Kabanata 2
Sorry
100 percent. Ace. Perfect.
Iyan ang bumungad sa mga worksheet na kakapasa ko lang noon pero ito ang balik sa akin. Binalingan ko siya agaran. Tinapos niya talaga overnight? 'Di ba siya busy dahil law ang kinukuha niyang program
'Di ako makapaniwalang sinulyapan siya, bagsak pa rin ang panga ko. Iniwan niya ako sa ere na hindi ako kinakausap. Pinagtinginan ako ng mga blockmates ko, kwestiyunado rin. Napailing akong inisa-isa ang papel na iyon.
Hinabol ko siya.
"Hello? Nandito ako sa tabihan mo, oh? Hinahabol ka? Yuhoo!" Pagpapansin ko sakaniya habang pinapantayan ang mga yapak niya. "Lenoxx Quezera! Paano mo natapos 'yon agad? Napuyat ka ba? Crush mo talaga siguro ako, 'no? Yiee!" Pangangasar ko sakaniya.
Hindi niya ako kinibo. Ano ba 'yan! Napaka-snob niya namang tao! Tama nga sila, gan'yan ang epekto ng pagsasaulado nila ng mga revised penal code and constitutions! Tahimik siya. Halos 'di talaga ako kinikibo. Napasimangot ako.
"Salamat dito, ha! Na-threatened ba kita? 'Di ko na uulitin! Natakot lang ako!"
"Kung natakot ka, sana 'di ka nagpabaya ng mga missing activities at projects mo--"
Na-alarma ang kilay ko. Ayan, nagsasalubong na naman tuloy.
"Pinagsasabihan mo ba ako, ha?" Akma kong takutin siya.
Hoy! Wala kang karapatang pangralan ako Lenoxx Quezera! Kapal mo!
"I'll meet you later at the library. Exact 12 PM tayo." Binalewala niya 'yon.
Aba! Aba! Siya pa ang bumalewala sa akin? Pasalamat siya ay may atraso ako sakaniya! Napasimangot akong hinabol siya dahil 'di na niya ako hinintay!
"Hoy! Teka! Salamat dito, ha!" Napakamot ako sa batok ko. "Ano ba naman 'to! Bilis maglakad! Bahala ka na nga sa buhay mo. Basta salamat! Sa uulitin!" Dagdag kong pahabol.
Tinaas niya lang ang kanang kamay niya habang nagpapatuloy maglakad at tanging likod na lamang niya ang nakikita ko bago kumaway. Simple iyon at mabilis. Napanguso akong naiwan dito.
Bumalik na ako sa klase ako. Tulad ng inaasahan ko, nagkumpulan sila sa akin, nakiki-tsismis. Napasapo na lang ako sa noo ko. Dapat pala nagsabi na lang ako ng meet-up namin para 'di ako hassle ngayon! Hay, nako! Inu-usisa na nila tuloy ako!
"Huwag ka na ulit babalik sa department namin, ah? Dami pa lang nagkaka-crush sa 'yo ro'n! Baka mamaya magulat na lang akong may sasabunot sa buhok ko at kakaladkarin ako!"
Tahimik siya. 12 PM na at sumunod ako sa oras, late lang ng 5 minutes. Binagsak niya ang hawak niyang Criminal Law nang hindi ako tinitingnan. Napansin ko ang palihim niyang hikab bago kumurap-kurap.
"Ano? Kaya mo pa ba? Ayos pa, lodi?"
He looked at me silently. Tumango lang siya at nag-iwas tingin.
Una, kinausap niya muna ako kung sa'n ba ako nahihirapan. 'Di ko pa rin siya ma-gets kung paano niya nagagawang maintindihan ang major subject ko na gano'n kadali habang ako ay parang ikamamatay 'yon. Diniscuss niya sa akin ang about sa income tax. 'Di ko alam kung may relations ba 'yan sa law.
Dere-deretso ang pagd-discuss niya sa akin. Nakapanghalumbaba akong tumatango-tango. Parang nagf-floating ang utak ko sa swimming pool sa sobrang lutang nito. Ano raw ulit? Ang bilis niya mag-explain! Ang hirap intindihin! 'Di na ako nagreklamo. Past is Past. 'Pag nakadaan na, 'wag nang babalikan o lilingunin man'lang. Mas lalong makakagulo sa isipan.
"Hindi ka pa nakaka-move-on sa ex mo three years ago? Bakit? Sino ba ang ex mo? Ilang taon ba ang tinagal niyo? Bakit hindi ka maka-move-on?"
Tahimik at wala masyadong tao. Class hours din kasi, kami lang yata ang vacant. Habang ang law students ay nasa court, siya itong kasama ako ngayon, ginagawa ang isang activity ko sa major subject.
BINABASA MO ANG
Escaping Rule of Waves
RomanceQUEZERA SERIES #1 Billiards. Balls. Strumming. Cookies. Chuckie. There is just one way to understand those words: Claudine. Claudine, an accountancy student, attempted to break free from the regulations set out by her father. She made an attempt to...