Chapter 5

22 7 1
                                    

Wyath

Hindi pa man bumubukas ang pinto ng elevator sa gusaling tinutunton nito ay agad ko ng pinindot uli ang buton ng gusali kung saan ko siya nakita. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin ngayon. Kung bakit balisa ang mga paa ko, kung bakit atat ang kamay kong pindutin iyon, kung bakit ako kinakabahan at mas lalong hindi ko alam kung bakit tila ba gusto-gustong makita ng mga mata ko ang mukha niya.

Ang mukha ng babaeng ilang gabing nagpahirap saking makatulog.

Ang mukhang maging sa panaginip ay kita ko.

Sinubukan kong pigilan ang sarili ko. SINUBUKAN KO. Ngunit nabigo parin ako dahil tila ba may sariling isip ang katawan ko at piniling bumalik sa lugar na iyon.

Trina-traydor ako ng sarili kong katawan.

-
Ilang minuto lang ang lumipas ng  bumukas na ang elavator.

Agad naman akong lumabas at ginala ang paningin ko.

Nagbabakasakaling makita ulit ang mukhang niya.

Habang malikot na sinusuri ng mga mata ko ang lugar, panay rin ako sa kakalakad.

Tingin dito, tingin dun, lakad dito, lakad dun. Yan ang ginawa ko sa loob ng halos labing-limang minuto. Halos maikot ko na rin ang kabuuan ng floor subalit ni anino niya ay hindi ko makita.

Am I hallucinating? Litong tanong ko sa sarili ng mapagtantong baka guni-guni ko lang iyon.

Pero, ang pares ng mga matang yun, ang blankong mukha at walang emosyong titig na yun. Sigurado akong siya yun.

SIYA YUN.

But why I can't find her?

Niloloko lang ba ako ng mga mata ko?

-----
Jaiizyl

"Tulong! Tulong! Tulungan niyo kami!!" Malakas na sigaw ng isang lalaki habang hawak-hawak ng babaeng may tama ng baril sa tagiliran.

Ang lakas ng pagkasigaw nito ang nagpalingon sakin sa kinatatayuan nila.

Kapapasok lamang nito habang akay-akay ang babaeng wala ng malay. Namumutla ito at pawis na pawis ang mukha na nahaluan narin ng luha.

Hindi ko paman naiinom ang kapeng hawak ko ay walang ano-ano na akong tumakbo sa kinaroroonan nila.

"Doktora! Doktora! Tulungan niyo kami." Pagmamakaawa ng lalaking ngayon ay mahigpit ng nakahawak sa suot kong coat.

Hindi paman ako nakakasagot, dumating na ang ilang nurse na may dalang stretcher. Dali-dali naman namin itong nilipat at dinala sa operating room.

-
Lampas alas-onse na ng matapos ako sa operasyon. Delikado na ang lagay ng babae kanina dahil marami na ang dugong nawala rito hindi paman ito naisusugod ng Ospital. Ganunpaman, mabuti nalang at may stock kami ng dugong tugma sa kaniya.

Dalawang bala ang nakabaon sa katawan ng babae. Ang akala ko kanina ay sa tagiliran lang ang tama nito dahil yun lang naman ang nasipatan ng mata ko, pero nagkamali ako dahil mayroon din pala sa hita. Mabuti nalang at hindi mismo ang femoral arteries ang tinamaan dahil kung nagkataon. Hindi ko alam kung swe-swetihin pa siya.

Pagkatapos ng operasyon ay agad din naman itong inilipat ng ICU. Ganundin ako na agad ring bumalik ng opisina para tapusin ang ilang trabahong naiwan ko kahapon.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng ilang papeles ng bumukas ang pinto.

"Doctor Jaii? Kumain kana?"

Hindi ko na kailangan pang iangat ang tingin ko para malaman kung sino ito, dahil sa apat na taong nakakapasok sa opisina ko. Siya ang may pinaka-matinis na boses sa kanila.

"Oo" Marahan at mabilis kong sagot habang inaayos parin ang ilang dokumento sa harap ko.

"Mabuti naman!"Masiglang sabi nito."Akala ko kasi mag-i-skip ka na naman eh. Anong oras na kaya."

"Kanina pa 'ko kumain."

"Kaya nga. Mabuti yan. Ipagpatuloy mo yan doctor Jaii ah?"

Hindi paman ako nakakasagot ng magsalita uli ito.

"Ay nga pala, labas tayo sa friday doktora. Treat ko." Masayang alok nito.

Bigla akong natawa sa sinabi niya.

"Bakit friday pa?" Natatawang tanong ko.

"May lakad kasi kami ng pamilya ko bukas. Wedding anniversary nina Mama eh. Pero kinabukasan tayo naman ang lalabas. Ayos ba?"

"Anong petsa ba ang friday?" Tanong ko habang nasa mga dokumento parin ang mga mata.

"Friday? Ay...ano nga ba?" Tanong nito sa sarili ng mapagtantong hindi rin niya alam ng petsa. "Sandali check ko lang." Nakangiting sabi niya sabay kulikot sa telepono.

Ganun parin ang ginagawa ko. Tahimik lang at hinihintay siyang magsalita.

Wala naman siguro akong gagawin sa biyernes.

"July 9" Nakangiting sabi nito dahilan para matigilan ako.

July 9? Wala sa sariling tanong ko sa sarili

Kaya pala.

ᜑᜑᜑᜑ

Your votes and comments are highly appreciated 🖤

Embracing Her (ON-GOING)Where stories live. Discover now