Kay Wattpad Ko na lang Sasabihin

164 2 0
                                    

"Hello". Isang salita, isang mensaheng galing sa kanya. Isang simpleng hello lang pero pakiramdam ko bumalik ulit lahat. Mixed emotions na may saya at mayroon ding pait. Bakit ganun akala ko nakapagmove on na ako pero isang hello lang galing sa kanya pakiramdam ko ung 10% na lang na pagmamahal ko sa kanya bumalik na kagad sa 90%. Ano pa kaya kapag sinabi niya sakin na mahal nya pa rin nya ako. Kapag sinabi nyang ako pa rin hanggang ngayon ang mahal nya. Ano na? Ano ng mangyayari sa puso ko.

Yung isang simpleng hello mula sa kanya ay nasundan pa ng isa, ng isa pa at ng isa pang mensahe. Hanggang hingin nya ang cellphone number ko. Nung una hindi ko alam kung ibibigay ko pa ba o hindi na. Dapat ko pa ba syang papasukin sa buhay. Bibigyan ko pa sya ng pagkakataong makatuloy sa puso ko. Puno man ng tanong ang isip ko. Nanalo pa rin sa pagpapasya ang puso ko. Namalayan ko na lang na pinipindot ko na ang mga numero na bumubuo sa cellphone number ko.

Ang mga sumunod na araw ay napuno ng saya. Pakiramdam ko mapupunit na ang labi ko sa sobrang ngiti. Ito pala yun. Ganito pala ang pakiramdam ng nagmamahal. Pakiramdam ko nakalutang ako sa hangin. Pakiramdam ko wala akong problema, masaya lang. Ang mga mensahe mula sa yo ang bumuo sa araw ko. "I miss you", iyan ang parating sinasabi mo sakin. Kinikilig ako fishtea. Hindi ko alam ang isasagot ko. Parehas tayo ng nararamdaman. Ganoon din ang nilalaman ng puso ko. Namimiss na kita sobra-sobra. Pamula ng araw na yun ay hinangad na kitang makita at makasama. Gusto kong makita ang mukha mo at ang ngiti sa labi mo. Gusto kong pagmasdan ka at titigan ka sa maghapon. Alam kong hinding hindi ako magsasawa. Mahal kita, mahal kita noon pa man.

Ang pagpapalitan natin ng mensahe ay nagpatuloy. Akala ko hindi na matatapos ang ligayang nararamdaman ko. Inaabot pa tayo ng madaling araw sa dami ng ating pinag-uusapan. Pero isang araw natapos na lang ang lahat. Hindi ka na nagpapadala ng mensahe at hindi ka na rin nagpaparamdam. Nasasaktan ako kasi pakiramdam ko iniwan mo na naman ako. Pakiramdam ko kinalimutan mo na ako.

Hanggang isang araw habang naglalakad ako sa mall nakita kita. I mean, nakita ko kayo. Masaya kayong nag-uusap habang naglalakad. Habang magkahawak pa kayo ng kamay. Ang sakit, pakiramdam ko pinupunit yung puso, sumisikit yung dibdib ko at hindi na ako makahinga. Agad akong lumisan sa lugar na yun. Naglakad ako palayo sa inyo. Gulong- gulo ang isip ko at sakit-sakit na ng puso ko. Ganito pala ang feeling na mabroken hearted. Ito pala yun. Akala ko matatakasan ko to. Akala ko maliligtas ako sa sakit na dulot nito. Pero hindi pala, mararamdaman at mararamdaman ko rin pala. Sayang, nasayang lang. Ano tong nagawa ko? Sinaktan ko lang sya at sinanasaktan ko lang ang sarili ko.

Naalala ko pa ang mensahe nya sakin. "Hello". Makalipas ang tatlong taon. Naalala niya ako. Ang saya-saya ko kasi ibig sabihin nun naiisip niya pa rin ako. Ibig sabihin baka may pag-asa pa ako. Baka may pag-asa pa kami. Baka mahal nya pa rin ako.

5 years ago, Nagtapat sya ng nararamdam niya para sakin pero tinanggihan ko sya at sinabi ko pang may gusto na akong iba. Sinabi ko iyon sa yo para di ka na mangulit pa. Natatakot ako na baka kulitin mo pa ako at madulas ako at masabing gusto rin kita. 4 years ago "Kamusta ka?", yan ang tanong mo sakin, gusto ko sanang sabihing "Ito ok lang naman, miss na miss na kita" kaso pinangunahan ako ng pangamba kaya naman tanging yung apat na unang salita lang ang naisagot ko sayo. Kagaya noon muli mo akong tinanong, muli mong ipinahayag sakin ang nararamdaman mo pero kagaya rin nung una. Hindi pa rin nagbago ang sagot ko. Hindi ba, hindi naman dapat minamadali ang ganoong klaseng bagay. At di ba nga, kung tayo talaga ang para sa isa't-isa tayo talaga?

Lumipas pa ang mga taon, isa , dalawa, tatlo. "Hello". Nagulat ako ng biglang lumabas ang pangalan mo sa mga messages ko sa app na may logo na kulay asul at may letrang 'f'. Natuwa ako at kasabay din nun ang pagpatak ng mga luha ko kasi pakiramdam ko ito na yung tamang pagkakataon. Yung tamang pagkakataon para sa ting dalawa. Pero mali ako eh kasi nahuli na ata ako. Ang unang bumungad sakin ng mahanap ko ang profile mo ay ang larawan mo kasama ang isang babae. Nagpatuloy pa ako sa pagbabasa at nakita ko pa ang mga post niya para sayo. Mahal na mahal ka niya. Nadudurog yung puso ko, ang sakit. Pero kahit ganun binigyan ko pa rin ng pag-asa ang sarili ko kahit malabo. Malabo na, na magkaroon ng tayo.

Gumawa pa nga ako ng paraan para kuhain mo ang number ko. Sinabi ko pa sayo na may posibilidad na magkakaroon sa school namin ng activity na tungkol sa hilig mo. Kaya naman agad mong hiningi ang cellphone number ko para makabalita ka. Ang galing ko di ba? dahil dyan may pag-asa na ulit na mapalapit tayo sa isa't-isa. "I miss you", isa rin yan sa mga sinabi mo sakin. Masaya na ko eh kaso may kasama pang yang friend. " I miss you friend ", yan yong eksaktong sinabi mo. Kaibigan, kaibigan na lang ba talaga ang tingin mo sakin. Hanggang dun na lang ba. Wala na ba talaga.

Kung masakit sa mensahe ano pa kaya ang makita kayong masaya sa personal. Buti ka pa nakamove-on kana. Eh ako pano na ako. Akala ko pa dati pagdating sa love ang pinakamasakit ay yung lokohin ka at iwanan ng boyfriend mo. Ang ipagpalit sa iba at ang iwanan sa ere. Kaya naman mas pinili kong hindi maging tayo pero nagkamali pala ako dahil may mas masakit pa pala dun at yun ay "nasa iyo na pero pinakawalan mo pa".

Hindi ko man lang nasabi sa kanya yung nararamdaman ko. Hindi man lang nya nalaman. At siguro nga mas tama na yung ganito. Yung ako na lang yung nasasaktan kasi pinili ko to. Sana maging masaya sila. Sana tumagal pa sila.

Agad akong tumalikod bago pa pumatak ang luha ko. Kinuha ko ang phone ko at pumunta sa app na may logo na W. Pinagpatuloy ko na yung sinusulat ko.

~Wattpad, secret lang natin to ha. May aaminin ako sayo, Mahal ko rin sya. Hanggang ngayon mahal ko pa rin sya.

Kay Wattpad Ko Na Lang SasabihinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon