Chapter 5

2 0 0
                                    


It was mid October when the school decided to build a large christmas tree on the corner of the field. Inno immediately assigned me to take shots of the event and make a report about it. Medyo gamay ko nadin ang camera kaya hindi na ako umangal pa at ano naman ang karapatan kong tumanggi? He's literally the editor in chief.

Nakatambay lang ako ngayon sa gazebo habang hinihintay na dumilim para ilawan na ang malaking christmas tree. Gusto ko sana mag sigarilyo dahil nasasayang ang oras ko pero maraming estudyante ang nag aabang din katulad ko. Ayoko ulit ma-office sa parehong kasalanan, gusto ko ay iba naman. Ilang beses kong tinitignan ang relo ko dahil sa bagal ng oras, wala naman akong shift ngayon pero gusto ko na umuwi— syempre para matulog.

Nang nagsisimula na silang magkumpulan sa field ay tsaka ako tumayo para sumali. Bago nila ilawan ay may maikling intermission pai at masayang anunsyo ng presidente ng eskwelahan. Mahigpit kong hinawakan ang strap na nakasabit sa leeg ko dahil sa nauubos na pasensya.

Ininhanda ko na ang camera ko nang lumitaw na ang iba't ibang ilaw sa malaking puno. I unconsciously dropped the camera because I'm too awe to see it with my bare eyes.

Sinamahan pa nito ang malamig na simoy ng hangin habang ang pang paskong kanta ay tumutugtog sa buong school. Sabi nila na ito daw ang christmas spirit? I don't know, the family I had never celebrated anything unless it's my brother's birthday. Our home stays the same whenever it's Christmas and New year so this is new to me.

I shook my head to distract my thoughts, I don't like to remember it. Muli kong binallik ang mata ko sa camera para kumuha ng maraming litrato at ilatag lahat sa pub. Napahinto na lamang ako nang makita ko si Inno at Yumi na masayang nakatingin sa christmas tree. I felt how my eyes rolled kahit na sarado ang isa nito para kumuha ng litrato, cheesy. I decided to take a picture of them just to capture their smiles and it will be a huge interest of the students. I realized how I look like a paparazzi to stir more humors about them.

Nagligpit na ako ng matapos ko silang kuhanan ng litrato. Kinabukasan ay masuring tinignan ni Inno lahat ng litraong kinuha ko. He frowned or cringed when he saw the last photos I took.

Masama niya akong tinignan. "Paki-bura 'yung limang litrato namin."

"Bakit? Maganda naman ah," tanong ko habang nakapangalumbaba sa harap niya.

Maybe because he wants to protect their privacy? You're really a paparazzi, Cinna!

Tumuwid ako ng upo para pantayan ang pagiging pormal niya. "Sige, I'll delete it." I received his consent. He said no. Tapos na ang usapan.

Bumalik na ako sa pwesto ko para ituloy ulit ang mga assign reports na binigay sa akin. While I'm quietly minding my own business, Yumi approached me. Umupo siya sa tabi ko at ramdam ko na pinapanood niya ako. Madalas na niya din akong kinakausap simula ng sumali ako dito. The image she portrays with people is different, she is a sweet person under her dominant aura. Lagi ko siyang nakikitang naka-high ponytail pero ngayon ay mas inilu-lugay niya na ang kulay itim niyang buhok.

Tumigil ako sa aking ginagawa at hinarap siya. Nakataas ang dalawa kong kilay para tanugin kung anong kailangan niya. She shook her head and showed her sweet smile.

"Need help?" she asked with anticipation.

Sumingkit ang mata ko. "Para saan?"

"Wala! Tapos na ako sa ginagawa ko kaya naghahanap ako ng matutulungan."

Tumango-tango ako na parang naniniwala ako sa sinasabi niya. Hindi ko siya tinanggihan dahil pagod na ang utak ko. Madali lang naman ang kapalit ng gagawin niya.

Hindi ko maiwasan na tignan siya habang tinutulungan ako. She was too pretty to be unnoticed. I wonder how Inno resists her when she's a full package that every guy or man wants. She's the walking standard; prim, intelligent, sweet, and good looking. I am the complete opposite of Yumi; I can describe myself as boring.

Laking tuwa niya ng ipasa ko sa kanya ang litrato nila ni Inno pagkatapos niya akong tulungan. I don't know what's between them but Yumi is really into him. The way she looks at him, says it all. Wala din naman akong pake malaman. I just observe it whenever I see them.

"Alis na ako," paalam ko sa kanila. Tapos na ang natitirang gawain ko at makakaalis na din ako ng maaga.

My eyes landed on Inno to see his approval. I always wait for his approval before I go, baka may ibibigay pa siyang tasks. Pero sana ay wala na dahil gusto ko na talaga makawala dito. He immediately looked at me and stopped playing his pen through his huge hand to tap it on his chin. Mukha siyang nag iisip ng kailangan kong gawin, I secretly crossed my finger. I promised to Nyle to watch his practice game today. Alam kong nagsisimula na iyon ngayon. Marahan siyang tumango habang masungit ang tingin. I beamed out from the office.

My stomach gives me excitement when I hear the game outside the gym. Agad kong silang nakita na nakaupo sa gilid ng court. Nahihiya man akong pumunta ay saktong timeout para ihatid ako ni Nyle sa pwesto nila. Throughout the game, my eyes are fixed on Nyle. I smiled when he glanced at us. Pagkatapos ng game ay usual nang nakikipag-usap ang mga kaibigan ko sa ibang players. Pinili ko naman manitil sa upuan ko at pinapanood sila.

"Hi," bati ni Nyle at hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na siya. "Do you wanna go out? Treat ko," he winked his monolid eyes.

I pressed my lips, avoiding looking like a smiling idiot. "Sure."

Nagpaalam muna siyang mag sh-shower at ako naman ay inaya sila na sumama but they have personal things to do. Umalis na sila sa gym para maiwanan akong mag-isa na naghihintay kay Nyle matapos. He came out fresh from the shower room with his damp hair.

"Umm, may gagawin daw sila kaya umalis na," sabi ko.

Ngumiti siya. "Okay lang. Tara?"

Mahigpit kong hinawakan ang jacket na suot ko. His gentleness is overwhelming.

Halos hapon nadin nang lalakad kami sa kahabaan ng kalsada dahil malapit lang naman ang food park. Ang sabi niya ay tuwing magpapasko lang daw sila nagbubukas kaya maganda na mai-try ko. Marahan niya akong iginigiya sa mga food stall. Siya ang laging nagbabayad ng kinakain namin at hindi niya ako hinahayaan mag labas ng pera kahit gusto ko din na ilibre siya. Ayokong sayangin ang pera niya pero sa nakikita ko ay walang panghihinayang sa mukha niya. He seemed to enjoy every food we ate na karamihan ay hindi pamilyar sa panlasa ko.

Umupo kami sa ilalim ng puno para magpahinga galing sa mga kinain namin.

"Okay... last na kailangan mong kainin," ipinakita niya sa akin ang supot na may lamang dalawang itlog.

"Easy," sabi ko at kinuha ang isa. Mahina siyang tumawa sa akin. Binasag ko agad iyon at halos mabitawan ng kamay ko ng makita ko ang laman. "What the actual fuck?" tanong ko sa kanya habang nandidilat ang mata ko.

Malakas siyang tumawa sa ekspresyon ko na pinag halong gulat at pandidiri. I'm still clueless of what creature is this? The image is so weird and unlikely to be edible.

"Balut 'yan," sabi niya at hindi padin tumitigil sa pagtawa.

Nang matapos siyang tawanan ako ay itinuro niya sa akin ang tamang pagkain ng balut. I nearly cried when I saw the unformed baby duck inside. I spared it and ate the yellow thing. Inagaw ni Nyle ang kamay ko para linisin habang nakangiti padin. My heart raced while watching him. I clearly noticed his deep dimples on his cheeks and how cute his eyes were. Our skin compliments each other for being paper like.

This night is too great to make me forget my night shift. 

Out of Her ReachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon