CHAPTER 7

472 32 6
                                    

"Rene, please tell the butler to prepare a carriage." pag uutos ko rito.

"Pero my lady--" Hindi ko na siya pinatapos magsalita.

"Uulitin ko pa ba ang sinabi ko?" Tinignan ko pa ito ng matalim at mukhang nasindak naman siya.

"Good."

Lumabas naman na ako agad pagkatapos kong utusan si Rene. Pagkababa ko sa hagdan ay nakatingin ang ibang mga maids sa akin.

Bakit? Ano bang pake nila?

Hindi ko sila binigyan pansin o sulyap lamang. Dirediretso akong lumabas ng Manor at agad na nagtungo kung nasaan ang karwahe.

Naglahad naman ng kamay ang isa sa mga knights ng aking ama at tinanggap ko nalang ito.

Aarte pa ba ako? Hindi.

Sumunod namang sumakay si Rene sa karwahe dahil hindi pwede na lumayas akong mag isa. Laging may kasama. Sinulyapan ko pa ito saglit na naglihis ng tingin.

Nang makasakay na ako ng karwahe ay agad nang pinatakbo ng Coachman ang kabayo at nagsimula na kaming umalis.

Sa kalagitnaan ng biyahe, hindi ko maiwasan antukin o makaramdam ng pagka inip. Napatingin nalang ako sa bintana habang tanaw ang paligid.

Hah. Paano ba ako napunta sa sitwasyon na ito? Parang kailan lang noong matagpuan ako sa masukal na bahagi ng bayan.

Ang nais ko lamang ay mamuhay ng payapa. Wala akong pakielam kahit kanino. Wala din akong balak makipag agawan ng mga mamanahin sa aking mga kapatid.

Nakakainis isipin na iniisip nila na may interest ako sa kayamanan nila? Pwes, nagkakamali sila.

I have zero interest at all.

Kung gusto kong umangat, gagawa ako ng paraan ko. Ayokong umasa sa pamilya na ito.

Ayaw rin naman nila sa akin.

Gagawa ako ng sarili kong pangalan. Hindi ko hahayaan na may tatapak ng dignidad ko. Sawang sawa na ako na laging kawawa. Ayokong umabot sa puntong ipapakasal ako sa mayamang pamilya pero hindi ko naman mahal.

Wala akong pakielam sa pag ibig. Hindi ko hahayaan na may kumontrol ng buhay ko. Ako lang ang magdidikta sa sarili ko.

My goal is to survive in this cruel world. Because in this world, society is rotten to the core. Pati ang sistema.

Kaya malaki ang galit ko sa mga nobility. Hindi ko nilalahat. Pero some of them are the worst. They don't deserve to be a leader of this kingdom.

Naputol ang malalim kong pag iisip ng magsalita ang Coachman sa harap. Nakahinto na Ang karwahe mula sa 30 minutong pagbiyahe.

"Miss, andito na po tayo."

"Salamat." Tugon ko rito.

Sinulyapan ko si Rene. And I gave her a command to open the door and to accompany me to the Martifolla's Ducal.

Bumaba na kami parehas. At ang tanging una kong napansin ay Ang napakalaking Mansion sa harap ko at malawak na Hardin.

ECLEIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon