Chapter 40

415 13 3
                                    

Chapter 40

Dahil sa sobrang kalasingan ay buong maghapon na tulog si Abraham. Mabuti nalang at dumating ang mga pinsan niya para buhatin ito at ilagay sa kaniyang kwarto. Tuluyan na kasi itong nakatulog habang yakap-yakap ako kanina.



Hindi ako umalis ng bahay nila, iyon kasi ang sabi sa akin ni Muse, baka raw kasi magwala nanaman ang Kuya niya kapag nagising itong wala ako. I didn't know that Abrhama can do that kind of stunt, I can't imagine him being violent, pero sabagay marami akong hindi alam sa kaniya, sa kanila. At wala rin naman akong balak umalis.





Hinayaan ako ni Muse na punasan si Abraham at bihisan, but of course it's a bit awkward, hindi na bago sa akin na makita at mahawakan ang katawan ni Abraham pero nakakailang padin. Lubos nga ang pagpapasalamat ko nang matapos na ako sa pagbibihis sa kaniya. Iniwan kasi ako ni Muse mag-isa sa kwarto ni Abraham, na hindi ko alam kung ikakasaya ko ba o hindi 





"Bakit ka pa nandito kung ikakasal ka na pala sa iba?"



Napatigil ako sa paglalakad nang may marinig akong boses mula sa aking likuran. Bibit parin ang tray na may laman na tubig at gamot ay hinarap ko kung sino man ito. It's Nicolette.





Alanganing ngumiti ako sa kaniya. "H-hi, ahm, hindi na tuloy ang kasal namin ni Laxus, Nicolette."





Tumaas ang isang kilay niya. "You pronounce my name wrong, Miss Gutierrez. It's Ni-ko-ley not Ni-ko-lit."





Napaawang ang mga labi ko dahil sa sinabi niya, napakurap-kurap pa ako. Hindi kami madalas mag-usap, kaya naman di ko alam na totoong masungit pala siya. At ang tawag ng karamihan sa kaniya ay Nic kaya di ko kabisado ang paraan ng pagbigkas ng pangalan niya. Lalo pat nababasa ko lang ang buong pangalan niya sa mga tarpulin o sa billboard ng school noon, hindi naririnig. No one calls him by his full name back then, just Nic Ashely.






"S-sorry, hindi ko alam." Nahihiya kong sambit habang mamula-mula na ang mukha dahil sa hiya. "Hindi na tuloy kasal namin ni Laxus, wala nang kasalang magaganap."




Tumaas ng kunti ang isang sulok ng kaniyang mga labi. "If you're not, then take that ring off. We don't want my dear cousin to cry again, do we?"




Nagmadali naman akong tanggalin ang singsing na suot ko, mabuti nalang at may bulsa ang gamit kong shorts kaya dito ko na ito nilagay. Akala ko ay umalis na si Nic, pero nanatili pala ito sa aking harapan at pinapanood parin ako.




Nakaramdam ako ng matindeng pagkailang, lalo pa at para niya akong sinusuri at hinahanapan ng deperensya sa paraan ng kaniyang pagtingin. Ilang minuto pa bago siya bumuntong hininga at humalukipkip.



"I may seem not like it, but I hate the sight of my cousins crying, Miss Gutierrez. And I won't be nice if this situation will happen again, kahit pa mahal ka ng pinsan ko." Seryoso netong bigkas.




My eyes widened a bit, di ko maiwasang makaramdam ng kaba dahil sa dilim ng itsura niya. Hindi naman matalim ang pagkakatingin niya sa akin, sa totoo ngay blanko lang ito pero nakakatakot. Nahihimigan ko talaga ang pagbabanta rito, banta na hindi dapat balewalain.





Our talk was interrupted by her wife, Kezia. And I am elated because she did, mukha kasing wala akong balak tantanan ng banta ni Nic. He looks so prepared to give me a speech of warning, mabuti nalang at dumating ang asawa neto. 






Dahan dahan kong isinara ang pinto ng kwarto ni Abraham, he is still sleeping. My every step is cautious, not wanting to disturb his peaceful sleep. Ang sabi sa akin ni Muse ay hindi ito kailanman nakatulog ng maayos simula ng umalis ako, naglalasing lang ito o di kayay laging nakamukmok sa trabaho.




He never Cried (ASHLEY 8) ☑Where stories live. Discover now