Chapter 43

6 5 0
                                    

Callif

For nearly five years. I lived my life in darkness and loneliness, contrary on what people around me thought.

They all thinking that I lived my life happily since that I have the life that everyone would wish for. Money, Power, everything. It is an almost perfect life. But behind those things, My world is a actually a mess.

Araw-araw lagi akong pinapatay.

Pinapatay ng tanong kung bakit hindi ko siya ipinaglaban?

Kung bakit ang duwag ko?

Kung bakit ko siya iniwan?

Kung bakit ko siya binitawan?

Nasasaktan ako sa tuwing naaalala ko ang mga pangarap na sabay naming binuo.

Nasasaktan ako sa tuwing naiisip na kailangan kung umabante ng hindi siya kasama.

Nasasaktan akong isipin na wala siya sa tabi ko nung mga panahong siya lang ang makakapagpakalma sakin.

Hindi ko alam kung bakit mas pinili kong bitawan siya sa halip na ilaban.

Pero may pagpipilian ba 'ko?

Wala.

Dahil kung meron, mas piliin kong mamatay kaysa ewan siya.

Mas pipiliin kong mawala sakin ang lahat sa halip na bitawan siya.

Mas pipiliin kong kamuhian ako ng mundo, makasama lang siya.

Dahil nang mga oras na humakbang ang paa ko palayo sa kaniya,

Doon na 'ko nagsimulang mamatay.

Doon na nagsimulang lamunin ng kadiliman ang buhay ko.

Doon na unti-unting nasira ang mundo ko.

--

5 years ago

"Senator Selvero, totoo po bang tatakbo kayo sa eleksyon ngayong taon?"

Dagsa ang mga reporter sa isang hotel sa Las piñas ng dumating ang pinakamatunog na pangalan ng politikong tatakbo daw sa pagkapangulo ngayong taon.

"Marami pong nagtatanong kung ano daw po ba ang nag-udyok sa inyong tumakbo sa pagkapangulo?"

"Ang sabi niyo sa isang interview niyo 7 years ago ay wala kayong balak sa posisyon. Kaya ano pong nagtulak sa inyo sa desisyon niyo ngayon?

Sunod-sunod ang tanong ng mga reporter rito habang pigil naman ang mga body guards nitong hindi ang mga ito tuluyang makalapit sa senador.

Nasa late 40s na ito at hindi makakabuti sa kaniya ang masyadong masikip at mainit na lugar gayun pang may iniinda narin itong primaryang karamdaman.

"I'll call a press conference tomorrow. There I'll answer all your questions. Thank You." Mabilis na agap nito na ngayon ay inaalalayan nang makapasok ng hotel.

----

"I'm getting married 2 weeks from now."

"What?" Gulantang na tanong nito habang wala sa sariling naibaba ang dokumentong hawak niya.

"Ang sabi ko ikakasal na 'ko dalawang linggo mula ngayon." Pormal na tugon ko habang taas noong sinalubong ang mga mata niya.

"Kanino? Sa batang yun? Sa anak ni Selvero? Nababaliw ka na ba?" Halos pasigaw na tanong uli nito na ngayon ay sinusubukan ng tumayo.

Embracing Her (ON-GOING)Where stories live. Discover now