Chapter 1

4 1 0
                                    

WARNING!!!

Grammatical and typo error ahead.

•••••••••••••••••••••••••••

Azillea's pov.

"WALANG KWENTA KA TALAGANG BATA KA! KAHIT KAILAN WALA KA NG GINAWANG MATINO! KUNG HINDI KO LANG TALAGA KAPATID ANG NANAY MO BAKA TINAPON NA KITA NUNG SANGGOL KA PA! BWISET! MALAS!!" sigaw ng aking tiyahin.

Haay wala na akong ibang nagawa kung hindi ang mapabuntong hininga sanay na ako sa ganyan dahil kinalakihan ko na ang pagbubunganga at pananakit sakin ng pamilya ng tiyahin ko. Naiintindihan ko naman kung bakit galit na galit sakin ang tita eh, dahil ako lang naman ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ko.

"Pasensya na po tita hindi na po mauulit" pagpapaumanhin ko.

"PURO KA PASENSYA! AKO NAUUBUSAN NA NG PASENSYA SAYO!" sigaw niya ulit bago padabog na pumasok sa kanyang silid.

Matapos non ay nag ayos na ako para makapasok sa eskwelahan. Unang araw ngayon ng pasukan at ito na din ang huling taon ko bilang isang highschool student, kung pag aaral naman ang pag uusapan ay maayos ang grado ko dyan dahil kailangan dahil pag tungtong ko ng kolehiyo ay hindi na sagutin nila tita ang aking tuition, kailangan kong makakuha ng scholarship para makapag kolehiyo ako.

Naglalakad ako ngayon papuntang sakayan ng jeep patungong Eastern University(EU). Pagdating sa sakayan ay nahirapan pa ako dahil karamihan ng jeep ay puno na, ng sa wakas ay makasakay na ako ng jeep pansin ko na ilang minuto na lang ay malelate na ako tsk unang araw ng klase malelate pa ako badtrip.

Pagkababa ko ng jeep ay tumakbo na agad ako papunta sa unang klase ko ngayong araw pagdating ko don ay kumatok muna ako dahil may guro na sa harapan.

"Come in. So you are probably ms. Cruz right?" The professor asked.

"Ah yes po"

"Okay introduce yourself then sit beside mr. Martinez" prof said.

"Uh good morning everyone I know some of you know me but for those who don't know me I'm Azillea Kim Cruz, 18 years old. Thankyou" I said then uh who the hell is mr. Martinez anyway??

"Uh ma'am excuse me but who is mr. Martinez?" I ask the prof. He was about to answer when someone speak up.

"Ako! Hellllooooooooooo" he said, may tono pa talaga yung 'hello' niya, isip bata. So dahil sabi niya siya yon dumeretso na ako sa gawi niya at naupo sa katabi niyang upuan.

"Hello! Ako nga pala si Jace Martinez 19 years old, new student lang ako dito pwede ba makipag kaibigan?" Salubong niya sakin pagkaupo ko.

Kalalaking tao napakadaldal tsk.

"Sure" simpleng sagot ko sa kanya sabay harap  sa guro na nakaupo sa kanyang pwesto at may kung anong kinakalikot.

Sayang hindi ko kaklase sila Sasha, kahit isa man lang sa kanila ay hindi ko naging kaklase samantalang sila Euphy at Ayen magkaklase tsk. Nakakabored naman walang pinapagawa prof namin ngayon kaya nilabas ko na lang cellphone ko at maglalaro na lang ako ML aayain ko din sina Ayen panigurado wala ding ginagawa yung mga yon.

"Wow naglalaro ka pala ng ML anong rank mo na? Ako din naglalaro nyan e master na rank ko, ikaw ba?" Jace. Tinitigan ko siya ng matagal pano napakadaldal kasi.

"Helloooooo naririnig mo ba ako? Bakit nakatitig ka sakin? May dumi ba ako sa mukha?" Jace.

"Ah ano epic na rank ko dito madalas ako maglaro nito kasama mga kaibigan ko" sagot ko sa kanya.

"Wow! Magaling ka siguro dyan no? Sino main hero mo? Akin kasi si zilong" Jace.

"Si karrie" tipid na sagot ko dahil obviously ayaw ko siyang kausap di ba niya napapansin yon hay.

"Hmm di ako pamilyar dyan ah. May ganyan palang hero don bakit kaya di ko alam" Jace. Sapalagay ko ay kausap niya ang sarili niya dahil nakatingala pa siya habang hinihimas yung chin niya. Weird.

Hindi ko na ulit siya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang paglalaro ko kasama sila Ayen. Saktong umaatake na ako ng biglang may kamay na humarang sa screen ng phone ko lintek! Paglingon ko sa kung sino ang may ari ng kamay na yon ay nagulat ako.

"Kuya Al!!" Bati ko sa taong nasa harap ko na salubong ang kilay tsk ayaw niya kasing naglalaro kami nila Ayen ng ML, btw kuya siya ni Ayen at close ang barkada sa kanya para na din kasi namin siyang kuya, mas matanda siya samin ng dalawang taon so bale 2nd year college student na siya.

"Diba sabi ko sa inyo na pag nasa klase kayo ay hindi kayo pupwede maglaro niyan?" Taas kilay niyang tanong sakin. Shet ito na nga ba sinasabi ko e.

"Hoy azi ano nangyari sayo dyan bakit afk ka na walangya matatalo tayo oh!" Uh oh nag open mic na si Kris, patay.

"Anong sabi ko sa inyo? Lalo na sayo Ayen." Kinuha mi kuya Al yung phone ko at nagopen mic sabay sabi non, narinig ko naman ang pagmura nila Kris sa kabila.

"Excuse me kuya kung sino ka man, bakit ka nandito?" Jace. Baliw ba tong isang to at bigla na lang magsasalita.

Tinignan lang siya ni kuya Al at biglang balik ng tingin sakin inaaya akong puntahan sila Ayen. Tsk patay na mahaba haba nanamang sermon aabutin namin nito.

Habang naglalakad kami papunta sa klase nila Ayen ay panay ang isip ko ng paraan oara makaiwas ako sa sermon ni kuya Al tsk.

"Ah kuya pwed---" di pa ako tapos sa sasabihin ko ng bigla siyang magsalita.

"Excuse me po, si Ayen po?" Paghanap ni kuya Al kay Ayen.

Lumabas si Ayen ng classroom nila ng di makatingin kay kuya Al. Nagkatinginan naman kami at parehong napabuntong hininga. Pinuntahan din namin ang classroom nila Sasha, Euphy, at Kris. At ngayon ay nandito na kami sa mini garden ng school pare pareho kaming nakayuko at di makatingin kay kuya Al. Magsasalita na sana si kuya Al ng biglang magring ang phone niya yes! Nagkatinginan kaming lima at sabay sabay na nagsitanguan sa isa't isa.

1...2...3...

"TAKBOOOO!!!" sigaw ni Kris at sabay sabay kaming nagtakbuhan, narinig pa namin ang sigaw ni kuya Al hahahaha.

Huminto lang kami sa pagtakbi ng nasa bandang soccer field na kami. Naghanap kami ng pwesto na pwedeng pagpahingahan at ng makahanap na kami ay humiga kaming lima. Hindi kami natatamaan ng sikat ng araw dahil sa puno na sinisilungan namin.

"Grabe buti na lang nakatakas tayo sa sermon ni kuya Al dahil kung hindi panigurado sabon na sabon nanaman tayo non HAHAHA" Sabi ni Sasha habang tumatawa. Dahil sa sinabi niya ay natawa din kaming apat.

Magkakilala na kaming lima mula noong elementarya pa lamang kami ngunit si Ayen naman ay kalapit bahay namin noon kaya mas matagal ko na siyang kilala. Sa lahat ng luha na inilibas ko at tawa na ginawa ko sila na halos ang kasama ko, swerte ako dahil kahit papaano may mga tao paring handang maging sandalan ko sa oras na nalulungkot ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Never Ending PainWhere stories live. Discover now