I woke up with a fucking hangover the next day. Sa sobrang dami ng ininom namin kahapon, hindi ko na maalala kung anong nangyari. Wait.. "Where the hell am I?" I roamed my eyes around the room and then it sinks in, I'm not in my room. "Oh my god, this is not my room! Where am I?" Nagsimula na ako lalong kabahan at mataranta nang bumaba ang tingin ko sa aking suot. "This is not mine!" pertaining to the clothes I was wearing.
"It seems that you're finally awake" napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon.
"Tristan, where is this place? What am I doing here? At bakit ganito ang suot ko?!" My heart was pounding so hard, kung anu-anong scenario na ang pumapasok sa utak ko. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. "Did we...did..no, don't tell me.."
"What?" nangingiti niyang tanong sa 'kin. Nakuha niya pa talagang mang-asar.
"Tristan, ano ba! Stop making fun of me!" naiinis kong sabi sa kanya.
"I'm not doing anything."
"May...nangyari.." mariin akong napapikit! London, how can you be so stupid!? "May nangyari ba sa 'tin?" lakas-loob 'kong tanong sa kanya.
"Pfft! I know that you're gorgeous and sexy, Bridgette but..hahahaha seriously?!"
Sa inis ko, binato ko siya ng unan. "Eh siraulo ka pala eh, anong gusto mong isipin ko? Nagising ako na hindi maalala kung anong nangyari kagabi tapos andito pa 'ko sa loob ng kwarto mo at ang pinaka malala, iba na ang suot 'kong damit?! You pervert!" bulalas ko pa habang panay pa rin ang bato sa kanya ng unan.
"Woah, chill! For the record, wala akong ginawa sa 'yo na hindi mo ginusto, okay?" He said as he smiled sheepishly.
My eyes widen. "What is that supposed to mean?! Gago ka talaga, I trusted you Tristan!"
"Bridgette, stop it" sabi niya nang pigilan niya ako sa pagwawala. "Walang nangyari, okay? Kalma." sabi pa niya.
"Kung wala talagang nangyari, then bakit iba na ang suot ko?"
"You were vomittinig non-stop last night, pati damit mo sinukahan mo na. Hindi kita pwedeng iuwi na sobrang lasing baka patayin ako ni yaya Melly" paliwanag niya pa.
"So, ibig sabihin ikaw ang nagbihis sa 'kin? You saw everything!?"
"No! No! I ask someone.. I asked a female staff na palitan ka, so chill. Wala akong nakita" paninigurado niya pa sa 'kin. Kahit papano ay kumalma namam ako pero napasabunot naman ako sa aking ulo nang may mapagtanto.
"Why? What's wrong? I swear Bridgette, wala akong ginawa" aniya habang nakataas ang kanang kamay.
"You said I vomited like...a lot, right?" Tumango naman siya. "Oh my god, that is so embarrassing!" sabay baon ng aking mukha sa unan. I never vomited before because of alcohol and the fact na hindi ko maalala ang nangyari makes it more dreadful. Nakakahiya ka, London!
"Hey.." naramdaman kong hinawakan ni Tristan ang aking ulo. "It's okay, hindi lang naman ikaw nagsusuka kapag nalalasing. You don't need to feel embarrassed" pampalubag-loob niya pa sa 'kin.
Tiningala ko naman siya at tiningnan ng masama. "Easy for you to say, hindi naman kasi yung nagkalat kahapon eh."
"Hey, it's okay.." he said as he leaned towards me, nailang tuloy ako sa lapit niya. "Tanggap naman kita kahit ang wagas mong sumuka" aniya sabay ngisi ng nakakaloko.