTP class namin na kadalasan ay dahilan kung bakit ako nakaka-uwi sa bahay ng Friday. Pero kung may NSTP kami, after class na ako umuuwi which is usually 11 AM.

DIAMOND HEART (Lady Engineer Series 1)Where stories live. Discover now