PANGATLONG KABANATA

37 3 0
                                    


BLAKE' S POV

Nandito na ako sa aking opisina ngunit hindi ko talaga malimutan ang matamis na halimuyak na taglay ng babeng aking nakita. Pinindot ko ang aking inter-com at tinawag aking sekretarya upang dalhan ako ng isang kupitang dugo upang mapawi ang uhaw na aking nararamdaman.

Pagkatapos akong dalhan ng aking sekretarya ay nilahad din nito sa akin ang schedule ko para ngayong araw.

"Sir Calmet, your schedule for today 3pm meeting together with the Board." At lumabas na pagkatapos.

Hawak-hawak ko ang kupita at pinaikot ang dugo na laman nito habang iniisip ko na ang aking nilalagok ay ang dugo niya na napakatamis.

___________________________________________________________________________

Lumipas ang mga oras nagising na din si Chloe upang maghanda papasok para sa night shift class niya.

"Ma, Pa aalis na po ako bye I love you." Sambit naman ng dalaga sa kanyang mga magulang.

Nasa tawidan na si Chloe papunta sa Unibersidad na pinapasukan at siya namang pag-uwi ni Blake. Kung kaya't nalanghap na naman ng binata ang halimuyak ng kanyang dugo. Nang makalayo na ang dalaga ay hindi na nag atubiling sundan ng binata kung saan ito papunta.

Nakita ni Blake ang taglay na kagandahan ng dalaga at mas lalo itong napa-isip kung ano ang misteryosong katauhan nito kung bakit ganoon na lamang ang interest niya sa dalaga. Kung kaya't kinabisa ng binata ang hubog ng katawan, tangkad, kulay ng buhok at ang itsura ng mukha nito.

Sa kabilang banda sa bahay naman nila Chloe ay napapa-isip ang kanyang mga magulang kung paano nila sasabihin sa kanilang anak ang katotohanan.

"Christopher ilang buwan nalang at kaarawan na ng anak natin. Hindi ko kayang mawalay sa anak natin." Sambit naman ng ginang sa kanyang asawa.

"Athena, patawadin mo ako kasalanan ko ang lahat ng ito." Hindi matanggap ng mag asawa ang katotohanan na malalayo na sa kanila kaisa-isa nilang anak.

"Hindi mo kasalanan ginawa mo lang naman iyon para mailigtas mo ang anak natin" Maluha luhang sambit ng ginang.

"Pinangako naman nila na pangangalagaan nila si Chloe at mamahalin ng tulad ng pagmamahal nila sa mga anak nila."

CHLOE'S POV

Mabilis na natapos ang klase namin nasa may pintuan na ako ng marinig ko ang pinag-uusapan nila Mama at Papa. Patungkol ito sa darating na debut at napahinto na lamang ako nang marinig ko ang sinabi ni Mama na ayaw niya ako malayo sa kanila. Bakit naman ako malalayo? Ano ba talaga ang tinatago sa akin ng mga magulang ko? Aalagaan ako katulad ng mga anak nila? Ang daming mga katanungan sa isip ko na gusto kong masagot.

"Ma, Pa ano yung pinag-uusapan niyo na malalayo ako sa inyo na aalagaan nila ako ?! Ma ano ba yon sabihin niyo sa akin yung totoo." Protesta ko.

"Anak, maupo ka muna at sasabihin namin sa iyo ng Mama mo." Si Papa na hindi maipinta ang mukha sa gulat.

"Anak ganito kasi, noong bata ka pa isang taon ka noon at sinugod ka namin sa Hospital dahil sa sakit mo na Leukemia halos mag-agaw buhay kana kaso kapos na kapos kami ni Mama mo hindi naming alam kung saan kami kukuha ng ipambabayad kaya lumapit ako sa isang kakilala ko ngunit may kapalit ang lahat ng iyon kung kaya ipinagkasundo ka namin ni Mama mo at sa pagsapit ng ika-labing-walong kaarawan mo ay ikakasal ka sa anak nila." Lintaniya ni Papa

"A-anak p-patawadin mo kami ng Papa mo n-naggawa lang naming iyon dahil gusto ka namin makasama ng Papa mo ng matagal." Naiyak pa ding sabi ni Mama.

"Mama, Papa ayos lang naman po sa akin naiintindihan ko kayo ginawa niyo lang naman yung tama para sa akin. Kaso sana sinabi niyo sa akin ng maaga." Niyakap ko sila mahal na mahal ko sila ma m-miss ko sila. Sino kaya yung papakasalan ko? Mabait kaya siya? Guwapo? Ngunit sa kabila ng aking mga katanungan di ko lubos na maisip na hindi ko na magagawang makalaya pa dahil sa kapalit ng buhay ko na isinalba ng taong pinagkakautangan ng mga magulang ko at hindi na ako makakapili pa ng taong gusto kong mahalin sa panghabang buhay.

Nakaramdam ako ng lungkot sa naisipang pwedeng maging mangyari sa mga susunod na araw.

THE VAMPIRES BRIDE (COMPLETED PUBLISHED UNDER UKIYOTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon