First

57 0 0
                                    

Ilang beses na akong nagpagulong-gulong sa kama ko kaiisip kung ano nga ba ang dapat kung gawin. Hanggang ngayon kasi naguguluhan pa rin ako. May ipaglalaban pa ba ako. Lalaban pa ba ako o gagayahin ko na lang yung bida sa Kay Wattpad Ko na lang Sasabihin..

Kaso ang tanong ay kaya ko bang maging katulad noong bida sa kwento ko, kaya ko bang maging masaya para sa kanila? Kaya ko bang sabihin sa kanila na 'sana magtagal pa kayo' o di kaya 'sana kayo na hanggang sa huli'? Siguro nga kaya ko yong sabihin sa kanila basta ba habang ginagawa ko yun eh nakacross fingers ako. Pero kung labas naman sa puso este sa ilong ko yung sasabihin sa kanila. Eh di sana hindi ko na lang din sinabi. Hindi ko na lang sila kakausapin kung ganoon. Kasi naman niloloko ko na sila tapos niloloko ko rin lang ang sarili ko. Ano to, lokohan to the left, to the right.

Pero sa punto ng buhay ko ngayon, sa tingin ko hindi ko pa talaga kaya. Hindi ko pa yun kayang sabihin ng walang halong pait at panghihinayang.

Masama na ba akong tao kasi hindi ko kayang maging masaya para sa kanila. Na hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung posibilidad na balikan niya ako, na mamahalin niya ulit ako, na sana ako na lang ulit. Di ba First Love Never Dies, ako yun eh. Ako yung una niyang minahal. Kaso sinaktan ko lang naman siya. Inireto ko sya sa iba, itinulak ko sya palayo sakin. Sinabihan ko siyang magmahal na lang ng iba. Tapos ngayon na may iba na sya, saka ko naman sya gustong bawiin. Fishtea bakit ba kasi ang gulo ng isip ko? Bakit ang gulo ng puso ko? Siguro sasabihin niyo sakin na ang t*nga ko. Pero wag na rin kayong mag-abala pa dahil maraming beses ko na rin yang nasabi sa sarili ko. Ang t*nga ko. Ang t*nga-t*nga ko kasi nasakin na pero pinakawalan ko pa. Mahal niya ako at ang tanging kailangan ko na lang sabihin ay mahal ko rin siya kaso hindi ko pa nagawa. Handa naman akong tanggapin lahat ng masasakit na salitang sasabihin niya sakin. Handa naman akong tanggapin kung ano mang magiging desisyon niya. Alam ko ring wala akong karapatang humingi ng ganito pero  ang tanging gusto ko lang ngayon ay closure, closure para dito sa nararamdaman ko at para naman masabi ko man lang din sa sarili ko na hindi ako naging t*nga hanggang sa huli. Para naman magkaroon na ng sagot yung mga tanong sa isip ko? Para malaman ko kung aasa pa ba ako o kailangan ko na talagang tigilan to kasi huli na ako. Gusto ko ng matapos tong 'pain and regrets'. Gusto ko ng wakasan to. It's now or never.  Sa tingin ko, handa na ako. Sasabihin ko na sa kanya 'tong nararamdaman ko.

Third ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon