Chapter 6

2 0 0
                                    



Nag-aya na naman sila Alon na maligo sa talon dahil linggo naman daw. Hindi nadin nila hinayaan si Hiram na magdala ng paborito niyang lambanog at ayaw muna nilang uminom ng alak. Naghihintay ako ngayon sa balkonahe ng bahay para hintayin silang sunduin ako habang tirik ang araw kahit alas nuebe pa lang ng umaga. Malulusog padin naman ang mga halaman ng matanda kahit nakakalimutan ko silang alagaan. Sariwa pa rin ang hangin na sumasalubong sa kinakaupuan ko.

Lumabas ako kaagad ng makita ang puting van na papalapit sa bahay. Ayon daw ang dadalhin ni Nyle para hindi na kami siksikan at maihatid kami ng maayos. My smile reached my ears in front of the driver's seat and it immediately faded when the window slid down to show Inno. He was in black shirt while wearing sunglasses which make his fine nose more attractive. He moved his head telling me to hop in. Mabilis akong umupo sa loob ng van at katabi si Faye na mahimbing na natutulog. Lumingon naman sa akin si Nyle mula sa passenger seat para batiin ako.

They decided to go to another waterfall which takes us two hours to reach the destination. Naglakad pa kami ng kalahating oras dahil mas matarik ang daan para sa sasakyan. It left me in awe to see how beautiful it is, mas maganda pa sa unang talon na napuntahan namin. Mas mahinahon ang pagbagsak ng tubig habang naliliman ang ito ng naglalakihang puno. It consisted of three consecutive waterfalls and I can see through the rocks beneath the crystal clear water.

Busy ang lahat na nagaayos ng gamit sa cottage habang kaming dalawa ni Faye ay nasa likod ng malaking puno para tulungan siya mag bihis ng pang ligo. The area is not developed enough to have restrooms kaya tinatakpan ko siya ng malaking kumot.

"Wait malapit na 'to, kakainis kasi! Mali ang nadala kong swimsuit," aniya habang hirap padin sa pag-aayos.

"Take your time, hindi naman ako magpapalit na," sabi ko kanyaat tinignan ang suot kong puting rashguard at maong na short.

Huminto siya sa ginagawa niya. "Huh? Bakit hindi mo i-try mag swimsuit? Ang ganda kaya ng katawan mo, sayang!" sabi niya at bumalik sa ginagawa niya.

Ngumisi lang ako sa sinabi niya at iginala ang mata ko sa lugar. I caught Inno's glance towards my direction, pinutol niya agad ang tingin niya para tumulong sa iba.

"Faye..."

"Mmm?"

"Bakit kasama na naman natin si Inno?" tanong ko.

"Sabi ni Nyle gusto niya sumama... bakit?" Aniya habang may kahulugan sa tono niya.

My forehead creased while looking at her and she only grinned more. "Wala," sabi ko at umiling siya sa akin. "B-bakit? Anong iniisip mo?" hindi ko namalayan na nababa ko na ang kumot na hawak ko paraan upang magulat kaming pareho.

Mabilis kong inayos kumot nakatakip sa kanya. Wala na ulit lumabas sa bibig niya ng bumalik kami sa cottage pero alam ko ang makahulugan niya na tingin at sinasaway ko na lang siya sa kanyang pang aasar. Naiwan muna ako sa cottage para iwasan si Faye at baka mahalata ng iba sa pang-aasar niya sa akin. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ideya na iyon o anong sumagi sa isip niya para mapansin kaming dalawa. We rarely get along with each other! I hate his personality and how he almost breathes near me.

Tinuon ko ang mata ko kay Nyle na masayang nakikihalubilo. He was more great than Inno and had the highest probability to make me whipped.

I shrugged my head to stop my thoughts from leaking. Umalis na lang ako ng cottage para maligo mag-isa. Hindi ako lumingon sa tawag sa akin ni Nyle para papuntahin ako sa gawi nila. Tumungo na lamang ako sa pangatlong talon kung saan mas malalim ang tubig at hindi rin ako tanaw mula sa kanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Out of Her ReachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon