CHAPTER 26: PRESENT TIME

39 2 0
                                    

Liam pov

liam okay kalang?. Tanong saakin ni rayne

Oo naman bakit naman ako hindi magiging okay?.tanong ko saka kinuha yong mga gamit ko

Oh! San ka pupunta akala ko ba shift mo ngayon?. Tanong ni daniel

May importante lang akong gagawin!. Sambit ko naman pero pinigilan ako ni rayne

Kukulangin kami ng doktor kapag umalis ka!. Sabi naman ni rayne

Hayaan mo na baka importante yong gagawin ni liam!. Sabi ni daniel tumingin lang ako sakanila at patuloy na inayos yong gamit ko

Akala ko ba wala na yon sayo? Akala ko ba nakalimutan mo na siya!. Sambit ni rayne habbang tinatanggal ko yong coat ko

Nakalimutan ko na siya matagal na wala siyang kinalaman sa pag alis ko ngayon!. Sabi ko at tuluyan ng umalis

Sa loob ng ilang taon hindi kami nag paalam ni nag break basta hindi nalang kami nag usap at inisip ko nalang na wala na kami at tapos na ang lahat

Liam pakiusap puwede bang mag usap tayo huh!. Sabi niya at pinigilan ang elevator

Hindi kol lang siya kinibo at pumasok naman siya sa elevator

Alam ko narinig ko na pumunta ka don nong araw nayon pero mali lahat ng nakita mo!. Panimula niya

E ano naman! Mali man o hindi ayaw ko naring ipag patuloy!. Cold kong sabi ng biglang tumigil ang elevator at kumalabog ito agad ko namang pinindot ang emergency Botton pero walang sumasagot

Tiningnan ko ang orasan ko at lunch break na pala marahil ay bumaba ang security kaya walang tao

A-anong nangyari?. Nanginginig na tanong nu luisa

Na stuck tayo dito hintay lang tayo ng konti at maya maya ay darating narin yong security!. Sabi ko at umupo

Napansin ko namang nanginginig si luisa kaya lumapit ako sakaniya at hinawakan ang kamay niya

Okay kalang?. Tanong ko sakaniya agad naman niya akong niyakap pinakalma ko siya

Siguro ay may troma siya sa mga masisikip na lugar ng maramdaman kong kalmado na siya ay binitawan ko na siya naupo lang siya sa tabi ko

Hindi ba puwedeng mag simula nalang tayo ulit?. Mahina niyang tanong

Kapag ba nag simula tayo ulit babalik ba sa dati ang lahat?. Balik ko sakaniya ng tanong

Hindi naman tayo mag sisimula ulit dahil gusto nating ibalik yong dati e kaya tayo mag sisimula ulit para makabuo ng baggong mga alalaala!. Sabi niya

Pero paano kong yong alaalang yon ay kagaya lang ng dati ? Anong gagawin mo?. Tanong ko sakaniya at tumingin

Noong araw nayon na nalaman ko na nandon ka nag madali agad akong lumabas ng university pero wala nakong nakita na liam sinubukan kong makitawag pero hindi ko na alam ang number mo nawala kasi yong phone ko non e sinubukan din kitang kausapin gamit ang ibat ibang platforms pero hindi ko na nagawa dahil naka deactivate na lahat ng accounts mo !. Pag papaliwanag niya hindi ako umiimik at nakikinig lang ako

Sinubukan ko ring kausapin sina sam at iba pang friends mo pero ang sabi nila hindi daw nila alam kong nasaan ka dahil bigla kanalang daw umalis pag tapos ng graduation ng maka graduate ako ay agad akong pumunta sa condo mo pero iba na pala yong nakatira don!. Sambit niya pa

Paano moko nahanap?. Tanong ko sakaniya

Pag katapos kitang hanapin sa manila bumalik nako sa canada para mag simula na ulit habbang nag tretraining ako sa kilalang hospital noon ay nakita ko ang isang article tungkol sa hospital na ito doon kita nakita kaya naman nag apply narin ako dito!. Sabi niya

Mag sasalita pa sana ako ng biglang mag salita yong security

Paparating napo yong rescue konting hintay nalang po!. Sabi sa speaker kaya naman tumayo na kaming dalawa at pumunta naman ako sa kabilang gilid

Maya maya ay nabuksan na yong elevator pinauna kong lumabas si luisa at ako naman ang sumunod

Ng makalabas na kami ay mag lalakad na sana ako papalabas ng may biglang sumigaw na nurse

EMERGENCY!. sigaw nito habbang naka sakay sa hospital bed at hawak hawak ang tagiliran kumaripas sila ng takbo papasok sa elevator sa gilid namin

Sinundan pa ito ng isang lalaking may tubo sa dibdib nagulat ako sa nakita ko kaya hinarang ko ang isang nurse

Anong nangyari?. Tanong ko

Meron pong aksidente sa isang construction sight malapit dito!. Sambit niya at dali daling humabol sa elevator

Tumingin ako sa paligid at hindi ko na mahagilap si luisa kaya naman sumabay narin ako elevator at ibinaba ang gamit ko saka dali daling pumunta sa opisina

Jusko ! Buti hindi ka pa nakakaalis!. Sabi naman ni daniel at inabot saakin ang coat ko

Ilan sila?. Tanong ko habbang nag lalakad palalabas

Tatlo sila! Yong isa may tubo sa dibdib habbang yong isa naman may hiwa sa tagiliran at yong isa naman inatake sa puso!. Pag papaliwanag ni daniel

Kumusta ang vitals?. Tanong ko sa nurse

Hindi napo unstable yong vitals niya!. Sabi naman ng nurse

EMERGENCY!. sigaw nanaman

Nakita ko naman si luisa na aligaga habbang chinicheck up yong isa pang pasyente

I test niyo na at ihanda ang operating room unahin na muna natin yong may tubo sa dibdib at yong inatake sa puso!. Utos ko at dali dali naman yong mga nurse

Lumapit naman ako kay luisa

Kumusta siya?. Tanong ko

Okay naman ang vitals niya stable na siya!. Sambit niya

Dok may problema po tayo!. Sambit naman ng isang nurse

Bakit?. Tanong ko

30mins papo bago dumating yong guardian nong lalaking may tubo sa dibdib!. Sambit nong nurse

Pero paano yan kailangan na siyang operahan sa lalong madaling panahon!. Sambit naman ni luisa

Sige ihanda niyo na siya sa operating room 1!. Sambit ko

Sige ako ang magiging anesthesiologist mo!. Sabi naman ni luisa

Hindi! Hindi mo siya puwedeng operahan!. Sambit naman ni rayne

Kapag hindi ko siya inoperahan mamamatay siya!. Sambit ko naman

Liam kapag namatay siya sa table ikaw ang mananagot!. Sigaw ni rayne

Handa akong akuin ang lahat! Mailigtas lang ang pasyente!.  Sabi ko at seryosong tumingin sakaniya

Bakit! Naka opera kanaba ng ganiyang kaso huh! . Singhal ni rayne

Hindi pa pero si doc Santiago oo siya ang magiging second surgeon ko !. Sabi ko naman

Liam maaring mawala sayo ang lesensya mo!. Singhal sakin ni rayne

Liam kailangan nanating umalis!. Sabi naman ni luisa

Sige ihanda niyo na ang operating room!. Sabi ko at hinubad yong coat ko

Saka nag suot ng surgical outfit at saka tumungo na sa operating room

Im Missing You (MOON SERIES: 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now