Kabanata 6

52 3 0
                                    

Kabanata 6

Kung ang pagtakbo ay isang tulay sa kasiyahan natitiyak ni Almira na siya ay walang hintong tatakbo patungo sa kaligayahan. Ang pakiramdam na makulong sa isang lugar na tila walang katapusang kalungkutan ay isang malaking pasilip na ang makatagpo ng kasiyahan. Hindi niya ito mahanap sa kahit anong regalo, abaniko, saya o alahas na panik luhod na inihahandog sa kaniya ng kaniyang pamilya. Hindi nito kayang pangitiin ng buo si Almira. Ni patawanin dala ng kasiyahan. Walang sinuman ang nakagawa at mukhang mananatiling misteryo ang makagagawa.

Kung ang kasiyahan ay madaling makamtan. Paulit-ulit na naitatanong ni Almira sa sarili kung bakit hindi niya ito makuha. Tila maging ang mga nagagandahang kupita, kubyertos, platito at kutsara sa hapag ay hindi nagdulot ng saya sa kaniya. Ang lamesa at upuan na mula pa sa espanya at gawa sa matibay na kahoy ay hindi rin nagtagumpay na pangitiin siya. Lalo ang lamesitang tila binurda pa ng sikat na mambuburda ng bansa. Hindi rin nagtagumpay ang mga batingaw na kaniyang naririnig na pumapaalingawngaw sa pangunahing silid kainan. Maging ang mga taong nagsasayawan ng balse ay hindi nakaagaw ng pansin ni Almira. Higit na hindi rin ang mga taong naghuhuntangan sa kaniyang harapan.

Nang gabi ng ika-3 ng Mayo na iyon napagtanto ni Almira na kailanman ay hindi siya magiging masaya kasama ang pamilyang kinamulatan na nabubuhay lamang sa pagkapit sa mga dayuhan. Mga dayuhang umaalila sa taong bayan. Isa ang kaniyang pamilya sa mga taong uwak na tumalikod sa kanilang bayang sinilangan. Bagay na kahit pagbali-baliktarin ni Almira ang katotohanan ay lulutang pa rin at aasingaw.

"¿Por qué estás tan tranquila Almira? ¿No se supone que debes estar disfrutando de la comida? Son todos tus favoritos!" (Why are you so quite Almira? Aren't you supposed to be enjoying the food? It's all your favorites!) Magiliw iyong pahayag ni Señor Murati bagay na nakapagbalik ng atensyon ni Almira sa hapag. Saglit siyang tumikhim bago sumagot sa tanong. Hindi niya nanaising masampal muli ng kapatid matapos hindi sumagot sa tanong ng Señor kagaya kagabi.

"Le pedí disculpas, señor César. Estaba fascinado con la idea de que todos ustedes prepararon mis comidas favoritas. Es un placer Señor." (My apologized, Señor Cesar I was just fascinated with the thought that you all prepared my favorites foods. Its a pleasure Señor.)

Pilit na ngumiti pa si Almira bago siya nagpatuloy sa pagkain habang muli namang bumalik ang palitan ng salita ng mga taong nasa hapag. Naroon ang kaniyang kapatid at ang Padre Sabrino na siyang kura paroko sa kanilang bayan. Kasama rin ang mga magulang at kapamilya ni Señor Murati na tila isa na itong hapag ng pamamanhikan. Naiinis man ay pilit na ipinilig ni Almira ang kaniyang ulo upang alisin sa isip ang bagay na iyon. Ngunit nang lumalim na ang gabi't matapos ang pagkain ng hapunan ay nagiba ang usapan.

"Entonces, ¿cuándo será la boda?" (So, when will be the wedding?) Iyon ang naging tanong ni Padre Sabrino na ikinatigil ni Señor Cesar sa kaniyang paginom mula sa may alak niyang kupita. Gayundin naman ay natigilan ni Almira sa kaniyang pagtulong sa nagliligpit ng kanilang pinagkainan.

"Padre Sabrino, ¿de qué estás hablando? ¡No hay boda para celebrar tan pronto! ¡Mi hermana y César se acaban de conocer estos últimos días!" (Padre Sabrino, what are you talking about? There is no wedding to be held so soon! My sister and Cesar,  just meet this past few days!) Tila natatawang turan ni Aurora. Isang bagay na hindi na masikmura ni Almira subalit pilit na nilulunok niya. Dahilan ng bigla niyang pagsalin ng alak sa kaniyang kupita at paginom niyon. Bago siya ngumiti't pilit na tinanggap ang ibinabato ng kapatid na tila isinusubo na siya sa taong hindi niya lubos kilala.

Sa puntong iyong pilit niyang kinapa sa kamay ang purselas na minana sa kaniyang lola. Bagay na nagiisang nakapagpapagaan ng kaniyang loob sa tuwing naiipit sa mga sitwasyong hindi niya masikmura. Subalit wala na ito doon, hindi na ito mahanap pa ni Almira. Doon na siya kinabahan.

Nasaan na ang kaniyang purselas? Kaninang umaga naman ay narito lamang iyon? Nasaan na iyon?

Doon na ni Almira napagtantong nawawala na nga ang purselas niya dahilan ng kaniyang pagtayo at maagang pamamaalam.

"Paumanhin, mga Señor at Señora. Mangyari lamang na ako ay mauuna na pong bumalik sa aking silid." Paunang paalam niya. Ngunit bakas sa mukha ng kaniyang kapatid na si Aurora ang disgusto sa kaniyang desisyon. Gayundin naman ang biglaang pagbabago ng masayang hapag. Ayaw man niyang maging bastos subalit ang purselas na iyon ay talagang mahalaga para kay Almira. "Nawawala ang aking purselas na pamana pa ng aking lola. Isa po iyon sa mga bagay na pinagkakaingatan ng aming pamilya." Nang marinig iyon ni Aurora ay agad siyang napatayo at napabaling ng tingin sa kapatid.

"Saan mo naman iyon naiwala Almira? Humayo ka na at hanapin iyon, madali! Uutusan ko ang ating mga taga sunod na tulungan ka sa paghahanap—"

Ayaw ni Almira na malaman ng kaniyang kapatid na ang purselas ay talagang hindi niya alam kung saan napunta dahil tiyak na higit sa sampal na ang magagawa nito sa kaniya.

"Huwag na po Hermana, ako na lamang po ang maghahanap sa aking silid. Natitiyak kong naiwan ko lamang ito doon o nahulog lamang iyon sa ilalim ng kama. Mauna na po ako." Hindi na hinintay pa ni Almira ang sasabihin ng mga ito bagkus ay lumakad na siya palabas sa bulwagan. Mabilis ang kaniyang kilos at talagang ninais na niyang tumakbo kung hindi lamang kabawasan iyon sa kaniyang isang binibini na nararapat kumilos ng may kahinhinan.

I M _ V E N A

Adios Por Ahora (Goodbye For Now)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon