Kabanata 4

93 2 0
                                    

Kabanata 4

Kiss

"Kada meet up natin dapat palihim p'wera na lang siguro t'wing tutor time natin na laging nasa library or somewhere else?"

Nasa harapan ko siya. Nakatungkod ang kaniyang siko sa mesa habang ang kamay naman ay ginagabayan ang ulo niyang sumasandal dito.

Panay ang scribble niya ng mga words sa diary notebook ko. Habang ako ay talak nang talak dito sa pwesto ko ay siya naman ay nakikinig lang at tumatango-tango tuwing hinihingi ko ang opinyon niya.

"Depende naman kung magd-date tayo or what-so-ever. Magd-date ba tayo?" I uttered, naive.

Umangat ang maamong mga mata niya sa 'kin.

His eyes is utter black. Ang bawat sulok ay malalalim ang pagkaka-tingin. Mahaba at matataas ang pilik-mata, at halos wala namang eyebags.

Fantastic! Isang student na lawyer ang program na walang eyebags!? Ano'ng sikreto n'an?!

"Of course..." He answered warily.

Dumeretso siya sa pagkakaupo ng tatalak na naman ako. Tapos na yata siyang magsulat. Nag-angat kilay ako bago nagpanghalumbaba at inagaw ang diary notebook ko sakaniya.

Pantay ang pagkakasulat ng letra. Tamang sukat ng bawat letra. Tamang punctuation marks. Ang ilang cursive na letra ay maganda ang pagkakaukit.

Napalunok ako.

"Ano ang word na 'to?" Nakataas kilay kong tanong sakaniya. Pagtingin ko naman sakaniya nang hindi siya sumasagot ay nakatitig lang siya sa 'kin.

"I'll be busy earlier because of my recit. Wala pa ako masyadong review. I hope you'd understand that as a girlfriend?"

Halos mabulunan ako sa sarili kong laway.

"S-Siyempre! Walang kaso sa 'kin 'yan!" I said awkwardly.

He nodded his head slowly as his eyes lingered on me. I furrowed my brow, he ended up shaking his head.

"You'll learn this words tomorrow during our session. Kung may alam ka nang mga words, you can jot it down beside the word." Aniya.

Tumango-tango ako sakaniya.

"I'll text you the time," he added.

Napalunok ako. "O-Okay!"

We agreed to that. Parehas kaming tahimik habang magkaharap sa mesa. Nakapanghalumbaba ako habang siya ay nagbabasa ng libro. Halos mag-nguso na lang ako sa pwesto ko habang pinagmamasdan siya. Minsang umaangat ang mata niya sa 'kin ay nagiiwas tingin naman ako.

"What do you want us as girlfriend-boyfriend?"

My eyes lifted on his observant eyes. Napabalikwas ako sa pagkakahalumbaba bago inayos ang kasuotan at hinarap siya ng masinsinan.

Yes! This is what I have been waiting for! Ba't ngayon lang siya nagtanong? My eyes rolled up.

"Simple lang..." Panimula ko.

His eyes lowered on me as he steady his posture to face me. Na-intimidate naman ako kaya inayos ko rin ang postura ko, pero sadyang mas matangkad siya kaya angat pa rin siya ng ilang sentimetro sa 'kin kaya kinakailangan kong i-angat ang mga mata ko para harapin siya.

"At gusto ko ay wala kang angal!" I smirked playfully to him.

His eyes shot up, seemingly questioning my last statement. Napalunok naman ako. Ilang sandali pa ay binabaan niya na ako ng kilay at napatango na naman bago sinarado ang makapal na hard cover na libro sa harapan niya.

Escaping Rule of WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon