SIMULA

141 6 0
                                    

"MGA KARAKTER"

 BLAKE YVES CALMET. Si Blake ay ang bampirang lubos ang pagmamahal sa mortal na si Chloe ang susunod na Hari ng Calmet Castle. 

 BLAZE YVAN CALMET. Blaze ang kakambal ni Blake sobra kung makasuporta sa kanyang kapatid sa kahit anong bagay.

CHLOE ANDERSON. Isang ordinaryong mortal na malaki ang paniniwala at paghanga sa mga bampira kung kaya madalas sabing "WEIRD." Ang babaeng nakabihag sa patay na puso ni Blake siya ang "Vampires Bride."

 VAUGHN CALMET . Si Vaughn Calmet ay ang Hari ng Calmet Castle mapagmahal na pinuno, asawa at ama. 

CHRISTOPHER ANDERSON. Si Christopher Anderson ay ang ama na kayang gawin ang lahat para lamang sa kanyang mag-ina.

AMETHYST CALMET. Si Amethyst ay ang butihing may-bahay ni Vaughn at Reyna ng Calmet Castle ay ina ni Blake at Blaze.

 ATHENA ANDERSON. Si Athena ay ang asawa ni Christopher na labis ang pagmamahal sa kanyang pamilya.

EGO. Ang tapat na kanang kamay ni Blake.

MIA. Ang matapat na katiwala nila Blake sa Calmet Castle at ang magiging matalik na kaibigan ni Chloe.

PROLOGO

"PAKAWALAN MO AKOOO!" Sigaw sa akin ni Chloe, napakasarap sa tainga pakinggan na tila mga musika ang mga sigaw niya sa aking pangalan. Ang tunog ng puso niya ay ay aking rinig at unti-unting bumibilis. Ang sarap niyang pagmasdan napaganda niya ang mga namimilog niyang mga mata ang unang mapapansin mo sa kanya.

"Chloe alam mo ba na napakaganda mong pagmasdan?" Tanong ko sa kanya na puno ng lambing. Itinaas ko ng bahagya ang kanyang mukha sa pagkakayuko sabay angkin sa mapupula nitong labi. "Napaka sarap talaga ng iyong labi napakatamis."

"Pwe! HUWAG MO AKONG HAWAKAN AT HALIKAN HALIMAW KA! KAYO ANG DAHILAN NG PAGKAMATAY NILA MAMA AT PAPA!" Pagkasambit ni Chloe ng mga katagang ito ay tumayo na ako at iniwan siyang mag-isa sa kwarto. 

THE VAMPIRES BRIDE (COMPLETED PUBLISHED UNDER UKIYOTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon