Tenth Frequency

0 0 0
                                    

"... Afternoon tambayan with me, your DJ Happyness! And para dun kay Mr. Panyo na nakahanap pala sa panyo ng kapatid ko, I know she gave you a piece of secret sa akin so I hope nakilala mo na ako, ano? Kung hindi pa, good luck pa din~ and also, sa mga nakakilala na, paalala ko lang, shush lang talaga tayo ha? So! Balik sa segment..."

Bumuntong-hininga si Ryle nang marinig niya ang anunsiyo ng DJ at nangalumbaba sa mesa sa cafeteria.

"Ano na namang himutok mo, Rylandro?" tanong ni Garrett sa kanya dahil katulad ko, nag-alala din siya sa kalagayan ng kaibigan namin.

"Wala na... Wala na akong pag-asa sa DJ ng buhay ko..." sagot niya kaya naman tiningnan ko siya at inabutan ng yakult ko.

"Habang nandiyan pa si DJ Happyness, wag ka mawalan ng pag-asa," usal ko tiningnan ko din si Garr, "Malay mo maging kayo."

Napailing na lang si Garrett bago tinutok ang sarili sa pagkain.

Hindi dahil sa kay Ryle. Kundi dahil alam niyang gulo ang mangyayari kapag malaman ni Ryle ang kung anong nalalaman ko.

Miss School DJ, Can I Make A Request?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon