Chapter 2

4 1 0
                                    


Kakatapos pa lang ng prelim exam namin pero eto na namin kami at naghahanda na ulit para sa midterm. I can't keep up with the left and right requirements of every subject. Nasa isang subject kaming anim ngayon, kanina pa sila maingay at walang tigil ang usapan kahit nandiyan ang prof namin sa harap. Wala din naman siyang paki dahil patuloy lang siya sa pagsasalita tungkol sa lesson namin ngayon.

"Alam mo na gusto mong party or organization?" biglang tanong ni Idad sa tabi ko.

Kunot ang noo ko at umiling sa tanong niya. Wala akong alam sa mga org na 'yan.

"Hanggang next week lang ang registration, para sa grades din 'to," dagdag niya.

Sumingit naman si Faye sa amin, "Sasali ako sa party nila Nyle, madami daw pogi doon," sabay silang dalawa tumawa ng mahina.

"Girls at the back, mayroon ba tayong sariling lesson diyan?" sita ng professor.

Pinandillatan ko silang dalawa ng mata dahil nanahimik ako sa gitna nila.

"Ikaw sa gitna, can you explain the Mona Lisa painting? Kung hindi ay may minus kayong tatlo sa next exam," sabi nito at nagtinginan sa amin lahat ng estudyante.

Tumayo ako habang masama ang tingin sa dalawa kong kaibigan. Natahimik din sila Hiram sa likod namin. The professor is leaning on the table, ready to hear my answer.

"It was painted by Leonardo Da Vinci..."

"And?"

Huminga ako ng malalim. The hell is Mona Lisa?

"Mona Lisa painting became famous because Da Vinci used modern techniques that are still relevant up until now... kung makikita niyo ang painting in real life, it feels like she's staring at you in every angle because Dan Vinci used to study human anatomy," I explained.

Tumango-tango naman ang professor sa sagot ko at nagpatuloy sa discussion. Natahimik ang mga kaibigan ko nang natapos na akong sumagot at walang kibo. Ayon lang ang naalala ko when we visited the louvre museum.

I packed my things when the professor dismissed the class. Nag uusap na naman sila kung saan kakain at tatambay. Nahuli akong lumabas sa kanila dahil bigla akong hinarangan ng professor namin sa pintuan.

"Jimenez, right?" tanong niya.

I simply nodded.

"Sinabi na ba sa'yo ni Inno that we want your paper to be featured in our gazette? By the way, your paper is incredible and neat kaya ako ang nag request kay Inno na isama ang gawa mo."

Agad na siyang umalis pagkatapos ng kanyang sinabi. His words didn't sink in to me. Para akong nag ugat sa kinatatayuan ko. Nawala na lang ako sa wisyo ng binalikan ako ni Nyle para ayain kumain sa labas ng school. Habang kumakain ay iniisip ko pa rin ang binanggit ng professor kanina sa akin. Puno ng inis ang nararamdaman ko ngayon kaya nag pasya akong hindi tapusin ang pagkain ko at bumalik ulit sa gazebo para mag sigarilyo

Nakailang upos na ako pero hindi pa rin nawawala ang inis na nararamdaman ko. Hindi ba sinabi ni Inno noong nakaraang na hindi pasok sa standard ng pub nila ang sulat ko at iba ang pinili niya? Ano bang problema niya sa buhay?

People will not take this as a big deal but it's my work! I value it. Incredible at neat naman ang gawa ko pero hindi pa rin pasok sa standard nila? Standard my ass! I have been writing my whole life, competing in different prestigious schools and I always aim for the first kaya lagi akong nanalo. No one even disrespect what I created, ang huling gumawa non ay pinakain ko ng papel. He's a fucking evil jerk, kaya ayoko na sa kanya simula pa dahil masama naman talaga ugali niya.

Out of Her ReachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon