Liam pov
Ilang araw din kaming nag stay sa bahay ng lola nila sa Quezon nagging masaya naman kami at mabilis kong nakasundo ang pamilya niya dahil palagi nilang inaasar si luisa at pala biro sila
Sa susunod balik ulit tayo don ah!. Nakangiti kong sabi
Sige ba! Mukhang nag enjoy ka ah!. Natatawang sabi ni luisa habbang nag aayos ng gamit niya
Medyo dahil nakakwentohan ko si jake medyo rin hindi dahil don sa pag iigib something para akong nag gym ng isang linggo e!. Sabi ko at pinakita sakaniya yong muscles ko sakaniya
Nasan parang wala namang pinag bago!. Pang aasar niya sakin
Lumabas namn siya at tumungo sa kusina habbang ako naman ay sinundan siya
Wow ah! Awit sayo!. Sabi ko at umupo sa lamesa tumawa naman siya at pinag timpla ako ng gatas
Oh!. Sabi niya at inabot sakin yong baso
Bakit ba palagi mo kong pinag titimpla nito?. Tanong ko at uminom
Para tumibay yong buto mo saka nabanggit kasi sakin ni sam na medyo nahihirapan ka daw matulog sa gabi kaya pinag titimpla kita para maayos yong tulog mo!. Nakangiti niyang sabi at lumapit sakin
Bukas pala mag lilinis tayo dito hindi pa tayo nakakapag linis simula nong umalis tayo dito teka bakit nga pala hindi umuuwi si sam?. Tanong ko
May mga inaasikaso daw siya sa coffee shop pati narin sa love life niya!. Sabi niya
Ahh!. Sabi ko at hinugasan yong gatas na pinag inuman ko
Nag paalam na kami sa isat isa at pumasok sa kaniya kaniya naming kwarto
*KINABUKASAANNNNN*
gising na!. Nakangiting sabi ni luisa sakin habbang nasa tabi ko
Niyakap ko siya at pumalag naman siya
Ano ba liam!. Natatawa niyang sabi kinikiliti ko kasi siya
Stop!. Sigaw niya at tinulak ako
Okay fine fine ill stop!. Sabi ki at ngumiti hinalikan ko siya sa noo at ngumiti naman siya
Tara na at mag linis na tayo para mabilis na tayong matapos !. Sabi niya at hinawakan yong kamay ko at hinila palabas
Sinet up ko na yong vacuum habbang siya naman ay nag hahanda ng makakain
Habbang nag vavacuum ako ay biglang may nag dorbell
Liam pabukas naman may ginagawa kasi ako e!. Sabi niya kaya naman binaba ko yong vacuum at binuksan yong puntuan
Pero wala akong nakita sundi isang sobre lang na naka singit sa pintuan namin
Kinuha ko yon at sinarado ang pintuan binasa ko kong ano yon
"Congratulations ms. Garcia you're qualified to go to our university "
Nabigla ako sa nabasa ko binasa ko yong nasa taas
"University of medicine in Canada"
Mag cacanada siya? Bakit hindi niya sinabi sakin yon?
Babe ano yan?. Tanong niya kaya naman dali dali kong ipinasok sa loob yong sulat at pumunta sa dako niya
Mail para sayo ata!. Sabi ko at inilapag sa lamesa yong sobre at nag patuloy ng mag vacuum
Hindi ko siya pinansin non bakit siya mag aaral sa ibang bansa? Bakit? Hindi ba siya masaya dito? Iiwan niya ko?
Liam!. Tawag niya sakin ng mahinhin ang boses at tumungin ako sakaniya hawak hawak naman niya yong sobre
Ano~. Hindi na niya natuloy yong sasabihin niya dahil bigla akong nag salita
Bakit kakain naba? Sandali lang tatapusin ko lang to!. Nakangiti kong sabi na parang walang nangyari hindi na siya nakaimik at pumunta nalang sa kusina para mag hain
Nilinis ko na yong vacuum at pumunta na sa lamesa
Wow! Andami mo namang niluto!. Nakangiti mong sabi habbang inaayos yong upo ko
Nandito nako!. Sigaw naman ni sam mula sa pintuan saka dumiretsyo papunta sa kusina kong nasaan kaming dalawa
Wow ah! May fiesta ba?. Tanong ni sam at inilapag yong gamit niya at umupo sa gilid ko
Naisipan ko kasing mag luto ng mga paborito ni liam!. Nakangiting sabi ni luisa at umupo sa tapat ko
Ay teka lang mag papalit pala muna ako tirhan niyo ko ah!. Sambit ni sam saka tumayo na at tumungo sa kwarto nila
Oo para ka namang mauubusan!. Singhal ko sakaniya habbang sumasandok ng ulam
Liam! About pala don sa sulat!. Sabi ni luisa tumingin naman ako sakaniya
Puwede bang saka nalang natin pag usapan yon? Gusto ko muna kasing ienjoy tong araw nato kasama ka!. Nakangiti kong sabi ngumiti lang siya sakin
Ito oh! Diba paborito mo tong adobo?. Tanong niya at inabot sakin yong adobo
Alam mo sa lahat lahat ikaw ang pinaka masarap mag luto ng adobo!. Pabiro ko sakaniya
Sus! Binobola mo pa yan!. Sita naman ni sam at umupo na sa tabi ko
Totoo naman kasi!. Saad ko at kumain
Sus! Alam mo luisa wag kang mag papadala sa bolero nato masyadong bolero halatang halata!. Pang aasar niya
Wow ah! Atleast ako bulero lang at hindi pinag palit mula sa malapit!. Pang aasar ko sakaniya
E tuktukan ko kaya yang ngala ngala mo huh!. Sabi naman niya at inambahan ako
Luisa oh! Sasaktan ako!. Pag susumbong ko tumawa naman si luisa at hinampas sa kamay si sam
Tigilan niyo na nga yan at kumain nalang tayo!. Sabi naman ni luisa at kumain narin siya
Ah so pinag tatanggol mo na siya huh! Sinong pipiliin mo ako o si liam!. Sambit ni sam habbang kumakain
Syempre yong bebe niya yong pipiliin niya no!. Sabi ko naman at tinaas baba yong kilay
Che! Tumahimik nga kayo kumain nalang tayo!. Sabi ni luisa at ngumiti

YOU ARE READING
Im Missing You (MOON SERIES: 2) COMPLETED
RomanceLiam Ellis V. Nueva party boy, funny and also attractive at isang med student na may gusto sa kaniyang kababata na si zoey isa rin siya sa player ng sikat na basketball team sa UST until he meet luisa isang palabang babae at ayaw sa Playboy's med s...