Third Chance

192 0 0
                                    

"Anne, ang baliw mo". Yan kagad ang bungad sakin ng kaibigan ko.

"Bakit ano na namang ginawa ko?" agad kong tanong sa kanya kasi naman umagang-umaga yan kaagad yung sasabihin niya sakin. Idagdag mo pa yung katotohanang napuyat ako kagabi. Kasi may ginawa ako, may sinulat este tinype pala.

"Bakit ginawa mong baliw at ilusyunada yung babae dun sa kwento mo? Alam kong hindi naman yun ang totoong nangyari. Alam nating pareho na hindi yun ang nangyari. Bakit ang dami mong binago? " pasigaw niyang sabi sakin na akala mo siya yung bida dun sa story na ginawa ko na hindi nagwakas sa isang happy ending.

"Ano ka ba ayos lang yun. Pinag-isipin ko kayang mabuti ang mga sinulat ko dun. Hayaan mo syang maging baliw. Haha katulad ko lang naman sya."

Tama katulad ko lang naman sya na baliw. Baliw sa pag-ibig, fishtea ang tagal na pero andito pa rin. Nararamdaman ko pa rin yung sakit. Hindi pa rin ako makapagmove-on dito sa nararamdaman ko. Natatawa pa ko dati dun sa idea na, ako di makakapagmove on eh ang dali-dali lang naman nun. Ang kailangang lang ay maglakad ako pauna. Di ba mas mahirap maglakad ng paurong kaysa paunahan. Eh di madali lang magmove-on. Ang baliw ko para ikumpara ang pagmomove-on at paglakad sa ganoong paraan.

"At isa pa pinublish mo kagad yun eh wala namang dating yung story. Puro hashtag hugot mo lang yun at ka-emohan. Naku ganoon ba ang pinag-isipan ng mabuti. Tapos di mo man lang ginawang happy ending feel mo talaga maging emotera hanggang sa huli." Kung hindi ko lang mahal tong kaibigan ko na to baka nasipa ko na to papuntang Pluto o hindi kaya palabas ng milky way galaxy. Lait-laitin ba naman yung story ko. Sabagay mas mabuti na yung ganito kaysa naman sa backstabber di ba? Kaya mahal mahal ko to eh kahit ganito sya.

" Ikaw na si author, ikaw na. Mas marunong ka pa author eh. Alam mo kung gusto mo ng story na may dating para sayo atsaka may happy ending. Bakit hindi ka na lang gumawa ng sarili mong story? Atsaka I'm writing to express not to impress." Gusto ko lang naman ipakita at sulatin kung ano mang nararamdaman ko. Outlet ko to eh.

" Ok naiintindihan ko na, hehe nagbibiro lang naman ako. Atsaka alam mo namang mas gusto ko yung tagabasa lang ako kaysa tagasulat. Pero dun sa story mo sigurado ka na ba talaga na kay wattpad mo na lang sasabihin. Wala ka ba talagang balak na sabihin sa kanya. Hindi mo man pa rin ba ipaglalaban yung nararamdaman mo. " natamaan ako dun sa sinabi nya. Pero ano pa bang magagawa ko eh nagawa ko na. Nasaktan ko na siya. May magbabago pa ba kung aamin ako. May magbabago pa ba kung sasabihin ko. Baka wala na. Huli na ata ako eh.

Baka, ata. Wala pa ngang kasiguraduhan at hindi ko malalaman ang kasagutan hangga't hindi ko sinusubukan.

Kay Wattpad Ko Na Lang Sasabihin~ link
http://www.wattpad.com/story/34149643-kay-wattpad-ko-na-lang-sasabihin

Third ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon