CHAPTER 8

378 36 10
                                    

Ilang araw na ang nakalipas mula noong mag usap kami ni Graciela. Sa mga nakalipas na araw pagkatapos noon ay wala na akong halos na tulog dahil kailangan kong matutunan ang lahat ng bagay na itinuturo sa akin ng mga Guro ko na inihanda ng ama ko para sa akin para sa pagpunta ko sa academia.

Gusto ko nalang magpahinga at matulog ngunit hindi pwede. Kailangan kong makaalis dito right away. Ayoko makita pa muli ang aking mga kapatid marahil ay maiinit din ang mga dugo nila sa akin.

Agad akong napatalon sa kama at niyakap ang mga mumunting unan. Ano ano pa ba ang dapat kong danasin para makamit ko ang kalayaan na inaasam ko?

I wonder.

Agad akong napadilat nang may kumatok sa aking silid at naputol ang malalim na pag iisip.

"Maaari po ba akong pumasok, binibini?" Pag aalinlangang tanong nito sa akin.

"Pasok." Matipid kong sambit dahil tinatamad ako magsalita.

Napahikab ako sa sobrang antok at napatingin sa labas nang bintana habang ginagayak ni Rene ang mga kagamitan ko.

"Malapit na po ang inyong karwahe papuntang academy, nais niyo po bang ayusan ko kayo bago ang inyong pag alis?" Magalang na tanong nito sa akin habang isa isa niyang pinapasok ang mga natitira kong gamit sa ibat ibang maleta.

"Pagtapos mo, sige." Utos ko rito. Napangiti naman ito ng tipid at tumango.

Kailangan ko din mag ayos no. Ayokong malait-lait ng mga aristrokrata doon. Kahit ba isa akong anak sa labas ay wala silang karapatan na pagsalitaan ako nanh hindi maganda.

Pagsasampalin ko pa sila.

Medyo napatawa naman ako sa aking iniisip marahil ay napakasama talaga nang iniisip ko.

Pero mas masama ang ugali at budhi nila.

Agad akong inayusan ni Rene, ako na Ang pumili ng susuotin ko. As much as possible, I want myself to look simple and low-key.

Ayoko ng kung ano anong suot katulad nang mga mamahaling kwintas, hikaw at makulay na kasuotan. Gusto ko ay yung mukhang malinis ako at kagalang galang at intimidating tignan.

Color black and white and suot ko at hindi gaano madesign. It screams elegance for me and it's appeasing to my eyes.

Even though I don't have a personal stylist just like the other nobilities, I have a great fashion style. I don't like to wear something extravagant just because it is a trend to the capital.

Nah. I set my own standards.

Let's be confident with this one. Kahit na hindi maganda ang background ko, they can't easily mock me.

Dumating na Ang karhwahe at kinuha nang ilang maids ang dala dala kong gamit para isakay doon.

Napatingin ako sa salamin na para bang hinahangaan ko ang sarili.

Parang may kulang pero hindi ko alam kung ano.

Ah. I get it.

"Rene, can u get me a hair accessory that will match my outfit? It's okay kung wala." Pang guiguiltrip ko dito.

"Ah miss! Meron po saglit lamang at hanapin ko"

Nagtungo ito sa aking drawer at naghanap.

Kinuha niya ang kulay itim na small bowknot hat with veil.

That's it. That's what I want to wear.

Pagkatapos ng pag aayos ko ay agad akong sumakay ng karwahe. Hinatid ako ni Rene at may bakas ng pag aalala sa kaniyang mukha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ECLEIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon