Chapter 12

13 2 2
                                    

Champ's POV


hindi naman talaga ako umiihi eh, nagtago lang ako kasi baka isipin nya sinusundan ko siya. Tama naman, sinundan ko siya. Gusto ko kasi malaman kung bakit sya tumatawag kagabi.


Nag hintay ako na e confirm nya ko sa fb pero hindi talaga. Di ko tuloy alam kung ano ba ang nangyayari. After ng class ko, sinadya ko na dumaan sa room nila. Kunyari papunta akong library pero ang totoo, gusto ko lang makita si zephy. Nang biglang..


Kristel: hoy


Champ: uy,,nagulat ako,,


Kristel: si Zephy ba?


Champ: huh? hindi, ikaw .. ikaw ang hinahanap ko


Kristel: eh bat parang may nakikita ako diyan sa noo mo..


Champ: noo? ano?


Kristel: may nakasulat .. hmm wait.. ang sabi.. Zephanie Marie...


Champ: hindi naman eh


Kristel: halika nga dito,,


dinala nya ko malayo sa room nila


Kristel: hoy, di porket pogi ka eh magaling kana magsinungaling.. kulang nalang ipagsigawan mo yung pangalan ni Zephy eh..


Champ: kasi ano eh



Kristel: oo na, alam ko naipit kalang kaya sinabi mo na ako ang gusto mo..


Champ: mayayari ako sa kanya kapag nalaman nya


Kristel: oh my god.. takot ka sa kanya? sa laki mong yan?


Champ: nakakatakot sya magalit , kung alam mo lang


Kristel: kala mo lang galit sya, pero lambing lang nya yang pagsusungit nya. bat kasi di mo nalang aminin huh?


Champ: tingin mo madali lang?


Kristel: hindi pero.. kapag babagal bagal, nauunahan. alam mo ba na may nagpaparamdam na sa kanya ngayon?


Champ: oo, kaibigan ko, isa yan sa dahilan bakit ayoko sabihin na gusto ko sya



Kristel: hoy Arvelle, sasabihin ko na sayo. Di pa nagkaka boyfriend ang kaibigan ko. at yung jason na yun, halatang sanay na sanay sa pambobola. kaya ikaw na torpe, kapag pinabayaan mo na mapunta sa kanya si Zephy at sinaktan sya. mayayari ka sakin



sabay tutok ng kamao nya sa harap ng mukha ko, napalunok ako. ganito ba talaga silang magkakaibigan? mga sadista?


Pagkatapos namin mag usap. Na realize ko, tama sya.. kailangan sabihin ko na ang totoo kay zephy. Kaya hinanap ko sya agad. At napaatras ako ng makita ko sya, at ang kasama nya. Si jason, ang saya saya nila. Huli naba ako?



Champ: ang bagal mo kasi, Torpe..


sabi ko sa sarili ko habang nakaupo sa labas ng Canteen. Habang nakatingin sa screen ko. at sa friend request ko sa kanya na hanggang ngayon di padin nacoconfirm.. aasa paba ako? eh sa itsura ni Jason kanina. mukhang malaki ang pag asa na sila na. Idedelete ko na sana ang friend request ko ng may narinig ako na nagsasalita sa likod ko



Zephy: ano ba yan, sumabay pa tong sapatos ko, alam naman na ang hirap mag sintas ngayon.


pag lingon ko, si Zephy. may dalang mga libro na sobrang dami. Kita na hirap na hirap sya sa pagdadala neto. Napansin ko din ang sintas nya. Di na ko nag dalawang isip. Lumapit ako at lumuhod sa harap nya. Nagulat pa sya nga makita ako na inaayos ang sintas ng sapatos nya. after nun,, nagkatinginan kami


Zephy: aw, salamat


sabi nya sa malumanay na boses. Walang ano ano ay kinuha ko lahat ng dala nyang libro


Zephy: oh? hoy bat mo kinuha yan? akin na


Champ: ako na,dala ko na diba? sumunod ka nalang sakin



Zephy: bakit ba ang weird nyo mga lalaki, bigla nalang kayo sumusulpot at kinukuha ang dala ko.



Champ: depende, minsan para tumulong lang, o dahil gusto ka at ayaw kang makita na nahihirapan



Zephy: ano?


ok lang kahit di mo narinig, ang mahalaga. Nasabi ko na


Pagkahatid ko sa kanya sa room..


Champ: sandali


Zephy: oh?


Champ: wala manlang thank u?


tumaas ang kilay nya


Champ: sige wag na, basta e confirm mo na ko sa Fb


Zephy: bakit ba gustong gusto mo na e accept kita ha?


Champ: eh kasi nga, gusto kita


nanlaki ang mata nya at ako naman nabigla din na nasabi ko yun, umalis nalang ako at binilisan ang lakad,.bakit ba natatakot ako sa kanya?

HEY ZEPHY! ( The Untold Kilig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon