Prologue

20 1 0
                                    


I took a sip of coffee while watching the rain stop inside the convenience store. People are flocking outside to dry themselves. Dama ko ang lamig ng aircon kaya nilapitan ko ang crew para pahinaan, umayon naman siya dahil mukha din itong nilalamig. Nang maubos ang kape ay siya din tila ng ulan kaya agad kong kinuha ang mga dala ko at tumungo sa labas para pumila sa bus. Ang iba ay nakikipag unahan pa pero hinayaan ko lang sila dahil may tamang upuan naman para sa lahat.

I felt my cell phone vibrate inside my pocket so I reached it to answer the call while struggling to light my cigarette.

"Hello Ms. Jimenez, all the documents are accepted for your transfer. There are few subjects that are not credited in our school. We will just email you for the subjects you will take," She said.

I let the smoke along with my breath, "Okay, thank you."

Umupo ako sa tabi ng bintana dahil ito na lang ang natitirang pwesto at medyo malamig din dahil sa nakatutok ang aircon sa akin. Naiinip ako dahil sa tagal ng bus lumarga dahil ang iba ay bumibili pa ng kakainin at meron ding mga umaakyat na vendors upang mag benta ng pasalubong. Nakatuon lang ang mata ko sa maliit na sim na hawak ko, playing it with my hands while contemplating. Before the bus starts its engine, I break into two to throw outside the window.

I watched how the city lights were fading in the thin air. The longingness freedom in me developed; however, I couldn't think of how many bags I carried along this new journey. Paano ko sila gagawing pagkasyahin?

I sighed, competing with myself if this is worth it? Pagsisihan ko ba 'to sa huli? O itatanggi ko na lang sa sarili ko na mali pala ang desisyon na umalis. But why would I regret something I ever wanted, once in my whole life. If I didn't have any courage to finally step out from hell, I would be an irrelevant death inside my room and be recorded on statistics, same with people that died the same day. My moron family will move on from it easily or even don't have to go through five stages of grief, without lifting any finger, they can bury me or lit my remains without single sympathy.

I shook my head. I always did great gaslighting myself... that's the best option of denial.

My thoughts rested along with my eyes and I woke up when the sun rays started to touch my skin. Tinignan ko ang location ko sa google map at ilang kilometro na lang ay bababa na ako. Pinunasan ko muna ang mukha ko habang nakatingin sa salamin, hindi pwedeng panget ako sa pupuntahan ko. Hindi ko naman need ng validation nila pero gusto ko lang na maayos ako. Tiniyak ko din na natatakpan ang balat ko ng jacket.

Sumakay ako ng tricycle dahil sabi ng landlady ay ito daw ang sakyan. Tumatama ang malamig na hangin sa akin na amoy probinsya. The smell of fields, planted rice, and especially the poop of carabao feels more serene.

Inihinto na ako ng driver, sa harap ko ay magarang bahay. It's a Spanish style, ang hagdan ay nasa labas at ang bintana ay gawa sa capiz at puno din ng mga halaman ang bawat sakop ng bakuran, tumingala ako at nakita ang babaeng matanda sa binatana. Ngumiti ito upang anyayahan akong pumasok sa bahay.

Hinawi ko ang maliit na gate na abot ng aking tenga habang dinig ang mga kumakantang ibon sa umaga. Tahimik din ang lugar at mag kakalayo ang mga bahay. Halatang alaga ang bakuran ng matanda dahil sa mga damo na bagong tabas at ang kanyang malulusog na halaman. Umakyat ako sa kamagong na hagdanan at sinalubong ng matanda sa veranda na naka hilera na upuan na gawa sa matibay na kahoy at mistulang antique na.

"Kahapon pa kita hinihintay kahit na ang sabi mo ay kinaumagahan ka pa makakapunta," mahinahon nitong sabi, "Halika at ipapasyal kita sa bahay."

I was welcomed by the two wooden doors. Sinilip ko bawat pasilyo ng bahay, may salas na nasisinagan ng malaking bintana at malaking espasyo para sa hapag kainan. Ang kwarto ko naman ay sobrang aliwalas na may lamang kama na makikita mo lamang sa sinaunang palabas at natatakpan ito ng manipis na puting kurtina. Ako lang ako mag ookupa ng pang pamilyang bahay na 'to.

Out of Her ReachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon