Umuulan na pero wala pa rin siya. Mahigit dalawang oras na akong naghihintay dito sa park pero wala eh. Siguro nga hindi na sya interasadong malaman pa ang sagot. Siguro hindi na yun importante sa kanya, wala nang halaga kumbaga. Masaya na siguro siya. Sabagay matagal na rin nga pala. Marami ng nagbago. Kaya hindi na rin siya nag-abala pang pumunta dito.
Kagabi matapos kung pagpasiyahan na linawin na ang lahat-lahat sa kanya ay agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan siya. Sa unang ring pa lang ay agad ko na rin itong ibinaba. Nais ko lang kasing masiguro na ginagamit pa rin niya ang number na yun bago ako magpadala ng mensahe sa kanya. Sinabi ko doon na puntahan niya ako sa park malapit sa bayan, alas-kwatro ng hapon pero pasado ala-sais na ngayon. Ang dilim pa ng kalangitan at bumubuhos ang napakalakas na ulan. Pakiramdam ko nakikiramay sa nararamdaman ko ang langit. Nararamdaman niya rin kaya yung lungkot sa puso ko. Siguro nga nagiging sobrang madrama na ako. Pero yun talaga ang nararamdaman ko ngayon at alam ko na ilang sandali na lang at kasabay ng pagbuhos ng ulan ay papatak na rin ang mga luha ko.
"Anne" narinig kong tawag ng isang lalaki mula sa likuran ko. Yung boses niya bahagya ng lumagong kaysa noon. Pakiramdam ko napako ako sa kinatatayuan ko. Ilang sandali pa ay muli niyang binigkas ang pangalan ko. Doon na bumalik ang sistema ko at nagawa kong lumingon sa kanya. Nakita ko siyang basang-basa at napagtanto ko na sumulong sya sa ulan. Agad akong lumapit sa kanya at idinampi yung panyo ko sa pisngi niya.
"Bakit nagpakabasa ka sa ulan? Bakit hindi ka man lang gumamit ng payong? Anong akala mo sa sarili mo waterproof? Paano kung magkasakit ka?" dire-diretso kong tanong sa kanya at nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko na noon ay nasa may pisngi niya.
"Bakit hindi mo ako sinagot dati?" tanong niya sakin at madali mo ring mahihimigan ang lungkot sa boses niya. Natanong ko na rin ng paulit-ulit sa sarili ko kung bakit hindi ko nga ba siya sinagot? Bakit hindi ko man lang siya nagawang bigyan ng pagkakataon na patunayan sakin yung nararamdaman niya. Hindi ko magawang sagutin ang tanong niya kasi kahit ako, hindi ko rin alam ang pinakang dahilan kung bakit.
"Sabi mo, sasabihin mo sakin ang sagot sa tanong ko sa yo dati kapag pumunta ako dito. Anne pinaglalaruan mo lang ba ang nararamdaman ko?" may himig ng hinanakit sa tono niya. Tumulo na ang luha ko sa pahayag niya sakin.
"Mahal kita at hindi ko kayang paglaruan ang nararamdaman mo. Pasensiya na kung hindi ko masagot kaaagad ang tanong mo. Kahit ako kasi hindi ko rin alam kung ano nga ba ang sagot. Ang alam ko lang hindi dahil hindi kita gusto kaya hindi kita sinagot. Hindi rin iyon dahil sa wala akong nararamdaman para sa yo at lalong hindi yon dahil sa may iba na akong mahal. Nagsinungaling ako sayo noon tungkol sa nararamdaman ko para sa yo. Bago lang ako sa mga ganito, sa ganitong pakiramdam. Napakamanhid ko dahil hindi ko agad nalaman na nagmamahal na pala ako. Pasensiya na kung nasaktan kita sa pagtangi ko sayo ng paulit-ulit. Hindi pa kasi ako handa. Hindi pa akong handang hawakan ka."malungkot kong sagot sa kanya. Hindi ko siya kayang paglaruan. Hindi-hindi dahil masyado ko siyang mahal para paglaruan ang nararamdaman niya.
"Anne, Hindi ka pa handa yun lang ang sagot. Sana sinabi mo sakin. Handa naman akong maghintay para sayo. Sayang Anne, sayang." sabi niya sakin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya pero umaasa ako na magiging ok pa rin lahat.
"Pero maayos pa naman natin to di ba? Mahal mo pa rin naman ako. Ako pa rin naman di ba? puno ng pag-asa kong tanong sa kanya kahit hindi ako sigurado. Kahit malaki ang posibilidad na hindi na. Pero ang nararamdaman hindi naman yung totally nawawala di ba? Pwedeng mabawasan pero andun pa rin. Kung minsan nga akala mo wala na pero noong makita mo ulit siya. Nalaman mong meron pa pala. Nagpahinga lang yung nararamdaman mo. Hindi naman pala ito nawala. "Hindi pa naman huli ang lahat hindi ba? May pag-asa pang magkaroon ng tayo." Isang yakap ang nakuha kong sagot mula sa kanya at bahagya na namang dumaloy ang mga luha ko. Ngunit sa pagkakataong ito hindi na dahil sa lungkot kung hindi sa saya dahil sa mga salitang binitawan niya."Mahal pa rin kita Anne. Sayang noon sana tayo na."
"Anne, Gumising ka na handa na ang agahan. Bumangon ka na diyan." Bahagya kong minulat ang mata ko dahil sa makailang tapik na natanggap ko. Nagulat ako ng makita ang mukha ng kaibigan ko.
"Bakit? Anong nangyayari? Asan na siya?" sunod-sunod kung tanong sa kanya. Doon ko lang din napagtanto na panaginip lang pala ang lahat. Andito pa rin ako sa kwarto namin. Siguro pagkatapos kung i-send sa kanya ang mensahe ko kagabi ay hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako. Pakiramdam ko totoo lahat ng nangyari sa panaginip ko. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti sa ideyang mahal niya pa rin ako.
"Anne, ang dami mo namang tanong samantalang kagigising mo lang. Naku ano ba yang napanaginipan mo o di kaya ang mas maganda palang itanong ay sino ba yang napanaginipan mo?" may panunuksong tanong niya sakin. Sabagay kahit ako siguro kung maabutan ko siyang ganito sa umaga panigurado kukulitin ko rin siya para malaman kung ano at sino ang napanaginipan niya. Pero mas gusto kong sarilihin na lang muna iyon. Mamaya na lang ako magkukuwento sa kanya kapag nagkita na kami noong taong napanaginipan ko at kapag nangyari na ng totohanan ang panaginip ko.(crossed fingers)
BINABASA MO ANG
Third Chance
NouvellesNasayang na yung first chance pati na rin ang second chance. Makakaya ko pa bang sayangin tong THIRD CHANCE.